Personal Musings

Bakit Gusto Kong Matalo Si Pacman

It doesn't matter how many times you fell. What matters is how many times you get up after them. (Googled Image)

It doesn’t matter how many times you fell. What matters is how many times you get up after them. (Googled Image)

Let me get this straight: “Idol ko si Pacquiao. Nagbigay kasi siya ng kakaibang pag-asa para sa sambayanang Pilipino. Oo, idol. Dati.

Malayo na ang narating ng ating pambansang kamao. Dati, isa lang siyang batang pumasok sa larangan ng boksing bilang daan upang maiahon sa hirap ang kanyang pamilya. Ngayon, punung-puno na siya ng pera, kapangyarihan at kasikatan.

Bukas may laban na naman ang ating Pambasang Kamao. Pero, sabi nga ng titulo ng post na ito, ayaw ko siyang manalo. Gusto ko kasing mapagtanto niya ang mga masamang hangin na naidudulot niya sa Pilipino dahil sa mga naging desisyon niya sa kanyang buhay. Bilang isa kasing ehemplo ng mga kabataang Pilipino at isang ‘Public Figure’, narararapat lang na umayon siya sa tamang daan.

Multi-tasking

Isang beses ay nakapanood ako ng Mythbusters sa Discovery Channel. Ang tema ng episode na iyon ay kung may katotohanan ba na tayong mga tayo ay kayang mag-“Multi-task”. Simple lang naman ang ipinagawa nila sa mga tao sa programa: ang magmaneho ng isang sasakyan habang gumagamit ng telepono. Sa una ay medyo madali, dahil nagmamaneho yung tao habang may kausap sa telepono. Sumunod naman ay nagmamaneho habang nagte-text. At ang mga sumunod pa ay lahat ng ito habang may mga obstacles sa daan. Marahil alam niyo na ang naging kinahihinatnan o yung sagot sa tanong ng episode na iyon.

Ang dami ko ng sinabi pero ito lang yun, hindi natin kaya gawin ang lahat. Ako nga na simpleng tao lang e feeling ko kulang ang bente-kwatro oras ko sa isang araw. Ikaw pa kaya na isang boskingero, congressman, entrepreneur, basketball player, basketball coach, celebrity endorser, asawa, ama, at marami pang iba?

Pinoy Pride

Kapag namamasyal ka sa malawak na mundo ng Internet at napapadaan ka sa mga balitang sports katulad na nga lang nitong boxing (at halos pati na rin sa mga singing contest na kung saan kalahok ang mga kababayan natin), madalas mae-encounter mo ang katagang ‘Pinoy Pride’. Hindi ko alam ang eksaktong ibig sabihin nito at hindi ko na rin inaalam. Wala rin naman si siguro akong balak na gamitin ito kung saan man.

Walang masama sa pagiging proud natin sa mga kababayan natin. Pero kung gagamitin natin ang tagumpay ng mga kababayan natin upang respetuhin tayo ng ibang lahi (o gamitin ito upang hamakin sila) e mali na yun. Pumunta ka lang sa Youtube at basahin ang mga kumento sa mga videos ni Pacman e maiintindihan mo na kung ano ang ibig kong sabihin.

Sana lang itong ‘Pride’ na ipinagmamalaki natin ay isapuso natin sa araw araw. Hindi lang sa tuwing may mananalo sa sports o kaya mga contest natin ito naaalala. Maraming problema ang bansa na hindi natin maipagmamalaki. Ayun ang kailangan ng ‘Pinoy Pride’ na yan.

Public Presence Absence

So people elected you to be a public official. Tapos nagkataon na may paparating kang laban at kailangan mo siyempre na magpraktis para dito. At dahil dun, kailangan mo muna iwanan ang mga public duties mo. Excused ka sa pagiging absent mo sa mga usapan sa kongreso at kung anuman yung meron dun. Wala naman nagrereklamo, kaya marahil ok lang yung ginagawa niya. Ok nga lang siguro ang ginagawa niya.

Oldest PBA Rookie

Dati basta matangkad ka, malaki na ang tyansa mo sa PBA. Pero habang tumatagal, nagiging mas competitive na rin ang larong pinoy pagdating sa basketball. Kaya para makapasok ka sa PBA, hindi lang dapat may height ka, dapat may talent ka. Kung kulang naman sa una, e dapat makitaan ka ng super potential para makonsidera.

Kadalasan, varsity ka muna ng iyong paaralan nung high school na kaalyado ng UAAP o kaya naman ng NCAA. Susunod nyan, tryout naman para makapasok sa College basketball. Tapos, iilan lang sa mga magagaling sa college ang makakalusot sa PBA D-League. Sa huli, kung talagang may galing ka at kaunting suwerte, ay saka lang magisismula ang karera mo sa PBA. Simple ko lang siguro na-explain pero alam ko na hindi ganun kadali sa totoong buhay.

Then comes Manny Pacquiao. He just made it ok to and play in PBA, with absurd or no qualifications at all, just because you have the money and that you are Manny Pacquiao.

Last Notes

Magpatuloy na lang sana ang pagiging simbolo ng pag-asa sa mga Pilipino ang pangalang Manny Pacquiao. Hindi ang Manny Pacquiao na porket may pangalan ay kaya ng gawin ang lahat ng naisin kahit pa minsan ay hindi ito nararapat.
Feeling ko naman mabuti siyang tao. Kaya mga mahal na mahal siya ng mga kababayan natin. Baka mayroon lang mga masasamang bulong na umiihip sa mga tenga niya.

pacman staff

PS: Contrary to the attached image, I don’t want Pacman to suffer the same fate again. It is just that the image best represent a ‘Pacman Defeat’.

Advertisements

8 thoughts on “Bakit Gusto Kong Matalo Si Pacman

  1. unfortunately, ganyan na rin ang pakiramdam ko kay pacquiao ngayon “hindi mabuting halimbawa sa mga kabataan”. lalo na sa larangan ng pulitika. for heaven’s sake, dala-dala n’ya ang pananampalataya ng sangka-Kristyanuhan tapos ganyan ang ginagawa nya sa kongreso tapos sino yung kaalyado n’yang pulitiko ngayon?

    • syempre sasakay yung mga yun sa kasikatan ni pacman para sa mga susunod na eleksyon.

      congrats pa rin kay manny. talagang gusto nyang ipanalo ang laban. respect din for manny na umaakyat sa ring para manalo hindi para manggulpi ng kalaban (na hindi makalaban).

  2. Pingback: GGWP | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s