News and Information / Personal Musings

Selfie

Noong Unang Panahon

Kilalang kilala natin ang mga kabayanihang ginawa ng ating mga bayani nung unang panahon. Lalo na noong mga nasa eskwelahan pa tayo, alam na alam natin yung mga adventures nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Juan Luna at marami pang iba. Sa tulong ng mga aklat na ukol sa kasaysayan, nagkaroon tayo ng pagsasalarawan ng kanilang mga buhay sa ating mga isipan. Malaking tulong din ng pagkakaroon ng mga palabas o pagsasadula ukol dito; mapa-pelikula, telebisyon o teatro man ito.

Wala pang cellular phone noon. Malamang, wala pa ring selfie noon.

Ngayong Bagong Panahon

Quezon City daw ang selfie capital of the Philippines. Marami kasing mga mukha ang nakikita sa kapaligiran ng lungsod na ito. Madalas, hindi lang naman mga mukha pati na rin ang naglalakihan nilang mga pangalan. Ito ay nakapaskil, nakadikit o kaya nakapinta sa mga gusali na pag-aari ng gobyerno; mga sasakyan katulad ng ambulansya, bumbero, government service at iba pa; mga guardpost, poste, barricades, sinisirang ginagawang kalsada at kung ano pang mga espasyo kung saan kakasya ang mukha o pangalan; at huli mga pagbati ng mga nagtapos ng baitang sa eskwela, mga lamay, mga fiesta at kung anu-ano pang okasyon.

Yes. Selfie po ito ng mga politiko. Alam kong hindi lang naman ito dito lang sa Quezon City. I’m sure pati sa mga lungsod niyo ganito rin.

Noong Naghalo ang Balat sa Tinalupan

Dederetsuhin ko na ang punto. Aalis na kasi kami papuntang Trinoma. Para saan ba talaga ang mga selfies na ito ng mga pulitiko (na alam naman natin na ginamitan din ng kapangyarihan ni Photoshop). Pampapogi? Pagpapaalala sa mga tao upang iboto sa susunod na halalan? O para maalala ang legacy na iiwan nila para sa taong bayan.

Kung talagang gusto ng mga pulitikong ito na maalala sila ng mga tao, mas malaking impluwensya yung serbisyo kaysa sa mga karatulang ito na na-display kung saan saan. Ang totoong legacy ay yung nagawa mo yung trabaho mo.

Kung tutuusin, wala naman silang karapatang ilagay yung mga mukha at pangalan nila sa mga nabanggit ko. Dapat nga mukha ko ang ilagay nila diyan. Kasi isa ako sa mga walang choice kundi magbayad ng mga buwis (na nanakawin lang din). Kanino bang pera ang ginagamit dyan? Sa kanila ba? Hindi ba galing sa pera ng taumbayan yan?

govt selfie

Kinuha ko ang in-edit na picture dito: AntiEpalQuezonCity

Advertisements

4 thoughts on “Selfie

  1. may kakilala nga kami eh, sa city hall nagtatrabaho. (ewan ko nga kung trabaho talaga ang tawag sa ginagawa nila dun) Sumasahod sila ng wala naman silang ginagawa sa pinapasukan nila.. Pinagmamalaki pa nila na nag i-in lang sila sa office ni mayor at pagtapos nun pede na sila umuwi. Wala lang, just sharing. haha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s