Life and Family / News and Information

Kagat ng Langgam *Updated*

Kahapon nang umaga, maaga kaming umalis ni Jonalyn. Pumunta kasi kami sa isang center na ni-refer sa amin ng isa naming kaibigan. Paano kasi, nakagat ni Bubbles si Jonalyn last Saturday. Sadly, hindi pa namin napapaturukan si Bubbles. Ayun kaya worried kami. Sabi ko naman kay Jonalyn, kahit pa magkano yan gagawan ko ng paraan kesa naman magkasakit ka. Wala pa naman gamot yan once lumabas na yung sintomas. Sure dead.

Si Bubbles.

Si Bubbles.

Nung nakagat kasi ng pusa yung kaibigan na nag-refer sa amin dito, P4000 yung binayad niya. Depende rin kasi yung sa gravity ng injury yung gamot (at likely yung gastos). Yung kay Jonalyn, natuklap lang yung ibabaw ng balat sa kamay at konting dugo lang. Hindi yung talagang nag-bleed. Hindi naman sinasadya ni Bubbles. Ipinapasok kasi siya sa kulungan nung naipit siya sa gap nung bakat at biglang nagpumiglas sa sakit. Dahil dun, nakagat niya si Jonalyn, at sa gulat naman ni Jonalyn nahila niya yung kamay niya at yun ang naging sanhi ng sugat.

First Aid

First Aid

So far, ok pa naman si Bubbles ngayon. I even asked the doctor/nurse/injector kung pwede na bang paturukan siya ng Anti-Rabies. Huwag daw muna para ma-observe (in 14 days) kung may signs siya ng rabies. May tendency daw kasi na dahil sa anti-rabies drug e manghina o madeads yung dog at hindi na madetect kung rabies ba o dahil sa vaccines siya na-rest in peace.

Parang kagat lang yan ng langgam.

Parang kagat lang yan ng langgam.

Sa unang turok ni Jonalyn, P650 yung binayad namin. Though dapat may plus P150 pa para sa Anti-Tetanus pero out of stock sila sa gamot kaya sa iba na lang siya magpapaturok. Verorab lang yung nilagay sa kanya. Babalik kami in every seven days of a total of four times para sa vaccines. Yung succeeding shots, P550 na lang kung alive and well naman si Bubbles. Otherwise, mas malakas daw na gamot ang second shot niya next week.

Topmed Clinic Pricing

Topmed Clinic Pricing

So for victims of animal bites at taga-Quezon City, you can check the clinic’s details below:

aa


Topmed Diagnostics and Animal Bites Center
Kalayaan Ave Lungsod Quezon
(02) 709 9468
image via https://plus.google.com/113401630540645699249/photos

Basta along Kalayaan Avenue almost just after Mayaman street, may makikita kayong Generika Drugstore. Andun sa loob mismo ng Generika yung clinic.

On a side note, ano kaya ang gagawin mo kung mahirap ka at wala kang pera pampaturok ng anti-rabies at nandito ka sa isang bansang hindi naman ini-impose ng gobyerno ang mandatory na rabies vaccine sa mga aso?

*May 31 Update*

I researched more about Verorab, the drug used for rabies vaccination, and it turned out that the shelf life for it is 3 years. Now, I don’t see the point that an animal bite clinic would have a shortage for one. This simply means that you have to be early and be one of the first in line to ensure you’ll get the shot you need. One the first visit we did, they don’t have anti-tetanus shots so Jonalyn had to get it from another clinic.

I would say that this Topmed clinic is a good but with the pricing posted above, you may look for a better one.

Advertisements

12 thoughts on “Kagat ng Langgam *Updated*

  1. Katakot takot na pabalik-balik sa ospital para sa bakuna rin ang natamo ko nung nakagat ako ng aso mga 5years old palang ako. Sa pagkakatanda ko walang araw na hindi ako umiyak sa tuwing tuturukan, haha. At dun na nagsimulang medyo katakutan ko ang mga aso, hehehe.

    • Nung bata pa si Jonalyn, nakagat din sa mukha pero di siya nagkaroon ng phobia sa mga aso.

      Ako thankfully hindi pa nakakagat. 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s