Activities and Hobbies / Personal Musings / Travel and Events

Walang Magawa (ver. Australia)

Pasensya na kung napa-flood ko ang inyong Facebook wall ng kung anu-anong mga bagay na nakikita ko sa internet. Nailipat kasi sa akin ni Ron ang sumpa ng pag-iisa dito sa Australia. Yun nga lang mga gabi pagkatapos ng trabaho e hindi mo na alam ang gagawin mo. Ano pa ngayong weekend.

Sinusulat ko nga pala ang post na ito habang kumakain ng mainit na sabaw ng Maggi Chicken Noodles. Na nasobrahan sa tubig kaya super tabang.

Sinusulat ko nga pala ang post na ito habang kumakain ng mainit na sabaw ng Maggi Chicken Noodles, na ipinamana na sa akin ni Ron bago umuwi ng Pilipinas. Na nasobrahan sa tubig kaya super tabang.

Actually nyan, marami naman din ako pwedeng gawin. Bukod sa Season 1-4 ng Game of Thrones na hindi ko pa nasisimulan, e nakapagdownload pa ako ng marami pang anime series dahil sa bilis ng internet dito. Natapos ko na rin yung Maken-Ki! Season 2 kaso hindi ko nagustuhan yung ending. Biruin mo, AUD 49 (Php 1687.94, sabi ni Google at the moment) lang ang binabayad ng boss ko dito, e 15 MB unlimited internet na. Kamusta naman ang Pilipinas.

Nakita ko lang na signature ng isang user sa isang gaming forum site.

Nakita ko lang na signature ng isang user sa isang gaming forum site.

Kung hindi naman ako nanonood ng series o nagpe-Facebook o nagba-blog sa laptop, may dala rin akong PS Vita na binili inutang ko sa credit card para may magawa dito. Buti na nga lang at dyan ako sa Pinas bumili kasi nga walang mabilhan dito ng ganyan. Meron mga games na makikita sa mga online shops pero limited at yung mga pangit pang titles. Hindi ko alam kung walang hilig ang mga Aussies sa ganyan o talagang nalipasan na lang ng panahon dito. Kasama na binili ko yung pang foever-an na game na Disgaea 4 (wala kasing katapusan ang game na ito) at ang number 1 na game sa Vita na Persona 4 Golden.

Well kung games lang din, kasama pa ang mga ito.

Ito talaga ang dahilan kung bakit ko dinala ang iPad sa bahay.

Clash of Clans. Ito talaga ang dahilan kung bakit ko dinala ang iPad sa bahay.

Tap Titans. Prestige 13.

Tap Titans. Prestige 13. Kailangan ko na talaga bumili ng vibrator. Lol.

Heroes Charge. Level 56.

Heroes Charge. Level 56.

Katatapos ko lang din maglaba kanina. Actually katatapos lang maglaba nung washing machine. Actually, parehas lang din siya nung washing machine namin sa bahay. Ang kaibahan lang, ito may kasama ng dryer. Kaya yun, aantayin mo na lang matapos para ihanger yung mga damit mo. Kaso, tinatamad pa akong kunin.

Kaya sana bukas, sipagin ako mag-workout. Nagdownload pa naman ako ng Insanity ni Shaun T. Pinilit ko rin kanina maglinis kaso mahirap maglinis ng walang walis tambo at ‘daspan’. Wala namang vacuum dito. Kaya nauwi sa punas punas lang at nilinis ko yung inaalikabok na electric fan dito.

Bago ko tapusin ng post na ito. Natuwa lang ako dito sa video na ito na nakita ko sa Youtube. Siya si Roger na Tour Guide sa Negros Occidental Ruins. Your 20 minutes watching the video is worth it. Lalo na kung wala ka ring magawa. Na-feature na din si Kuya sa Vice Ganda at Jessica Soho.

Advertisements

5 thoughts on “Walang Magawa (ver. Australia)

  1. Nice naman experience mo dyan, though feeling ko napakahirap talaga dyan sa Australia… I feel like I’m there.. hahaha chos πŸ˜€

  2. Pingback: The Check-Up | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s