News and Information / Personal Musings / Quotes

I Need No More Sex

Nung isang gabi, nagkaroon ako ng pagkakataong makapanood ng late night news. Ito ay matapos mapanood ang nalalapit na pagtatapos ng The Biggest Losers Doubles kung saan nakapwesto na si Bryan (Bigating Magkapatid) sa Final 4 ng contest kahit pa siya na lang ang kalahok na wala ng kapartner. Nagtala siya ng 9 pounds na naibawas na timbang na naging dahilan upang siya ang manguna sa karera ng paligsahan.

Yun lang, hindi tungkol sa Biggest Loser ang topic ng post na ito. Ito ay tungkol dun sa ibinalita sa telebisyon nung gabing iyon. Naisip daw kasi ng BIR na magpataw na rin ng buwis sa mga maliliit na tindahan. Meaning, mga sari-sari store, fishball-lan, toknenengan, nagbebenta ng banana-q, nagtitinda ng lutong ulam, at iba pa. Sa panukalang ito, kailangan na, na mag-issue ng resibo ang mga nabanggit na small businesses.

“Pabili nga po ng yosi.”
“Ito. Ay teka, ito din yung resibo.”

Pero sabi din naman sa naturang balita, yung mga goods lang naman na aabot at lalampas lang sa isandaang piso ang sakop ng panukalang ito.

Ok game. Una, maliit lamang ang kinikita ng mga negosyong ito para umeffort pa sila na gumawa at mag-issue ng mga resibo. Karagdagan lang na kaltas ito sa kakarampot nilang kita. Pangalawa, kung saan man nila binili ang mga goods na binebenta nila, meron na ito kaagad na 10% VAT. Pangatlo, naghihirap na ba ang gobyerno at kailangan pati yung mga ganitong tao e pinagdidiskitahan nila? At panghuli, kulang ba yung pambayad ni Janet Napoles sa pagpapagamot niya? WTF.

In other news, nakaalis na ng bansa ang isa sa mga suspect sa pambubugbog kay Vhong Navarro. Galing!

“I need no more sex because the government fucked me too much already”

Advertisements

23 thoughts on “I Need No More Sex

  1. Minsan nagsulat ako pero hindi ko pinost. Kasi nun muli kong binasa, ilang ulit kong nabanggit ang “ansarap manapak ng kurakot.” So kung iisipin mo, baka padalhan ako ng mga ninja assassins pag pinost ko yon.

    At syet naman. Pati yung mga maliliit na negosyo may TAX???? Bakit, pagtanda ba nung mga nagbabayad ng buwis may pensyon sila? Yung mga anak nila libre ba ang pag-aaral kahit man lang hanggang high school? May rasyon ba ng nutriban sa umaga? haha

    Haha

    at isa pang Haha

  2. Hindi ko mapigilan mag comment dito sa topic na to hahaha Ang point ko lang, if they want “big” collections then catch the “big” fishes πŸ™‚

    Sa susunod, hindi na ako magtataka, baka pati blogging taxable na din

  3. ang gobyerno kung ano ano na lang ang batas na pinapatupad. para bang basta may maipatupad na batas eh pati mga mhihirap at naghihikahos na tindera ay papatawan ng buwis. sabi nga ng tatay ko “ang mga mayayaman lalong yumayaman, ang mga mahihirap nananatiling mahirap”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s