Personal Musings

Ang Kayabangan

“Humility is the mother of all virtues; purity, charity and obedience. It is in being humble that our love becomes real, devoted and ardent. If you are humble nothing will touch you, neither praise nor disgrace, because you know what you are. If you are blamed you will not be discouraged. If they call you a saint you will not put yourself on a pedestal.”

~Mother Teresa, In the Heart of the World: Thoughts, Stories and Prayers

Nauna kong nabasa akong quote na “Humility is the mother of all virtues” sa libro namin sa GMRC/Religion/Homeroom subject namin noong First Year High School. Hindi ko matandaan kung ano talaga yung sibject basta yun na yun tapos ang teacher namin ay si Ms. Lamadrid. That was like six years ago. Lol. Ang gusto ko lang siguro i-point using this quote, walang kwenta yung ibang child virtues kung wala si mother virtue. Kahit pa mabait o mapagbigay ka, kung mayabang ka naman, wala rin.

“Galit ang mga magnanakaw sa mga kapwa magnanakaw.”

av06q2O_460sa

Galit ako sa mga mayayabang, NOON. Kasi siguro mayabang din ako ng konti dati. Usong uso dati ang kayabangan nung college sa mga online at LAN games na madalas ay sa pamamagitan ng pagta-trashtalk. Naalala ko pa na makailang beses na umabot din sa suntukan ang epekto ng ganitong siste. Kasi nga kung papatulan mo na hindi binababa din yung sarili mong pride, alam na kung saan aabot yan.

Pero kung meron man nakapagturo sa akin ng humility o pagpapakumbaba e walang iba kundi siya ring mga LAN games notably DotA. Kahit kasi anong galing mo, tiyak meron at merong tatalo sa iyo. Isang beses nga, may pumunta sa shop na nag-aaya ng pustahan. Parang mga early high schoolers ang mga batang ito samantalang kami e late college na. Ang bungad nila, “Hindi po kami magagaling, naghahanap lang po kami ng makakalaban.”. Ayun, nilabanan naman namin. Guess what? Na-Carnation Evap kami ng mga batang ito.

Itinuturo rin sa atin ng ating religion na kung sino yung mga nagpapakumbaba, yun yung inaangat ni Papa Lord. Kung sino naman yung nagmamataas o nagmamayabang, yun naman yung ibinababa o inaalisan ng karapatan magyabang. Nobody is perfect ika nga. Pwede mong ipagyabang yung kagwapuhan mo pero maliit naman ang ti—wala sa iyo ng mga tao. Pwede namang marami ka ngang pera pero mukha ka namang Undin na nagkatawang tao. Marami tayong pwede ipagmayabang, pero at the same time, marami din tayong kapintasahan. The bottomline is, wala tayong karapatan magmayabang. Though hindi dapat natin i-confuse yung pagyayabang sa pagmamalaki. They are different. Siguro parehas ng sense, magkaiba lang ng delivery.

With all that, kapag may maangas na haharap sa akin, no comment lang ako. Invulnerable na ako sa mga ganyang tao. Isang pagkakataon nga sa isang computer shop: “Pre nakikita mo ba yang maingay na iyan, mayabang yan e.”. Matapos ang isang laro kalaban yung maingay na lalaki, “Akala ko ba maingay yan, bakit ngayon tumahimik.”

PS: Dun sa mayabang na lalaki na na-encounter namin nung Saturday noon: “Ok lang sana na mayabang ka, ang problema wala ka namang ipagyayabang. Ayoko na lang sabihin pero, ano na ba yung narating mo? Nasaan ka at nasaan ako?”

Advertisements

20 thoughts on “Ang Kayabangan

  1. hellowie, Cheese… langya ka, natakot ako sa attachment – bad ka! 😉 pero, ang galing… hmn, bruho ka pa rin, hihi.

    my two-cents… usually pag nagyayabang, may pinagtatakpang insecurities. ang iba o tayo mismo, haha. 🙂 kaway-kaway…

  2. Ang tawag dyan sa DM mg “wew”
    nakakahiya man pero maraming pinoy na ganyan sa online world. hmm come to think of it mas marami ata sa real world.

  3. Mahirap talaga mag-comment. Always TC ang drama.

    And natutuwa ako sa gwapong maliit ang ti——–wala sa kanya ng mga tao… hahahaha :)))))) jk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s