Activities and Hobbies

2048

Tapos na ang panahon na kung saan na kapag sumakay ka sa isang pampublikong sasakyan katulad ng MRT e lahat ng mga may hawak ng kani-kanilang selepono ay tumitipa ng iba’t ibang kulay na mga kendi. Sa madaling salita, nagke-Candy Crush. Sa ngayon, wala na yatang naglalaro nito bukod kay Sir Ramil.

Di kamakailan, sumunod naman sa yapak ng app na ito ang Flappy Bird na nagturo sa mga tao, na kahit santo pa yung iba, kung paano magmura ng malutong. FYI, 11 lang ang high score ko sa Flappy Bird. Yun nga lang, hindi rin talaga naging mataas ang paglipad ni Flappy kasi nga malakas pa rin ang hatak ng gravity. The law of gravity called Copyright Infringement.

Sa ngayon, iba na naman ang trip ng ilang mga nakakasabay ko sa pagpasok papunta at pauwi paalis ng trabaho: 2048. Matagal na naglalaro yung iba kong ka-officemate at nagpo-post ng kani-kanilang score sa Facebook pero hindi ko pinapansin. Na-curious lang ako kung ano ang meron dito kasi sa unang tingin sa mga post nila, e wala kang maiintindihan. Kaya ayun, dinownload ko din sa Windows Phone ni Jonalyn. Hindi lang siguro ito magiging ganun kasikat dahil wala itong social integration pero I am contented on what it has to offer.

Simple lang naman ang goal ng larong ito, pagsasama-samahin mo lang ang mga tiles na magkatabi at may numerong magkapareho. After nila mag-combine forces, ang resulta lang e yung addition ng dalawa. *Poof*. So mula 2 tapos 4, 8, 16, 32 and so on and so forth hanggang makabuo ka ng tile na may 2048 ang value.

Ang dali lang diba?

Yun lang, kada galaw (up, down, left or right) mo sa iyong screen, may lilitaw naman na bagong tile na may numerong 2 o kaya 4. So game over kung wala ng tile na pwedeng pagpatungin at wala ng pwede move na gawin.

Tips na natutunan ko nung wala akong magawa sa FX:

1. Ilagay lamang sa isang gilid ang lahat ng tiles mo. Ang tendency kasi, kapag kung saan saan ka lang naglilipat lipat ng mga tiles mo, magkakaroon ka ng halo-halong numero at mahihirapan kang humanap ng magkaparehas na numero at hindi maglalaon e wala ka nang gagalawan.

Current saved game.

Current saved game.

2. Kung mayroon dalawang option kung saan ididikit ang isang tile, unahin yung sa gilid na napili mo. Maaari kasing maipit ang malaking numeron ito sa ibabaw ng iyong ‘stack’ at mahihirapan kang ibaba ito sa ilalim.

Mostly depend on the situation.

Mostly depend on the situation.

3. Huwag magbaba ng magbaba ng mga tiles hanggang wala ka ng ibang galaw kundi yung pasaliwa sa napili mong gilid.

Wrong move most of the time.

Wrong move most of the time.

4. Ang mga nasa ibabaw ay suggestions lang. Makakakuha ka rin ng techniques as you go along.

5. Hindi pa ako nakakabuo ng 2048. Pero alam ko malapit na. LOL.

Ang hindi high score na puro talo.

Ang high score na puro talo. Note: Mas gusto ko yung version ng Windows Phone ng 2048. Wala kasing oras kaya hindi nakakapressure lol.

Tara magpatong patong na tayo.

Advertisements

11 thoughts on “2048

  1. Pingback: Huwag I-Click Walang Kwenta | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s