Music / News and Information / TV and Movies

Pampagising

The Ventures

Kapag inaantok ako, madalas na takbuhan ko ay hindi kape. Bawal kasi ‘yata’ sa akin ang caffeine. Kaya kahit paminsan minsan umiinom pa rin ako mga average of 2 cups per month. Isa pa, kapag umiinom ako ng kape, inaantok ako. Hindi ko lang alam baka psychological lang pero ever since ganun na. Yung tipong pagka-gising, mag-aalmusal ng pandesal at kape tapos tulog ulit tapos gigising sa tanghalian.

Dahil magulo yung idea sa taas, ibabalik ko kayo sa totoong topic, yung pampagising. Yan ay walang iba kung hindi ang porn music. Yes, music. Pero siyempre depende sa music. Ang totoo nga nyan, ni-dare ko pa si Jonalyn na kaya kong tulugan ang mga hard/metal rock music. Kahit maingay kasi, parang lullaby lang yun kapag naririnig ko. Kapag hindi ko naman kasi gusto, ayun, hindi makakatulog.

Pero hindi talaga ang pagtulog ang topic ng post na ito. Ito yung pampagising gamit ang musika. Kung meron mang specific na kanta/musika na masasabi kong nakakagising sa akin, ito yun sa baba:

Hawaii Five-O

Ok, 1982 ako pinanganak (na nagugulat ang mga hindi nakakaalam dahil mukha raw akong mas bata for my years thanks to Olay). Nagsimula naman ang bandang The Ventures nung 1958 (sabi ng Wikipedia). Ang laki ng age o generation gap pero alam ko, kahit pa sino e makakarelate o makaka-jive sa music nila. Ang totoo niyan, hindi ko nga alam na yun pala yung banda na tumugtog ng Hwaii Five-O. Hindi ko rin alam na wala palang kumakanta sa kanila, as in instrumental lang. Sila rin pala yung kauna-unahang banda na gumamit ng distortion o special effects sa kanilang gitara. Kaya naman malaki ang impluwensya nila sa mga banda ng mga sumunod na henerasyon.

Alam kong pamilyar ka rin sa mga tugtog na ito sa baba:

Wipe Out

Walk Don’t Run

Hanggang ngayon, aktibo pa rin ang banda ng The Ventures pero malamang hindi na yung mga original members. Mga anak na yata at iba pang nahalo ang members na nito ngayon.

45th Anniversary

Asia Carrera

Nung isang araw nagpe-facebook ako, nakita ko sa page suggestions (to like) yung ‘Asia Carrera’ na sinamahan pa ng isang maliit na thumbnail ng picture niya. Pamilyar at nagbibigay kuliling sa tenga lalo na kung ikaw ay isang lalake.

Asia Carrera

Ikaw ba naman ang bumida sa higit sa 400 na porn movies. O ha! Pero siyempre dati pa yun at alam naman naten na ang lahat ng bagay e “won’t last forever”. Nasa isang konserbatibo na siyang buhay ngayon, single and widowed, kasama ang kanyang dalawang anak (Wikipedia).

Siya nga pala: “Hindi ko alam na pianist at degree holder siya.” Lol.

Magaling din siya sa Unreal Tournament, kung alam mo yung FPS videogame na yun at naghost pa ng sarili niyang server ayon din sa Wikipedia.

Ano gising ka na ba?

Advertisements

7 thoughts on “Pampagising

  1. Haha tiyempong inaantok ako bago to basahin.
    Ito nga #self-talk ko “Kakagising lang, kakaligo at kaka-kape, inaantok parin? Yung totoo, narcoleptic ka no?”
    Nagising naman ako sa post mo. Astig yung music, lagi kong naririnig, ngayon ko lang nalaman sino tumugtog…
    400 movies? Sya na!…
    tawang-tawa din ako sa mga hirit mo. 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s