News and Information / Personal Musings / Travel and Events

Lucky Me Pancit Canton

Nung una akong napadpad sa America noong year 2011. Perstaym ko talaga ever makasakay ng eroplano. Syempre inosente mode nung panahon na iyo kaya sabay-sabay lang sa agos kasama si Ma’am Che. Pang-ilang beses na niya kasi nun at ako una pa lang. Kung kaba at awe pero ayos lang din naman.

Googled Image. Tinatamad akong picturan yung dala kong Pancit Canton dito sa Australia. Nasa maleta pa e. Lol.

Googled Image.
Tinatamad akong picturan yung dala kong Pancit Canton dito sa Australia. Nasa maleta pa e. Lol.

Isa sa mga paulit ulit na tinatanong sa airport bago ka pumasok at sumakay ng eroplano ay kung sa iyo at kung ikaw ba ang nag-impake ng mga bagahe mo. Sa pagsang-ayon kasi dito malalaman na may kaalaman ka at may responsibilidad ka kung ano man ang laman nito lalo na kung ito ay mga pinagbabawal sa papasukan mong teritoryo. Ayun nga nakarating kami sa MSP (Minnesota-St. Paul) Airport. Kapag international flights talaga, either MSP or yung isa pang malaking airport na nakalimutan ko na ang papasukan mo. Dyan kasi sa dalawang airport na yan yata naka-base yung tinatawag nilang Homeland Security. Sila yung humaharang ng mga tao at mga bagay na hindi pwedeng papasukin sa lupain nila.

Minsan hindi naman natin talaga alam kung ano yung mga bawal. Pinabuksan sa akin ng isang airport security yung maleta ko para buksan at makita ang ilan kong Lucky Me Pancit Canton. Binasa niya kung anu-ano ang mga ingredients nito at nakita ang ‘Chicken Flavoring’. Pinabasa niya ulit sa akin yung pinasagutan sa aming ‘declaration’ (ito yung papel na pinasasagutan sa isang pasahero kung saan ilalagay mo lamang kung oo o hindi sa mga nakalagay na mga tanong). Nakalimutan ko na ang eksaktong tanong doon pero parang ito ay tungkol sa kung mayroon ba akong dalang pagkain na may halong meat or poulty or something na kung saan sinagutan ko naman ng hindi. Masyado kasing general yung tanong. Pero may point siya kaya hinayaan ko na lang at itinapon naman niya ang mga Pancit Canton ko sa basurahan. Natira yung mga Nissin Cup Noodles ko. Yun nga lang, parang trip trip lang din naman ng mga security yan. Kay Ma’am Che tinapon yung Cup Noodles nya at naiwan yung Lucky Me. Yung kasunod kong babaeng Indian, isang bag ng spices parang limang kilo.

Pero minsan din naman talaga, alam naman talaga nating bawal at mali pero pinagpipilitan pa natin. Minsan kahit kapalit pa ng sarili nating buhay. Tandaan natin na mas mahal pa ang mga buhay natin sa kahit anu pa mang salapi. Hindi nga lang tayo minsan nagtatanda hanggang sa huli na ang lahat. Hindi natin maiisip yung mga pinaggagagawa natin hanggang maibunyag na ito sa dulo at hindi na maibabalik pa. Wala sanang pagsisisihan. Wala sanang magmamakaawa na parang walang nangyari. Na parang walang nilabag at walang pagkakasala.

Advertisements

8 thoughts on “Lucky Me Pancit Canton

  1. Our relatives who came here from the Philippines brought tons of Magic Sabaw. They are considered “chicken additives” that are banned here. Threw the whole bunch out. Also, when we were coming home from the Philippines, there was an old grandma who were caught with fresh avocado in her luggage. She was fined $ 1,000 . Luggages are randomly inspected.

    Next time you come here, don’t bring the Luckey Me brands anymore. If you can find any Filipino and Asian store anywhere where you are, there are tons of Lucky me of so many kind sold here in the US. ( Except, believe you me, Korean, Japanese and American noodles are more delicious, I think. )

    • Well yeah they are somehow better than the Pinoy brands but when you are in the US they also cost more. And unlucky for us that time, there are no near asian stores around the place.

      Actually the noodles story is just a side story. Heard about the Pinay who will be executed in Indonesia for bringing in drugs? Even though all of us know it is very illegal, some of us still do it. And for what cost? Another sad thing is that we even beg for mercy (even Pacman did) even though she is caught red handed?

    • Lucky Me is like, 3 a buck, sometimes 4 for a dollar when on sale ( 25C each )

      Yes, I heard about that. That’s very tragic. Is it true she didn’t know what was in the luggage ?

  2. Pingback: Dahil Kay Maria Ozawa | Say Cheese!

  3. Truli! Hindi ko ‘to alam

    Naalala ko, sa SG lang naman ako pumunta… Nakiusap yung kaibigan ko, “red hotdog” or yung Purefoods TJ Hotdog ang pasalubong ko.. Bawal daw kasi sa kanila ang red or may kulay na hotdog. Ako naman, gorabells. bili at pinkatago tago ko sa luggage. Yung kasama ko, nakuha yung vienna sausage niya.. yung liby’s na nasa lata… inexpect ko, ganun din gagawin sa akin… eh gulat ko.. lumusot hahaha

    pero minsan alam mo, feeling ko trip trip lang ng mga customs officer yan eh.. kapag natyempuhan ka sori 😦 kapag hindi naman alleluia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s