Travel and Events

Up Close and Personal

Sabi ko bukas ko na lang ito ipo-post. Pero dahil sinipag ako bigla at dahil baka tamarin na ako bukas kaya ngayon na lang (pero tinatamad pa rin akong mag-type). Saka rin kasi siguradong mai-inggit ang mga anak ko kapag nakita nila ito.

Ticket. 29.50 AUD

Ticket. 29.50 AUD

Nung isang araw tinanong ako ni Asher kung nakakita na daw ba ako ng kangaroo. Sabi ko, “Oo sa may grocery. Kangaroo meat”. Ngayon, kung tatanungin nya ulit ako, hindi ko lang ito nakita, nahawakan ko pa. At hindi lang kangaroo (wallaby lang actually, baka sipain kami ng kangaroo). Pati pa Koala. Boom.

Ito yung pinuntahan namin kasunod ng Blue Mountains, hindi sa beerhouse katulad ng iniisip ni Jonalyn.

Wallaby. Naglalakad lakad lang sila sa park na ito. Pwede ka bumili ng pagkain worth 1 AUD. E kuripot kami at marami nang nagpapakain. Lol.

Wallaby. Naglalakad lakad lang sila sa park na ito. Pwede ka bumili ng pagkain worth 1 AUD.
E kuripot kami at marami nang nagpapakain. Lol.

Koala. Bawal daw hawakan yung dahon kasi inaamoy nila ang pagkain nila bago kainin. Bawal din sila i-pat sa ulo. Isipin mo na lang hinahawakan ng iba yung pagkain mo habang binabatukan ka sa ulo, matutuwa ka kaya?

Koala. Bawal daw hawakan yung dahon kasi inaamoy nila ang pagkain nila bago kainin. Bawal din sila i-pat sa ulo.
Isipin mo na lang hinahawakan ng iba yung pagkain mo habang binabatukan ka sa ulo, matutuwa ka kaya?

Other pics (click to view a little larger):

Marami pang animals dito na mostly indigenous sa Australia. Ang sulit dito e up close talaga yung mga animals. Mostly birds of different regions, marsupials at reptiles ang andito. Well, plus the farm animals. Hindi ko na lang nilagay dito sa post yung mga baboy, kambing, ducks at rabbits lol.

Kaya super thanks kay Sir Eric. Nakakahiya talaga na parang naging driver lang namin yung CEO namin. You’re the best Sir.

Tulugan na. May pasok pa bukas.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s