TV and Movies

I Was Robbed By Torky

Warning: This contains a lot of spoilers. Though reading the whole thing might not make you bother with the movie after all.

c/o Wikipedia

c/o Wikipedia

Katulad ng iba pang mga pamilyang Pilipino, nagpupunta tayo sa mga sinehan tuwing panahon ng pasko upang manood at supportahan ang mga pelikulang ipinapalabas para sa Metro Manila Film Festival. Para na ring naging tradisyon sa aming munting pamilya ang manood ng mga pelikula ni Vic “Bossing” Sotto. Siguro dahil na rin sa mga paghiling ng mga bata, pinanonood na namin ang mga ito noong pang Enteng Kabisote at yung may crossover pa kay Panday.

Ang recent nilang offering ay yung My Little Bossings na pinagbibidahan ng bagong child wonder na si Ryza Mae at ni Bimby. Hindi ko talaga gusto panoorin ang pelikula in the first place. Pero dahil nangungulit si Asher at natutuwa naman si Jonalyn kay Ryza kaya natuloy din kami.

Maganda yung simula ng pelikula. Nagna-narrate si Torky (Vic Sotto) kung gaano niya ka-gustong mag-travel sa ibang bansa. Dito pa lang, nagkaroon agad ako ng high hopes sa pelikulang ito. Para kasing malalim at maganda ang pagkakadeliver. Sa huli, wala rin masyadong significance yung ‘traveling’ kundi yung pagtakas ni Torky sa kanyang past.

It also felt that parts of the movie are dragging. Actually, yung unang part ng movie ay parang masyadong humaba at naubusan ata ng rolyo ng film yung bandang dulo ng pelikula. Ang sinasabing kong parte e yung pagbi-build-up ng story hanggang sa pag-threaten at pagtakas nila Torky at Justin (Bimby). It really took a while para magkaroon ng sense ang mga characters na may sense of danger at urgency na hindi naman maramdaman. Siguro nga dahil comedy ito kaya nasusupress yung ‘violence’.

Ang iba pang sa tingin ko ay unnecessary ay ang mga sumusunod:

1. Yung mag-syota (Niel Coleta at Barbie Forteza) sa bahay ni Torky. Kahit naman siguro wala yung dalawa, ok lang. Andun lang sila to deliver a few ‘forgettable’ punchlines.

2. Yung paglalaba ni Aiza at kailangan i-emphasize yung pagiging matipid ng Ariel powder at hindi na kailangan kusutin. Take note na hindi ko na sinama yung pagligo ni Ryza at Bimby gamit ang Safeguard dahil feeling ko it belong to the movie.

3. Yung pagluluto ni Aize ang El Real Spaghetti at Lucky Me Pancit Canton. Pati na rin yung pagluluto ng Pampanga’s Best Tocino.

4. Ang pagbili ni Torky sa Julie’s Bakeshop na ang tindera ay si Pauleen Luna.

5. Ang pagse-selfie ni Alat (na nakita ko lang sa Wikipedia na yun pala yung pangalan, Paolo Ballesteros), kasama nung tindera na may crush kay Torky gamit ang O+ na cellphone. Ipinakita na hindi na kailangan pang pindutin yung telepono para mag-picture. Magwe-wave ka lang sa harap ng screen na feeling ko e mas gumagamit pa ng mas maraming energy kesa sa pagpindot ng button. Lol.

6. Paghinto ng ilang segundo sa tapat ng van na may tatak na San Marino (Corn Tuna).

7. Yung paglitaw ni Oyo Sotto at Joey De Leon. Parang naglalaro lang.

8. Pagkakasakit ni Aiza at Justin, isang pagkakataon upang i-endorso naman yung Solmux capsule at ang pambatang Solmux. (nakalimutan ko at ipinaalala naman ni Diane)

Nasabi ko bang maraming commercial ang pelikulang ito? Baka pero parang may nakalimutan pa ako. Dahil nga sa pag-drag ng ilang bagay sa pelikula kaya maaaring nakulangan naman yung iba. Katulad na lang ng mga sumusunod:

1. Parang nagulat na lang ako nung ini-reveal na anak ni Torky si Aiza at ganun din yung anak ni Aiza si Ryza. Hindi nagkaroon ng emotional development basta parang sinabi na lang. Kung sa TV ito, katulad ng sa mga telenovela, alam na alam mo na, aabutin pa ng ilang Linggo bago sabihin ng deretsahan.

2. Hindi nagkaroon ng explanation kung paano nagkaroon ng connection si Torky at yung Kapitan. Waley. Pagdating sa huli, sila yung magkatulong para mahuli si Marga Atienza (Jaclyn Jose).

3. Yung pagkaka-convert ng bahay ampunan sa pagiging bahay ng mga snatcher at ang pagkakahuli nito sa huli na instant na pangyayari.

4. Alam ko comedy itong pelikula na ito. Pero it could have emphasize more on Family relationship (main theme) na parang na-overshadow ng mga advertisements at punchlines na araw-araw mong napapanood sa Eat Bulaga.

Overall, I would say it could have been a good movie. Maganda naman yung concept kung tutuusin. Naputakte lang siguro ng business at money-making kaya hindi nai-deliver ng maayos yung pelikula. Gustuhin man siguro nung direktor na gamitin yung ilang taon niyang pinag-aralan sa eskwelahan ng pelikula e hindi niya magawa dahil sa kailangan kumita ng pelikula. Sa huli, huwag sanang sisihin ng industriya ng pelikulang Pilipino ang mga manonood. Kung ganito lang din klase ng pelikula ang ihahain ninyo sa amin, malamang mauumay din kami.

Kahit ano pa man yung sabihin ko, everything is still a subjective opinion. Subjective honest opinion. Maaaring na stress ako sa pelikula na ito pero ikaw ay hagikgik na sa pagtawa habang pinanonood ito. Actually natawa din naman ako sa ilang parte. Lalo na dun sa mga ‘Bloopers’ sa ending credits.

PS: P171 na ticket (SM Novaliches) at dalawang oras ang nawala sa akin.

PS 2: May part 2 pala ito next year. Lolol.

Advertisements

29 thoughts on “I Was Robbed By Torky

  1. Pwede ka ng movie critic pre! Ang husay ng observations mo! Akalain mong halos lahat ng endorsement eh nakita mo. Kulang na lang eh paglabas mo ng pelikula ay may magtatanong kung anong produkto ang nais mong bilhin.. Ehehehehe.. Eniweys, sana nag enjoy ang mga kiddos mo..

    • mukha namang nag-enjoy sila. haha. meron pa nga yata akong hindi nakitang ad. para ka lang nanonood ng tv kasi automatic may commercial. sumakit nga ang bangs ko teh.

      eniways din, happy new year!

  2. Dami kong tawa sa movie review mo πŸ™‚ Hahaha grabeng advertisements! Actually, every year nanonood din ako ng isang MMFF para lang sumuporta sa Pelikulang Pilipino. Kahit na nakakadisappoint talaga most of the time XD At dahil dito sa review mo, hindi ko na papanoorin ito (although wala talaga ako balak) Siguro susubukan ko yung bagong kimmy dora dahil love ko si Eugene Domingo hahahaha πŸ™‚

    Happy new year, cheesecake! πŸ™‚

    • Happy New Year din. Abangan mo na lang ito siguro somewhere tapos tignan mo kung tama yun sinasabi ko. Lol.

      Sabi ko nga sa asawa ko sana Pagpag na lang o kaya yung 10000 Hours (na madaming awards).

  3. Confirmed ang expectations ko sa movie na to. Oh well, the mere fact na ang producers ay gahaman sa endorsements, di na ako nagtataka.
    What a shame. Top 1 pa yata sa box office nung first day. Oh well, as always. Yung Analog TV Programs libre dahil sa Ads pati ba naman sa movie itself na nagbabayad ka na, may Ads pa. Kung di nga naman talaga mga mukhang pera.
    Mapapanood ko rin naman yan ng libre, pag wala akong ginagawa, ayokong mag-isip at tyempong palabas sa TV at di ako ang may hawak ng remote control. πŸ˜€

    • napahawak ako sa ulo ko habang nanonood. akala ni Jonalyn, kung ano na yung nangyayari sa akin o kung may sakit ba ako. ang totoo, sumakit ng sobra yung bangs ko sa sunod sunod na ‘commercial’.

      gusto ko na ngang tulugan kaso baka humilik ako at maistorbo yung ibang nag-eendure este nanonood ng pelikula.

    • Lol. Natawa ako sa “nag-eendure” pero ganun talaga. Charged to experience na lang. At least pwede nyong gamitin tong experience na to for your next choice of family movie experience.
      Kung ako nasa sitwasyon mo, baka ganun din gawin ko. Sabi nga nila, Christmas is for children. Let them enjoy the season dahil pag lumaki na, alam na na marami nang kaakibat na responsibilidad ang pa-experience ng Pasko. πŸ™‚
      On the bright side… I, for once, believe that the sweetest thing that parents can do is to endure doing the simplistic stuff just to make their children happy. Aaw, cute diba? Pero sometimes once is enough. πŸ˜€
      Happy Holidays at Happy New Year sa inyo ni Misis at most specially sa mga chikiting!
      Nice Review pala. Thumbs up!

  4. Clap! Clap! Clap! Lahat ng pwedeng i-critique sinabi mo na πŸ™‚ Agree ako, maganda sana yung idea at material..Yung execution lang ang medyo fail πŸ™‚
    Sana in-emphasize na lang kasi yung family relationship dahil ang target market naman ay mga kids πŸ™‚ Naloka din ako dun sa mga commercials, kailangan magkasakit? Maisingit lang yung Solmux? πŸ™‚

    sa part 2, uulit ka pa? hihihi

  5. Nagbayad lang tayo para manood ng commercial,buti ikaw sumakit lang ang bangs ako gusto ko ng magwalk out sa inis at kung pwede lang bawiin yun binayad natin at ibang movie na lang panoorin.next time wag magpadala sa gusto ng mga bata xD

  6. i. seriously, andaming endorsements within the movie?? wtf!! parang garapalan naman na yan.
    ii. ang mahal, 171 pesos!
    iii. HUWAT MAY PART 2?! SERYOSO? dito talaga ako naloka. gullible pa naman ako.

    ’nuff said. πŸ˜€

  7. Nilunok ko ang lahat ng iyon at hindi pinansin para mag-enjoy. Sabi ko nga sa sarili ko: “hindi ko kailangang maging critic ngayon”. Maging simple tao, alisin lahat ng sense sa sarili at ibaba ang level sa pagiging bata upang maenjoy ko ang pelikula. Although, lahat ng sinabi mo talaga may punto lalo na at talagang napakakulang nga ang story pero isasawalang bahala ko na lang lahat iyon para masabi ko sa sarili ko na nasiyahan ako sa pelikula.

    Nice movie review, bro! πŸ™‚

  8. Nabasa mo na ung Kay Lourd de veyra? Pareho kayo ng punto. Hehe. Para di madisappoint, I prepared myself for the movie. Wala akong expectations, gusto ko matawa Lang at ma amuse sa kagwapuhan ng anak ni kris Aquino . Natawa naman Ako. Pero ung mga product pitches, un nga Lang maooffend ka. Pero mas na offend Ako sa sisterakas. Haha. Nice job writing about it. Happy new year !

  9. Pingback: Watch What You Watch | A Gracious Life

  10. Malamang magkaroon ng My Little Girl Boy Bakla Tomboy. Ryzza Mae meets Vice tapos kasama na ang CDO Young Pork Tocino at Star Mobile sa movie. Lol. Seriously sana mabigyan si Ryzza Mae ng isang magandang pelikula na siya talaga ang bida. Sayang yung kabibuhan nung bata eh. πŸ™‚

  11. Pingback: The Manliest Man Will Cry Movie: Miracle in Cell No. 7 | Say Cheese!

  12. Pingback: Betrayal of Public Trust | Say Cheese!

  13. Pingback: Wala Lang | Say Cheese!

  14. Pingback: It Was Entertaining | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s