Life and Family / TV and Movies

The Manliest Man Will Cry Movie: Miracle in Cell No. 7

Humiram ako ng external hard disk ng isang ka-opisina para kumopya sana ng Sherlock Holmes (na sa sobrang ganda ay nakakalimutan ng iba pati ang trabaho nila). Pero ang totoo wala akong ideya kung ano ang series na ito bukod sa crime mystery ang genre niya. Hindi naman kasi ako mahilig manood ng series. O baka lang din mas maglalaro pa ako ng PS3 kaysa magsalang ng isang episode ng isang TV series. Kung meron din naman na series na pinapanood namin ng sabay, e yun yung Naruto Shippuuden. Kokopyahin ko itong Sherlock sana para mapanood ni Jonalyn sa bahay.

Pero hindi talaga tungkol sa Sherlock Holmes ang post na ito. Dun kasi sa hard disk ni Romano ay may porn Korean movie na pinamagatang Miracle in Cell No. 7.

Late na akong umuwi kagabi. Medyo inaantok na rin si Jonalyn nung dumating ako. Pero naaya ko pa din siyang manood ng isang pelikula. Ayun nga yung Miracle in Cell No. 7. Inaantok na siya pero nagutuman yata nung nakita akong kumakain ng kanin na may ulam na porksteak. Halos kalahati yata nung mangkok na sinandok ko para sa sarili ko ang naagaw niya kaya pinasandok ko ulit siya ng refill. Kapag tatanungin mo kasi siya kung kakain siya, sasabihin niya hindi tapos kapag kumakain kana saka hihingi. Ilang saglit pa ay natapos ko na rin yung late dinner ko. Yung dalawang bata ay tulog na sa taas kasi maaga pa ang pasok kinabukasan.

Seryoso naming pinanonood ang pelikulang ito na tungkol sa mga pagsubok sa isang mentally challenged na tatay at ang kanyang cute at matalinong babaeng anak. Kahit may kakulangan sa pag-iisip, ginawa pa rin ng ama ang ultimate sacrifice dahil sa pagmamahal niya sa kanyang anak. Wala akong ideya kung tungkol saan ang pelikulang ito nung una. Sumulyap lang ako sa Wikipedia para makita lang kung tungkol saan ito at para na rin hindi rin ma-spoil ang iba pang detalye.

Simple lang ang istorya pero maganda ang pagkakagawa ng pelikula. Mapupuri mo ang mga gumanap lalong lalo na yung mag-amang bida ng pelikula. May mga parte rin na, bagamat nagbabasa lamang tayo ng mga subtitles, e nakakatawa pa rin. As in yung tawang tumatambling. Marami rin yung parte na, hindi ko napapansin na humahagulgol na pala yung katabi ko (kaya uulitin daw niya na wala ako para hindi na nya itatago ang hagulgol).

Ayon din sa Wikipedia, bagamat hindi mga big time na mga artista ang cast ng pelikulang ito, ito ay naging pangatlo sa pinaka-top grossing na Korean Movie of All Time. Ito na rin ay dahil nga sa “Word of Mouth”. Sa mga iilang pelikula ng Korea na lumampas sa $10 Million na ticket sales, ito ang pinakakumita dahil sa hindi naman kalakihan ang naging budget ng pelikulang ito. Isipin nyo wala pa itong commercial ng sabon, noodles at tocino. Hahahahaha, ay kulang pa pala, hahahaha.

Ito nga pala yung trailer sa baba. Kung paano nyo ito mapapanood ng buo, malaki na kayo.

Advertisements

21 thoughts on “The Manliest Man Will Cry Movie: Miracle in Cell No. 7

  1. Quality movie na top grossing? Wow. Kaya pala gumaling na ang mga Korean artists sa singing kasi ang gagaling na din ng audience nila ano. What a nice review, just right after your Torky post hehe

    • nachambahan ko lang na makopya ito sa kaoffice ko without knowing about it. and since it is a very good movie, why not post about it? ayun na yun. ๐Ÿ˜€

  2. May isa din na maganda.. Pero Thai movie yata yun.CJ7 ang title. Tungkol din yun sa mag ama na mahirap.. at sa batang lalaki na may alagang alien, si CJ7. ๐Ÿ™‚ hihihi. wala din dung commercials ng sabon, noodles, gamot, at kung anu-ano pa! hahahaha! ๐Ÿ˜€

  3. Added to my watch list. Pero not so soon dahil di ako mahilig sa tearjerkers kasi madali akong maiyak pag-magisang nanunuod, stressed at kulang sa tulog. yung tipong I’m at my vulnerable state. ๐Ÿ˜€

  4. hello, cheese… “Kapag tatanungin mo kasi siya kung kakain siya, sasabihin niya hindi tapos kapag kumakain kana saka hihingi.” ey, it’s a woman thing, makisabay sa pagkain. you should be glad when wifey does that… it means she appreciates your company, she likes eating meals with you. ๐Ÿ™‚ hwag ka mainis but rather, be a gentleman, be the one to get the second serving, hihi. o, basta ‘yon psychology no’n. if necessary, i can elaborate, pero about movie ‘tong post mo, haha. ^^

    thanks for sharing Miracle in Cell No. 7 and, sa dalaw. warm regards… ๐Ÿ™‚

    • actually pati sa pagbili ng food. yung tipong hindi bibili tapos hihingi sa akin. sasabihin ko, hindi naman ako madamot. kung gusto nyo bumili pwede naman. madalas lang kasi yung bumili ka ng sakto para sa iyo tapos may hihingi. hahaha. ang damot ko no?

      saka kaya naman siya yung nagseserve kasi galing na ako ng work, tapos parang pahinga kaya on service siya sa akin hehe.

    • true. big boy na nagdadamot ang isa ryan, ahihi. ๐Ÿ™‚

      ay, nanay misis mow, kapatid. nanay syndrome ‘yon, hindi ibinibili ang sarili or i-a-avail lang nya food, damit or luho pag sure na syang the husbandry and the kids, meron na…

      basta ganito, pasalamat ka pag hinihingian at sinasaluhan ka nila, pag nakikain sila sa iyong pinggan o nakikidampot… after 10, 15 or 20 years, wala nang mangingialam sa kinakain or binili mo, ‘yon mami-miss mo sa buhay – buhay, ahaha.

      saka, ‘yon daw logic pag-aasawa, kapatid. sharing? ang madamot, ‘yong mga singol gaya ng lola mo here, ayaw mag-share, haha. apir!

      hehe, defensive ka na. ๐Ÿ˜‰ syempre, lambing nya sa ‘yo, i-serve ka pero sama na sa package makikain sya, hihi. at pag minsan, tayo ka at ikaw kumuha.ulit ng food. lambingin mo rin, bruho. akala mo, pogi ka at malakas pa, di ka disposable? peace.

      ang sama ko, pero husbands should sometimes think what a drab and drudgery ang nasa bahay lang and 24-hours service required sa kanya, tamo… saka nakakapangit yon, kapatid. and, pag beauty na usapan at nasaling, you would know, women are forces to reckon with, haha. tinatakot na yata kita. ^^

      o, basta, gaya ng sabi ko sa isa ring ka-blog, husbands should be kinder and more sensitive to their wives, know why? because pag nag-Math na, do’n malalaman that women bear more, other than maruming laylayan ng pantalon and mabahong medyas ng asa-asawa nila, hakhak.

      baka patayin mo na ‘ko, dahil sa lecture, yay. basta, lambing and consideration, they go a long way… ๐Ÿ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s