Life and Family / News and Information

Public Apology

Sisimulan ko po ang pitak na ito sa taos pusong paghingi ng tawad sa sambayanang Pilipino sampu ng aking mga kamag-anak, mga kaibigan at mga kakilala. Noong nakaraang senatorial elections kasi, ibinoto ko si Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.

Ninenok sa Google.

Ninenok sa Google.

Paumanhin po kung isa ako sa karamihan ng mga Pilipino na hindi man lamang nagawang sumilip sa mga nagawa o kredibilidad ng mga tumatakbo sa pulitika. Busy kasi ako sa iba pang mga bagay upang gawin pa ito. Hindi ito sapat na dahilan. Isang napakalaking kamalian kung tutuusin lalo’t tungkulin ito ng isang mabuting mamamayan ng Pilipinas.

Ngunit naisip ko rin naman, kung aalamin mo naman ang mga bagay na ukol sa mga pulitikong napupusuan, malamang puro ‘magaganda’ halos ang makikita. Ang pulitika pa naman kasi ay kasing kulay din ng showbiz. Kaya naman siguro marami ang mga artista na pumapasok sa pulitika. Makulay ang pulitika sa puntong lumalabas kadalasan ang mga ‘good publicity’ at yun namang mga hindi ay malamang mabilis na ‘papatayin yung sunog’. Kung meron mang makakalusot, ang sasabihin na lang ng pulitikong kabilang e, ‘black propaganda’ lang iyon ng kanyang mga kalaban.

Alam ko namang meron pa rin na mga tumatakbo na malinis ang kalooban. Pero aminin natin na bihira ang mga ganun. Mas malamang pa yata, ang pagpili ng iboboto sa eleksyon ay parang pagpili ng kung sino yung mas kokonti ang nanakawin. Hindi ko alam kung ano ang meron sa gobyerno na kung tutuusin ay maliit lang naman ang suweldo.

Republic Act No. 4134 Section 1 A

The annual salary of the President of the Philippines shall be sixty thousand pesos; the Vice-President of the Philippines, the President of the Senate, the Speaker of the House Representatives, the Chief Justice of the Supreme Court and the Auditor General, forty thousand pesos; the Senators and Members of the House of Representatives, and the Associate Justices of the Supreme Court, thirty-two thousand pesos each; the Chairman of the Commission of Elections, twenty-two thousand pesos; and the Members of the Commission on Elections, twenty thousand pesos each. The salary increases herein fixed shall take effect in accordance with the provisions of the Constitution.

Nakulong na pala yung ilan sa mga kadamay sa ‘Pork Barrel Scam’. Yun nga lang, para lang silang nag-Vacation Leave. Kaya humingi ako ulit ng paumanhin sa sambayanang Pilipino dahil bagamat tutol ako sa mga kaganapang ito kung saan parang bakasyunan lamang ang mga ‘selda’ (na tamang bang tawaging gayun), wala akong magawa. Parang lumalabas kasi na mas matapang pa ang kuko ng batas sa isang taong nandukot ng isang latang sardinas sa palengke para pumawi ng gutom ng kanyang pamilya kaysa sa taong nagnakaw ng milyon-milyon upang tugunan ang walang hanggan nilang kasakiman sa pera at kayamanan. Hihiga ang naunang kawatan sa malamig na sementong sahig samantalang ang huli ay sa kutson. Ang una ay kakain ng rasyon at yung isa naman ay dadalhan ng sinampalukang manok at inihaw na tilapia. Ang una ay magkakasakit at hindi mapapansin samantalang ang isa naman ay sasakay sa wheelchair at dadalhin sa isang pribadong ospital. Hindi alam ng isa kung ano ang kahihinatnan ng kanyang buhay ayt ang isa naman ay makakalaya at makakalimutan ang sala paglipas ng panahon.

Humihingi ako ng paumanhin na bagamat gusto ng pagbabago ay hindi ko alam kung papaano. Nagiging sunod-sunuran lamang tayo sa makinaryang pinapatakbo ng isang korporasyong tinatawag na gobyerno. Alam ko namang mabuti akong mamamayan at may pagmamahal sa bayan. Pero alam ko rin na hindi ito sapat.

Wala po akong sinasabing may kasalanan o ‘guilty’ si Senator Bong at mga iba pang sangkot, pero sabi nga ng isang kasabihan, “Kung may usok, may siga”. Sana lang talaga, lumabas na ang katotohanan at maparusahan ang dapat na maparusahan. Siya nga pala, for the record, hindi ko po binoto si Senator Jinggoy.

Doon naman sa mga taong kumakain at nagpapakasasa sa mga bagay na alam naman nilang galing sa nakaw, putang ina ninyo po.

Advertisements

13 thoughts on “Public Apology

  1. Kaya hindi ako sang ayon na ang karapatan sa pag boto ay ibigay sa lahat ng pilipino. Dapat na ibigay lamang ang karapatan na ito dun sa mga taong nakakaintindi sa kahalagahan ng kanyang boto.

    • pwede pero papaano kung kaalyado naman nung pulitiko yung boboto na yun. saka isa pa, mas kokonti na lang yung ibo-vote buy nila hindi na ang madlang people.

    • Harsh ba kung yung mga aktibo lang sa pagbayad ng income tax ang dapat pabotohin? yung mga hindi aktibo o never naman nag contribute sa kaban pwede na siguro sila sa PTA o baranggay level lang. Iba kasi ang galit ng mga nag kontribute sa kaban tapos mababalitaan mo ninanakaw lang daba? Oe kung nagpapalaki lang naman ng balls o nagpapataba ng pepe sa bahay care naman ng mga yan kung ninanakaw na ang ang kaban ng bansa kaya kahit sino na lang iluluklok sa pwesto kainaman.

    • kainaman sa sa itlog at pepe na yan. hindi ko talaga alam kung ano ang dapat gawin ng mga pinoy. siguro kailangan muna simulan sa pinaka-basic na bagay: yung matuto muna tayong mahalin ang ating bayan “collectively”.

  2. Doon naman sa mga taong kumakain at nagpapakasasa sa mga bagay na alam naman nilang galing sa nakaw, putang ina ninyo po.

    – i second the motion

  3. Pingback: Selfie | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s