Health and Fitness / Humor / Life and Family / Personal Musings

May Pagtingin Ako sa mga Lalake

Aaminin ko, matagal ko na itong nararamdaman. Napapansin kong may kakaiba sa sarili ko. Naaalala ko noon, high school pa lang, hindi ko na ito mapigilan.

“May pagtingin ako sa mga lalake.”

Ang totoo nyan, hindi naman lahat. Ang weakness ko talaga e yung mga gwapo, macho, o kaya yung mga tattoo; or all of the above. Nung isang araw inamin ko ito kay Jonalyn. Nagulat din siya at hindi makapaniwala. Wala siyang magawa pero natanggap niya rin naman eventually. Lalo na nung ipinaintindi ko sa kanya kung bakit.

Googled Image

Googled Image

Mga Gwapo. Alam ko na nabanggit ko na ng ilang beses na feeling ko, pangit akong bata noong maliit pa ako. Pangit in the sense of inferiority complex. Wala kasi akong napasagot sa lahat ng niligawan ko. Ever. (Now read between the lines.) Pero mali pala ako. Hindi naman sa para akong isang bulate na naging isang full blown butterfly. Hindi ko lang siguro nakita yung beauty inside of me. Hindi pala ako pangit,gwapo pala. At hindi rin pala lahat nadadala sa face value, mas mahalaga yung overall package.

Well, I just imagine na hindi na ako sa kagwapuhan na side pero nakabingwit pa rin naman ng mga babae with simple gestures at kindat. Paano pa kaya kung ipinanganak akong Piolo Pascual (Straight Version) o kaya Coco Martin, naku! Baka hahabulin na ako ng mga babae tapos ipa-Paolo Videones nila ako na hindi ko alam.

Kaya ganun na lang minsan napapatingin ako sa mga gwapo. Thinking that what if, I was that person. To make things clear though, I don’t envy. I am happy with how God created me. Simply just a what-if.

Mga Maskulado. Ito pa ang hindi ko ma-resist. Kung pwede lang isang excercise lang e, ganun na agad ang katawan ko e ok na sana. Minsan Madalas kasi, ang hirap labanan ng mga excuses para hindi makapag-workout. Kaya kapag nakakakita ako ng mga maskulado e ang una kong ginagawa e yung magbuhat ng weights pag-uwi ng bahay. Sa pagkakataong ito pumapasok na yung envy.

Maskulado pero hindi yung ganito. Hahaha.

Maskulado pero hindi yung ganito. Hahaha.
Image was also posted here.

Alam ko namang dahil kaya nila, e kaya ko rin. I just need to find a way to trample my excuses. Hmm, bukas na lang kaya. LOL.

Mga may tattoo. Ilan taon ko na siyang wishlist. Hindi pa rin siya natutupad. Wala pa rin akong pera. Haha.

Kapag nakakakita ako ng may tattoo, hindi lang paghanga ang meron ako sa kanila, minsan gusto ko silang lapitan at sabihin ang isa sa dalawang bagay na ito sa baba:

“Ser, saan kayo nagpa-tattoo? Maganda kasi. Magkano inabot?”

o kaya:

“Ser, may dumi kayo sa katawan.”

Conclusion, Summary and Reaction Paper

Hindi ko alam kung kelan pero sana dumating na yung oras. Oras na hindi na ako titingin sa iba. Sa salamin na lang.

Boahwoahwoahwoahwoah

Advertisements

13 thoughts on “May Pagtingin Ako sa mga Lalake

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s