Life and Family / Personal Musings / Pictures / Travel and Events

Foundation Day: A Reflection

Bawat taon, ipinagdiriwang ng mga eskwelahan ang araw kung kailan nabuo o naitayo ang kanilang institusyon. Ito ay yung “Foundation Day”. Pamilyar na pamilyar tayo dito noong mga bata pa tayo at ngayon naman sa kaso namin ni Jonalyn bilang mga magulang ng mga batang estudyante. Nitong nakaraan buwan, nagkaroon ng Foundation Day yung eskwelahan nila Joy at Asher.

Makulay at masigla ang isang linggong pagdiriwang. Sa huling araw nito naman, isinagawa ng pagtatanghal ng mga estudyante ng bawat baitang. Yun nga lang, sa titulo pa lang ng posteng ito, alam natin na hindi yun ang gusto kong ikuwento dito. Pagpasensyahan na ninyo ang pagiging observative at OC ko.

Invocation

Katulad ng iba pang mga programa, nagsisimula ang lahat sa dasal. Dito may tinawag na estudyante upang basahin ang isang inihandang dasal. Wala naman akong masyadong masasabi tungkol dito. Nakakatuwa lang ang pagiging Honesto Promise ng eskwelahan. Nagdadasal kasi sila na sana dumami pa yung estudyante nila. Yes, business is business.

Filipino Spirit

Matapos naman ang prayer, yung pag-awit naman ng pambansang awit na Lupang Hinirang at hindi Bayang Magiliw. Mayroong mga CAT Officers na pumasok dala yung “colors” habang makisig na nagmamartsa. Naalala ko tuloy ang pagiging model platoon namin noon. Ilang routines pa, tumugtog na ang inaantay na himig.

flag

Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na kumuha ng litrato ng mga pangyayari. Pero alam ko naman na alam ninyo ang eksena sa pagkakataong ito. Mahigit yata sa kalahati ang walang respeto sa pambansang awit. Alam ko maliit lang na bagay kung tutuusin. Katulad na lang din sa mga posteng sinabi ko na noon, paano natin maipapakita ang pagmamahal sa bayan kung ang simpleng pagbibigay respeto sa ating kasarinlan e hindi natin magawa.

Kung ang maliit na bagay nga hindi natin magawa para sa bansa natin, paano pa yung mamatay para dito?

Following the Simple Rules

Noong maliit pa si Joy, suwerte na kami noon at meron kaming digicam na gamit tuwing may programa siya sa eskwelahan. Pangit pa rin kasi noon yung mga kuha sa mga cellphones. Kapag pine-play nga namin sa TV ngayon yung mga kuha dati, ayun walang sound at pixelated. Lol.

Ngayon, hindi lang digicam at cellphone ang dala ng mga magulang. Mayroon na ring DSLR Cameras at mga Tablets. Marami ang mga estudyante at ganun din yung mga magulang o guardians sa programang ito. Kaya unahan pagandahan na lang ng pwesto para makakuha ng magandang ring anggulo. Ang problema nga lang, na hindi naman talaga problema, may taling naghihiwalay sa mga audience at mga nagpe-perform na mga bata. Oo, alam ko proud tayong mga magulang sa mga anak naten. Sa tabas pa lang ng mga salita dito, alam ninyo na malamang ang mga sumusunod na pangyayari.

Hindi naman naging out of control. Nakakatuwa lang isipin na simpleng bagay lang din ito katulad ng naunang punto. Naalala ko tuloy yung episode ng Amazing Race na dumaan dito sa Pilipinas kung saan sumakay yung contestant sa isang taxi. Nakakahiya pero lumalabas na proud pa tayo na lumalabag tayo sa batas. Bow.

The K-12 System

Dahil sa Foundation Day na ito, saka talaga naisip kung ano ba talaga ang K-12 Education System na in-implement sa mga paaralan dito sa Pilipinas.

Dati kasi yung mga Foundation Day, ang magpe-perform lang e yung mga Nursery, Kinder tapos Grades 1 hanggang 6 at High School. Ngayon, Nursery, Kinder 1 and 2, Grades 1 to 8 at High School. So kapag High School yun anak mo, kahit after two hours ka na pumunta sa event. Lol. Lalong tumagal ang programs haha.

Naalala ko lang, sabi ng gobyerno, ito daw ang sagot sa mga problema ng Pilipinas sa edukasyon. Napakagandang pakinggan pero ang naaalala ko dito e yung mga lugar sa mga probinsya kung saan kailangan pang tumawid ng ilang bundok at mga ilog ang mga bata makapasok lang sa eskuwelahan. To think na yung dating sistema e hindi matugunan ng gobyerno, paano pa yung ganitong sistema. Isa pa, yung iba nga sa mga kababayan natin, yung hanggang Grade 6 lang hindi na makapag-aral dahil sa problema sa pera, paano pa pa kung may dagdag dalawang taon pa?

Isa pa na sinasabi ng gobyerno tungkol sa K-12, matapos mo lang daw ito, pwede na o ‘equipped’ na yung tao para makapagtrabaho. Pero muli, naisip ko, yun ngang nakapagtapos ng college e nahihirapan din makahanap ng trabaho, paano pa yung high school lang ang natapos?

Ito ba talaga ang totoong solusyon para sa edukasyon ng mga kabataan ng ating nasyon?

Pictures

asherteacher

Asher and Teacher Demi

asherdance

Dancing to the tune of What Does The Fox Say Remix

joyclassmates

Joy and classmates

joydance

Dancing to the tune of We Build This City

002

Magugulong Kinder 2

012

030

047

052

Advertisements

13 thoughts on “Foundation Day: A Reflection

  1. Hello kuya Keso! Mabuhay ka ahehe

    Isa rin ako sa mga magiting na “colors” noong ako ay high school pa kaya you can imagine kung gaano ako naging kulay uling noon. Nakakamiss, ay nakakapagpangiti pala yung alaala.

    Kuya Keso haha, sa totoo lang ayoko magpost o magcomment kapag may kinalaman sa gobyerno, sa edukasyon at disiplina dahil kumukulo at naguumapaw ang dugong rebolusyonaryo ko haha kaso nakabasa na naman ako ng ganito pero pipigilan ko ang kamay ko sa pagtatype ng hindi kanais nais hahaha

    Marami akong gustong icomment subalit ayoko na lang pala at baka iunfollow at iblock mo pa ako haha.

    Cheers!

    • Feeling ko, makalas naman ang tolerance ko. Isa pa, na-brief din naman ako nung college about being an activist. Hindi lang talaga ako pumasok sa pagiging isa.

      Oo marami ngang problema dito sa Pinas. Kailangan ng isang matinding imposibleng effort.

      LOL.

    • Haha, isang matinding effort talaga. Minsan nga naiisip ko na gusto ko maging mayor at gagayahin ko si Duterte ahaha

      well….ayoko na dagdagan pa ang sasabihin ko talaga *mouthzipped*

  2. Pingback: Root-Cause Analysis | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s