Pictures / Status Updates / Travel and Events

The Big Circle

Last March 8 and 9 (oo matagal na), naghold yung company ng isang team building + outing. Tutal wala pa akong maisip na i-share, siguro yung isa sa mga indoor activity na lang yung ise-share ko dito. Ito yung sasagutin mo lang yung limang katanungan tapos hahanap ka ng isang tao na may kaparehas na sagot mo. Ang goal lang e dapat makabuo kayo ng isang malaking bilog bilang isang company connecting people of the same ‘interest’. Yun nga lang, naghahanap ako ng picture to illustrate kaso wala akong makita sa mga uploaded pictures nung activity na iyon.

Ito na yung mga tanong at mga sagot ko.

Q: Who is your childhood super hero?

A: Vegeta.

Noong elementary, kung magkakaroon ng project tungkol sa Dragon Ball Z malamang pasado na kami gamit ang ‘Talambuhay ni Son Goku’ na naka-long folder na may fastener na kulay silver. Pwede rin magpasa ng ‘Family Tree ng mga Super Saiyans’. Naalala ko noon, nagpilian pa nga kaming magkakaklase kung sino ang mga ‘Super Saiyans’ namin. Siyempre, si Vegeta ang pinili ko. Hindi man siya ang bida sa teleseryeng ito, isa siya sa mga pinaka-memorable. Katulad na lang din ng personality ko. Mas ok na ako na hindi ako ang bida. Basta alam ng mga tao sa paligid ko ang totoong worth ko, ok na yun.

Q: What is your favorite comfort food?

A: Ice cream.

Do you deserve an explanation or an acceptable reason?

Q: What do you look forward to at work?

A: Accomplish work.

Ang maganda sa trabaho ng mga sales lady at ibang mga call center agents, pag-alis nila ng opisina o workplace ay tapos na rin ang trabaho nila. Kaming mga programmers, kung mayroon kang hindi natapos nung araw na iyon, kinabukasan naman, yun pa rin ang problema namin. So hangga’t hindi mo ginagawa yung dapat mong gawin, yung pa rin yung dapat mong gawin sa mga susunod pang panahon. Kaya naman sa tanong na ito, yung matapos yung tasks, work, o to-dos ang unang unang sagot ko. Bukod din naman sa passion ko na rin siguro yung magbigay ng solusyon sa iba’t ibang problema, masarap din kayang mag-weekend na walang iniisip na trabaho. Family at PS3 mode lang. πŸ˜†

Q: What is your greatest fear?

A: House spiders.

Tinanong ako ni Jonalyn kung ano ang gagawin ko sa kanya kung tatakutin niya ako ng gagambang bahay (prank). Isa lang ang sagot ko: Hihiwalayan kita.

Q: If you are an animal, what are you?

A: Blue whale.

Dahil isa itong laro, naisip kong mag-strategize at piliin ang hayop na iisipin din ng iba (at madami nga ang pinili ang ‘aso’). Pero iba pa rin ang sinulat ko sa papel. Inisip ko na tiger na lang ang isulat bilang pinakamalaking pusa sa balat ng lupa. Pero nagwagi pa rin ang Blue Whale na pinakamalaking hayop, dead or living, sa ibabaw o ilalim ng mundo. So, mas malaki pa nga raw ito kesa sa mga hayop sa Jurassic Park. At dahil nga sa malalalim na parte ng dagat ito nagsi-swimming, hindi rin ganoon karami ang alam ng mga tao tungkol dito. ‘Deep and Mysterious’ sila kumbaga.

Bonus Trivia: Of all the animals, the Blue Whale has the largest penis.

= = = = = = =

Here are some of the pictures (click for a larger view) from the Kick off/Team Building 2014 of MISNet in Gratchi’s Getaway.

Advertisements

12 thoughts on “The Big Circle

  1. Wala akong intention mag blog or mag-open ng wordpress account.. kaso naka subscribe din ako sa blog mo through email… nakita ko MISNet πŸ™‚ familiar yung company, naalala ko client kami ng company nyo sa sector ng education πŸ˜‰

    • Actually MISNet Inc (IT Group/Programmers) and MISNet Education (Training/School), though almost separate entities, are sister companies owned by Sir Eric (yun nasa picture). Dun ako sa former kasama. Six years na ako dito. πŸ˜€

  2. Childhood superhero… naku wala yata ako makakapareho. Laking Voltes V ako at Thundercats e. Pero ayos yung blue whale. Hindi ko alam yun a. Hehehe. Mukhang ang saya ng team building nyo. Kitang-kita dun sa #Bromance. Hehehe. πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s