Humor / Life and Family / News and Information / Pictures

Wala Lang

o o o o o

A dose trese kinse disi-siete na ng Enero ngayon at ito pa lang ang first post ko ngayong taon. Wala lang.

o o o o o

Marami akong gustong i-post kaso nga lang marami na naman akong dahilan kung bakit hindi ko ito mai-post. Una, busy ako sa mga responsibilidad ko sa buhay. Pangalawa, sa sobrang tagal ko na hindi ito nai-post, hindi na ito napapanahon at lumipas na ang pagkakataon na i-post ito. Pangatlo, tinatamad ako. Wala lang.

o o o o o

Kumpara noong isang taon, mas marami ang paputok nitong bagong taon. Partida, umaambon pa nyan. Ibig sabihin ba nito mas magiging marami ang pera ng mga tao ngayon? Hmmm. Wala lang.

o o o o o

Yung mga taong mga walang magawa sa buhay at nagpapaputok ng mga baril nila nung bagong taon, sa sentido nyo na lang itutok yan. Mga gago. Wala lang.

o o o o o

Nung isang araw, lumabas ako at napatingin sa paligid. Nakakita ako ng Cumulus, Stratus, Cirrus at Nimbus. Wala lang. Cumulo-nimbus. Stop it. Cirro-stratus. Stop. Cumulo-stratus.

via Google

via Google

o o o o o

Tumaas na yung pamasahe sa MRT. Syempre wala na namang magagawa ang mga Pilipino. Lilipas lang ng konti ang panahon, katulad na rin ng iba pang issue, makakalimutan na naman yan. Tanong ko lang, pinag-uusapan pa ba si Napoles ngayon? Wala lang.

#MRTprotest

#MRTprotest

o o o o o

Sa mga hindi nakakaalam katulad ko dati, hindi naman fully owned ng gobyerno ang MRT. Pucha bakit ba kasi binenta in the first place? Syempre money and greed anu pa ba? Saka kung isa naman pala itong ‘private business’, bakit nauuna pa yung kita bago ang kapital. Isa pa, ang pagtataas daw ng MRT, pambayad daw ito ng utang nito at mga maintenance na hindi magawa dahil sa kakulangan ng pondo. Taena MRT nalulugi? Kulang na nga lang na makipag-UFC ka para makapasok ng tren tapos nalulugi ang MRT? Saan nyo ba dinadala ang kita nyan? Sa bulsa niyo ba? Pakyu. Wala lang.

o o o o o

Tuwing kakain ako dun sa may Mang Inasal sa may malapit sa office, palagi akong may nakakasabay na mga Asian foreigners. Iba naman din kasi ang appeal ng inasal sa taste buds. Other than adobo siguro meron na tayong pambato pagdating sa ibang lahi.

o o o o o

Meron na palang Candy Crush din sa Windows Phone. Ayun, kaya yan ang nilalaro ko ngayon. Level 170 ata ako dati sa iPad gamit ang account ni Jonalyn. Ngayon nasa 80 na ako. Yun nga lang din, may soda Crush na sa Android at iOS. Wala lang.

o o o o o

Aminado naman kahit si Vice Ganda na hindi naman pang Oscar yung ginawa niyang pelikula. Kahit ano pang reklamo ang gawin ng mga kritiko e pinapanood kasi ng mga tao. Ganun lang naman yun e. Hangga’t may tumatangkilik, dere-derecho pa din yan mga ganyang klase ng pelikula. Wala lang.

via Jun Sabayton

via Jun Sabayton

o o o o o

Tuwing nakakanood ako (dahil pinapanood ni Jonalyn) ng Kris TV (bago pumasok sa trabaho), lagi kong naaalala yung interview ni Kris sa mga cast ng Spiderman. Wala lang. Bimby on screen is sometimes unbearable too. Wala lang ulit.

o o o o o

Isang beses papasok ako ng trabaho at dumaan sa loob ng Trinoma, may mga grupo ng mga Koreans ang nagto-tour dito. Mga 7 to 10 groups of 10 to 15 people each. Wow tourist spot. Wala lang.

o o o o o

Bakit ba ang alat ng sopas sa Jollibee? Para um-extra rice ka? Wala lang.

o o o o o

Ito isa pang gago. Honestly ayoko siyang makulong o kahit alisan ng lisensya. Ang gusto ko, makagitgitan niya ang isang motorista na kasing gago niya rin pero may baril. Wala lang.

o o o o o

Panoorin niyo muna yung video sa taas tapos panoorin niyo ito. I’m gonna make sure matatawa kayo dito. Sumablay lang yung orientation ng video. Wala lang.

o o o o o

May hangover pa ako mula sa inuman kagabi kaya tama na ito. Wala lang.

o o o o o

Advertisements

20 thoughts on “Wala Lang

    • ‘Wala lang’ literally means ‘Just Nothing’. Now I wonder what could be the best translation on the English language. Maybe, ‘Oh well’? It’s like ranting something and end with, ‘oh well’.

      ๐Ÿ˜€

  1. Long time, no hear! (…or read) Okay din naman ang writing style na ganito. I remember reading something like this kung bata pa kA sa mag broadsheet, parang bulletin ata…bits and pieces lang pero mapapaisip ka pa din. Maybe you should make a regular post like this…=> Happy New Year, Cheese!

  2. Pingback: Ang Tanong | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s