Personal Musings / Quotes

Doble Kara

“If you cannot handle a hundred pesos well, you can never handle a million.” Madalas nating marinig, “Yumaman lng ako magdo-donate ako, tutulong ako.” Itaga nyo sa bato, hndi tutulong yang mga yan kahit yumaman! Kaunti nga lang ang pera nya, hindi siya nagbibigay pag dumami pa kaya? “If you are not faithful with little, you will never be faithful with much. If you cannot handle money, you cannot handle that which is truly valuable.” At anu ang tunay na valuable? The ministry for the Lord. Sabihin na natin anu ang kinalaman ng pera sa ministry? Malaki! Kasi ang attitude ang lumalabas dyan. Yan ang nabibisto.” ~Tonet Elorde via Facebook Messenger.

Sa panahon ngayon kung sino pa ang tumulong yun pa ang lalabas na masama at kung sino pa ang tinulungan sya pa ang kawawa. Infairness pang-FAMAS award ang drama mo bagay sayo mag-artista. Di naman sana aabot sa ganito kung sa simula pa lang naging totoo ka na sa akin. Madali naman ako kausap, sabi naman ng iba mabait naman ako at madaling lapitan. Ako kasi ang tipong taong madaling magtiwala basta ok tayo di na ko nagba-background check, kaya madalas eto inaabot ko naloloko. Di naman pera ang habol ko kung di ang masabi ang side ko mahirap ng mapagbintangan ulit maganda malaman din nila ang bawat side ng istorya. Nagsimula iyon na nakiusap ka na ikaw muna mamahala ng bahay ko ikaw bahala sa uupa, mag-aasikaso ng mga sira ng bahay. Pinag-usapan muna namin ni JC yan at nagpagkasunduan na pumayag dahil kilala ka naman namin. Every month may parte ka sa upa na P500.00 the rest sa amin mo ihuhulog sa atm. Pagkakatanda ko yun nagbigay ng 2 months advance yun uupa ang sabi mo may mga pinagawa ka at nagbayad ng labor at wag ako mag-alala dahil may resibo naman. Humingi ka pa nga ng pabor na hiningi mo yun sukli sa binayad nun tenant at ipambibili mo ng cellphone kasi sabi mo nasira. Pumayag din kami kasi di naman issue yun  pera sa amin. In good terms tayo ikaw pa nagsabi na ayaw mo ng may mga baranggay-baranggay sabi ko naman walang problema basta maayos ang usapan natin.

Sa isang taon na pamamahala mo ng bahay at upa wala naman ako naging reklamo maliban sa madalas delayed yun paghulog ng upa, naiintindihan ko naman yun rason mo na mahaba ang pila, offline, busy ka, nasa SSS ka, baka late ka ng maka-uwi, mainit etc, etc. Nitong 2015, nagdecide na kami na kunin yun number nun tenant para maka-usap at makamusta na din. Nun January 15 di ako naningil dahil alam ko na holiday at dadalaw ang Santo Papa dito sa ‘Pinas. Kaya sa January 17 na lang kita ime-message sa Facebook. Nagulat ako sa sinagot mo yun lang naman ang tinanong ko ang dami mo na sinabi agad. Una wala kaming gustong palabasin na kung ano pa man, pangalawa ano bang masama kung kausapin ko yun tenant? May dapat ba kaming di malaman? Nagtataka lang naman ako bakit ganon at the same time nakakadismaya nakakalungkot. Sabi ko nga eto na naman ayoko na ng problema o kaaway o kagalit. Pero di talaga maiiwasan at lalabas ang katotohan kahit anong pilit natin itago mangagamoy ang baho. Utot nga pag pinigilan mo lalabas pa rin at mangangamoy.

21

Nagdecide na ako na pumunta at makilala na din si tenant dun ko nakita na maayos naman kausap yun tenant isa lang ang reklamo nya yun kisame ng bahay tagpi tagpi lang. Ako naman nagtanong sa tenant sabi ko pinaayos nya yun bubong bumili nga daw ng mga 2nd hand yero pantapal sa luma kaya naubos yun dinown nyo dito. Yun daw nirereklamo nya sa kanya kung kelan aayusin yun kisame minsan nagugulat na lang daw sila may nahuhulog na daga. Dun ko din nalaman na puro gripo lang pina-ayos nya eh di wow na wow ha. 5k na pala presyo ng mga gripo. Sabi pa ni tenant pinadala mo na raw sa akin yun pinangdown nila kaya hindi na mapapagawa pa yung iba pang sira isa pang wow na wow. Tulad ng sabi ko di issue yun pera kung di yun tiwala na binigay namin sa iyo ang malupet ikaw pa panay parinig. Kung tutuusin pwede daw kitang ipabaranggay dahil may mga ebidensya ako na magpapatunay pero waste of time pera lang yan kaya kong kitain yan. Di ako takot banggitin ang Diyos sa post ko dahil malinis ang kunsensya ko kung pagiging perfect lang walang taong perfect pero garapal marami. Aminado ako sa sarili ko makasalanan ako ikaw kelan mo inamin may nagawa kang mali? Ikaw dapat kutusan ni Lord ng matauhan ka.

Siya nga pala may nangalabit sa akin eto ang sabi “Anak patawarin mo na sya di naman siguro nya sinasadyang gawin yun sayo” Ako: “Sino ba naman ako para di magpatawad ang Diyos nga ilang beses at di nagsasawang magpatawad, sana lang po pagsabihan nyo rin sya at salamat po pangangalabit nyo pasensya na po kailangan umabot sa ganito wala naman po ako balak manira manghusga pawang katotohan lang naman gusto ko sabihin. i-hi nyo po ako sa papa, tatay, lolo ko pakisabi namimiss ko na po sila.”

statusFB

cheesecake: Wala nga’ng taong perpekto. Lahat tayo nagkakamali. Pero magkaiba naman yung nagkamali ka na hindi mo sinasadya, sa nagkamali ka pero kasama na yung intensiyon mo na makasama sa ibang tao. Huwag ka mag-alala. Hindi kami marunong magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Sabi nga nila, “If you hold grudge against people, it is not them who is hurting but yourself”. Good vibes mode lang. Isa pa kahit yata para sa piso hindi ko kayang magnakaw o kaya manloko ng ibang tao. Pagdadasal ka na lang namin. May karma naman e. Kahit naman ano pa ang sabihin mo na kasinungalingan sa ibang tao (para gumanda ang tingin nila sa iyo), alam naman natin na hindi naman sila yung naloloko mo kundi yung sarili mo mismo.

Cheers!

"You either die a hero or you live long enough to see yourself become the villain. " ~Harvey Dent (Two-Face)

“You either die a hero or you live long enough to see yourself become the villain. ” ~Harvey Dent (Two-Face)

Advertisements

6 thoughts on “Doble Kara

  1. I think I understood what you wrote here. Sadly, there really are people whom cannot be trusted with money. My mother’s friend scammed her,… it was a huge, huge amount ( she was able to build an extension in her house with that money. ) All we can hope for is karma.

    • Its the 3rd time for me(walang kadala-dala 😊), That’s life we meet someone that could be lesson to us. Let just the karma do the job for them. And pray for them that they will change fo the better😇

  2. Karma, karma, karma, karma, karma, chameleon,
    You come and go, you come and go.

    Pinaka legit na reason ng delay ng bayad yung MAINIT ha ibang klase

    “walang taong perfect pero garapal marami”

    • Yun talaga ang reason nilalawakan ko pa ang pagiintindi sa kanya. I hope na mag-bago na sya sabi ko naman sa kanya “mabait akong kaibigan, pero masama din akong kaaway” chos! Ipagpray ko na lang sya😊

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s