Food / Travel and Events

Alone Problems No. 2

Siyempre, hindi lang iisa ang problema dito. Meron pa ding iba. Katulad nito.

14for2

Siyempre dahil Pinoy ako, hindi ko pinapalampas yang mga promo-promo na yan. Biruin mo, bibilhin mo ng $7.99 ang isa pero kapag dalawa, $14 na lang. Oha. Pero ito nga lang yung problema. Siyempre mag-isa ako. Kapag bumili ako nyan, ang ibig sabihin nyan, dalawang araw akong puro sausage ang ulam. Haha. Yung meatballs nilagay ko sa spaghetti ayun tatlong meals tuloy ng pasta ako. Hindi ko na nga sinaid dahil ayaw ko na. Ikaw ba naman kumain ng parehas na pagkain ng tatlong beses na sunod sunod. Haha.

Kahit yung chicken dito, hindi ka naman makakabili ng per piraso. Pinaka-konti 6 na legs per pack. Yung baboy, 3 porkchop per pack. Si Jonalyn pala matutuwa kapag sinabi ko sa kanyang kumakain na ako ng sibuyas. Pucha 50 cents halos ang isang piraso hindi mo ba kakainin. Hahaha. Buti na nga lang yung gulay at prutas may tingi. Pero bukod yan sa apples, tomato (pronounced here as ‘tumato’, not ‘tomeyto’) at mangilan-ngilan pang iba. Yung limang piraso kong saging almost $4.

UPDATE: Buti na lang pala at ni-point out ni Julie Bells na hindi ko naman talaga na present yung problema sa post na ito. Well, yung bibilhin mo kasing pagkain dito, ang best before date e usually 3-4 days lang. Matagal na yung 5 days para sa mga karne. So anung option ko? Siyempre, ubusin lahat ng mag-isa. Ayun.

Puro problema yata napo-post ko. Sige next time something positive naman. Achuchu.

Advertisements

4 thoughts on “Alone Problems No. 2

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s