Food / Humor

Chicken Day

Time Check: 4:22 pm

Nag-merienda kami sa Mang-Inasal kanina matapos yung Foundation Day sa school ng mga bata (na hindi pa actually tapos dahil basta umuwi kami matapos ang performance nila). Nagutuman yata sila sa mga sinayaw nila. At sabi ko rin kasi iti-treat ko si Joy matapos makuha ang pinakamataas na marka sa Science Quiz Bee. Tinanong namin kung anong gusto niya. Yung may “Hita + Paa” daw.

Ate

Jonalyn: Joy, tama na yang rice mo pangatlo na yan.
Asher: Huwag ka na humingi ng kanin ate, mauubusan na yung o-order.
Joy: Ano ka ba Asher? Siyempre madami silang sinasaing.
(Tawanan)

Time Check: 10:09 pm

KFC ang pinaka-malapit na kainan sa office namin. Yan yung kapag hindi mo isasama ang Siomai King at Sgt. Sisig na nasa baba lang mismo ng building namin. Night shift mode on ulit.

1 Piece Chicken (with Rice) + Mushroom Soup + Extra Rice + Unli-sabaw (Gravy)

1 Piece Chicken (with Rice) + Mushroom Soup + Extra Rice + Unli-sabaw (Gravy)

Advertisements

8 thoughts on “Chicken Day

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s