Life and Family / TV and Movies

Betrayal of Public Trust

Sky Kable

Ilang buwan din kaming nagtiyaga sa TV namin na malabo. LED HD nga yung TV kaso walang antenna kaya ganun. Hindi na kasi namin na-install pa yung Ernie Baron Antenna kasi walang aakyat sa taas ng bubong. Bumili na lang tuloy kami ng antenna sa may Handyman na pinapatong lang sa tabi ng TV tapos ok ka na. Ang problema, TV5 lang yata yung luminaw talaga. Yung ibang channel parang umuulan pa din. Kasi naman, malapit lang yung tower dito ng TV5 kaya expected mo na malinaw. So to other consumers, hindi nagwo-work yung mga antenna sa mga shops. Merong version na sinasaksak pa sa kuryente pero I can’t speak for that.

Dahil hindi na namin matiis na ganun ang sitwasyon, kahit ayaw ko na naman isa pang recurring expenses, napilitan na kaming magpakabit ng cable kesa lumabo yung mga mata namin. Sky Cable. Tinawagan ko lang at hiningan ng ilang mga detalye, ayun, matapos ang ilang araw, andyan na. Binilinan ko na lang si Jonalyn na humingi ng extra na kable para in case ililipat namin yung TV sa kabilang side ng sala e walang problema.

Nakabit na nga nung kahapon. Kaso nalaman ko na humingi ng bayad para sa kable, P200. Sabi ko, “e bakit may bayad e paano kung simula pa lang andun na nakapwesto yung TV?”. Hinanap ko ang resibo at wala naman daw binigay.

“Tatawagan ko ang Sky para i-reklamo yan mga nagkabit. Hindi naman yung P200 yung pinag-uusapan diyan kundi yung panloloko.”
“Huwag na. Isipin mo na lang mas nangangailangan yung tao. Kung hindi man, karma na lang nila.”

Wala na akong nasabi pero mataas pa rin ang blood pressure ko.

#PBBScripted

f5ec04a3b

Kagabi nailipat ko sa Channel 08 (ABS-CBN) ang TV na hindi na malabo at masakit sa mata. Akala ko Star Circle Quest ang palabas. Pinoy Big Brother pala. Kagagandang mga bata kasi ang mga ‘housemates’ ngayon. Artistahin na kumbaga. Kaya naman noong unang pinakilala ang mga ito noong weekend, sumabog agad sa mga social media ang hashtag na #PBBScripted.

May spekulasyon kasi na hindi naman totoo ang audition para sa programang ito at ang mga nakapasok na mga kalahok ay may kanya-kanya ng ‘handler’ o tumatayong manager katulad sa mga totoong artista. Nasaan na yung mga katulad nila Jason at Melai? E Jayson at Franzen (na nagtago sa ilalim ng kumot at gumawa ng himala)? Kung ganun lang din pala yung mga audition ninyo, sana nilagay ninyo sa mga requirements ng current contest na dapat artistahin lang ang pwede. Kawawa naman yung mga pumila at sandaling nangarap sa mga pekeng audition ninyo. Sana una pa lang, maliwanag na agad yung qualifications.

Note: Mukhang maraming sumaling #Pogays sa #PBBScripted. Hindi pa kasi ako nakakita ng isang tunay na lalaking habang kausap mo e nilalaro yung buhok sa may buntot bilang mannerism. Vonggels.

Amazing Interview

Napanood ko yung KrisTV nung isang araw, Friday ata yun, nung ininterview ni Kris Aquino yung mga cast (at director?) ng Amazing Spiderman 2. Hindi ko lang naabutan yung interview kay Andrew Garfield.

Medyo awkward lang kasi na sabihin kay ‘Mr. Spiderman’ na natalo via opening day gross ang unang movie ng Spiderman ng isang walang kwentang movie na co-producer siya. Sabay yata kasi pinalabas ang Amazing Spiderman at My Little Bossing nung Christmas that time.

Advertisements

14 thoughts on “Betrayal of Public Trust

  1. Una. Mukhang malinaw na nga ang inyong TV dahil napanood mo ang kalokohan ng bahay ng mga malalandi at ng nagfefeeling maging si Miley Cyrus.

    Pangalawa. Katulad nyo ay malabo din ang aming TV at inaakyat sa bubong. Pero ang weird lang, kung sa inyo TV5 lang ang gumagana sa amin naman kakaiba. Kapag gumana ang ABS, hindi gagana lahat ng ibang channel. Pag naman hinayaan malabo ang ABS, gumagana lahat ng iba pang channel.

    Pangatlo.

    • Una, bakit putol ang comment mo.

      Pangalawa, salamat sa palaging pagbisita at pag-drop ng comments sa comments box.

      Pangatlo, pakabit na din kayo ng cable.

      Pang-apat.

    • Una Ulit. Nag-iisip pa kasi ako ng comment tungkol sa nagfefeeling na si Miley pero naisip ko wag na lang.

      Pangalawa Ulit. Walang anuma.

      Pangatlo Ulit. Wala kaming pambayad sa cable buwan buwan. Isa pa wala namang mahilig manood sa amin ng TV.

      Pang-apat.

  2. About PBB…I heard magaganda at mga gwapo nga daw ang housemates. Wow, another Kim Chiu or Gerald in the making. I read somewhere in the net, I;m not sure if tweet or blog…basra ang point is: “You want to know the quality of the minds of our youth today, just look at the trending tweets about the current PBB season…” Di ko pa naman na check but I have an idea…malamang, hindi nakakatuwa. Kaya siguro ganun din ing mga nakapasa )?) or naisali dahil un ang gusto ng manood…which is again, sad.

    • “You want to know the quality of the minds of our youth today, just look at the trending tweets about the current PBB season…”

      Yung kapag gwapo malaki tendency na gay? Lol. Yan lang ang pumasok agad sa utak ko nung nabasa ko itong comment mo. Naba-bash kasi ang show dahil nga mukhang artista search yung PBB. Kung talagang ang intensyon ng PBB e ganun, sana may qualifications silang inimpose para yung sa tingin nila hindi sila artistahin katulad ko, sana hindi na nagpagod na pumila.

    • I definitely agree. Parang kapag mataas ang text votes, hindi natatanggal. Yung papremyo nila P1M dati, e kung ang nagtext ng tig-P2.50 e aabot sa 1M din, e di kumita na sila agad ng P1.5M. Wala pa yung mga sponsors. Lol.

    • Bukod dun hindi naman talaga kailangan ng writers kasi nga reality-based so tipid pa sa employees. Super kita talaga. Pati nga ung panonood sa ABSCBN mobile e may bayad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s