Travel and Events

The Tour At Your Own Risk Post

Easter Sunday dito sa Australia. Inimbitahan kami ng aming CEO na si Sir Eric ‘to go somewhere’ at yung somewhere na yun e sa Blue Mountains.

Mahigit isang oras yata halos yung biniyahe namin mula sa Balmain patungo sa Katoomba, NSW kung nasaan yung bulubundukin na patutunguhan namin. Yun nga lang, you’ll definitely realize it’s worth it kapag nakarating ka na dun sa taas. Ibininaba kami ni Sir Eric sa Echo Point (starting line ng lakarang ito) para humanap muna ng parking dahil nga may kahirapan dito given na holiday ngayong araw na ito. Ilang beses na rin nakapunta dito si Sir Eric kaya hinayaan na lang niya kaming maglakad ni Ron bukod sa hindi na niya makita kung saan na kami napunta (buti na lang hindi sa bangin ng bundok).

echo point

Echo Point (click to view larger)

Ang una mong makikitang scenic spot sa lugar na ito ay yung tinatawag nilang three sisters. Well, tignan mo na lang sa baba.

The Three Sisters (click to view larger)

The Three Sisters (click to view larger)

Kaya daw may “blue haze” ang mountains dito ay dahil sa oil na mayroon ang mga dahon ng mga puno dito. Ang akala ni Ron daw nung una ay dahil literally blue ang bundok o kaya naman nababalutan ng snow. Though excited pa rin siya makarating dito ulit kasi nung unang punta niya dito e, nababalutan lang ng fog ang view dito. As in hindi daw makita kahit yung mga puno dyan sa baba.

Blue Mountains (Panoramic View, click to see larger image)

Blue Mountains (Panoramic View, click to see larger image)

Sa totoo lang, akala ko it is all there is sa tourist spot na ito until ayain ako ni Ron bumaba sa hagdan at sinimulan naming lakarin yung “trail”.

Ito yung simula ng trail. Sementado at may railings.

Ito yung simula ng trail. Sementado at may railings.

Ito naman yung karamihang parte nung trail. Basa (dahil umulan ng buong araw kahapon). Maputik. Walang railings at may katabing bangin sa kaliwa na ang taas ay kung gaano din kataas yung scenery).

Ito naman yung karamihang parte nung trail. Basa (dahil umulan ng buong araw kahapon). Maputik. Walang railings at may katabing bangin sa kaliwa na ang taas ay kung gaano din kataas yung scenery).

Aminado naman ako na may fear of heights ako pero kahit papaano nao-overcome ko naman. Though syempre hindi nawawala yung ‘chills to the bones’. Pero mas malakas pa rin ang damdamin ko na ‘Uuwi pa ako ng Pilipinas’ kaya maingat pa rin kami sa pagte-trek ng trail na ito. One slip could simply mean goodbye world. Goodluck kung kasama ko si Jonalyn dito.

Buti na nga lang din at mahaba ang pila dun sa Scenic World (two hours to get on) kaya hindi na kami tumuloy dun. Ano yung Scenic World? Uhmm yung may cable car na nagta-traverse between the mountains. Hahaha.

Tinatamad na akong mag-type kaya enjoy the gallery na lang sa baba (click image to open gallery carousel).

PS: May isa pa kaming pinuntahan kasunod nito. Bukas ko na lang po-post.

Advertisements

2 thoughts on “The Tour At Your Own Risk Post

  1. Pingback: Up Close and Personal | Say Cheese!

  2. Pingback: Walang Magawa (ver. Australia) | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s