Food / Pictures / Status Updates / Travel and Events

ocGAGOn

Dapat nung isang Linggo pa dapat ako pupunta ng Sydney. Nabulilyaso lang kasi yung pagkuha ko ng allowance nung nakararaan kaya yun. Mahirap naman maglakwatsa ng walang pera. Kaninang hapon lang tuloy ako nakagala paparoon. Mayaman daw e. Pagdating ng nalalapit na uwian, mahirap na naman. Lol.

Isa lang naman talaga ang pinaka-pakay ko dun sa Sydney. Yun ay yung bumili ng Portable Hard Disk. Kailangan mo lang sumakay ng isang bus ng 30 mins, andun kana. Bago pa man pumunta dun, syempre nag-scout na ako sa mga websites ng mga electronics/computer stores dito. Price, brands at availability ang tinitignan ko. Nung andito pa si Ron, sabi niya dun daw ako tumingin sa Octagon kasi mura dun. Mura nga yung Seagate na 2TB portable dun nung makita ko sa website nila. Mas mura ng 20 AUD kumpara dun sa sikat ng electronics store dito na JB Hi-fi.

Octagon Megamall (sabi ni Google Search). Kung may mga susunod mang rants sa post na ito, it will pertain to the Octagon shop here in AU. Baka may magmessage na naman sa akin nyan na kakasuhan ako ng libel hahaha.

Octagon Megamall (sabi ni Google Search). Kung may mga susunod mang rants sa post na ito, it will pertain to the Octagon shop here in AU. Baka may magmessage na naman sa akin nyan na kakasuhan ako ng libel hahaha.

15 minutes ang nilakad ko mula dun sa hinihintuan ng bus sa Queen Victoria Building. Malamig pero pinagpawisan ako sa likod. Nilabahan ko kasi yung mas manipis na jacket so no choice ako. Nakakapagtaka lang dito sa Sydney e parang kakaunti ang Aussies dito. Parang kalahati ng mga taong makakasalubong mo e mga South East Asians. Mga mukhang Chinese at Japanese. Meron naman din mga mukhang kayumanggi pero kapag nagsalita e hindi ko maintindihan. Kung Cebuano, Ilonggo or Ilocano pwede mo pa rin ma-pickup pero hindi e. Parang Malaysian o ‘Thailanese’ lol. The next percentage e mga Indian. Sumunod na yung mga Australians talaga. Parang mga nasa 30 percent lang ata sila. Baka mga nasa loob ng buildings o mga sasakyan nila (hindi naglalakad sa streets lol).

Matapos ang ilang pawis na tumulo sa akin pero natuyo din agad dahil sa lamig, nakarating na din ako sa Octagon sa malayong dulo ng George street. Akala ko nasa labas lang siya ng building na pinuntahan ko pero kailangan mo pa palang pumasok. Hindi naman ako nahirapang puntahan kasi ilang hakbang lang sa entrance yung store nila. Masikip at dikit-dikit ang mga computer stores dito mala-Greenhills Shopping Center ang feeling. Akala ko pinoy ang sasalubong sa akin sa pagpasok ko sa tindahan nila. Intsik pala. Kasi sabi ni Ron nung bumili ata siya dito e pati plastic may print ng mapa ng Pilipinas.

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at itinanong na agad kung ano ang pakay ko. Sinilip niya naman sa istante kung mayroon sila ng produktong iyon. Tinanong ko siya kung anong kulay ang mapagpipilian. Marahan at pigil na tawa lang ang sinagot niya sa akin. Ilang sandali pa, pinaalam na niya kung bakit siya natawa ng ganun. Ngayon lang daw kasi siya nakasalamuha ng mamimili na ang unang pangangailangnan sa bibilhing HDD e yung kulay. Sa loob-loob ko, gago pala ito e. Maya-maya pa, wala daw silang available na 2TB. Yung 1.5TB lang daw. Sinabi ko naman na nakita ko sa kanilang website na may stock. Sabi naman niya, meron stock pero hindi ibig sabihin meron sa store mismo. Meron yan kung o-order ka online. Hindi na ako nagtagal dun. Umalis matapos magsabi ng ‘have a good day’.

Lakad ulit siyempre ako pabalik. Kaso mas mahaba ito ng kaunti dahil papunta ako ng Westfield. Ito na yung pwede mong ikumpara sa SM o Trinoma. Medyo naligaw pa nga ako kung saan banda yung tinuro ni Ron dati sa akin na landmark habang nakasabay sa pagtawid ang apat na Pinay na malakas ang tawanan habang nagkukwentuhan. Mga 10 minutes din ako naghanap dun hanggang makita ko na yung JB-Hifi. Mas mahal siya ng 20 AUD pero hindi niya ako binigo.

Seagate 2TB Portable HDD. AUD 159. Kuya Intsik ng Octagon AU, ayan kulay Red. Meron din yang Blue at Silver, bukod sa alam mong Black lang.

Seagate 2TB Portable HDD. AUD 159. Kuya Intsik ng Octagon AU, ayan kulay Red. Meron din yang Blue at Silver, bukod sa alam mong Black lang.

Kaya pag-uwi, i-kinain ko na lang. Boom tapos.

Pad Thai na pang dalawang tao ata. Pang isa lang sa gutom at malayo ang nilakad. New Star Restaurant, Balmain. AUD 10. Kapag Seafood AUD 12.

Pad Thai na pang dalawang tao ata. Pang isa lang sa gutom at malayo ang nilakad.
New Star Restaurant, Balmain. AUD 10. Kapag Seafood AUD 12.

PS: Siya nga pala, hindi ko talaga ganun ka kailangan ng HDD pero dahil nga sa 15 MB ang bilis ng internet dito, sayang naman. Kakamustahin ko lang si Maria Ozawa. 15 MB internet sa presyong Php 1600+ kapag nag-convert ka. Oha. Kamusta naman ang mga telco sa Pinas. Kasalanan na naman yan ni PNoy.

PS Ulit: Speaking of PNoy, pucha pag pinasa niya yung BBL hanggang sa impyreno hahabulin ko siya. Napaka-‘basic’ ng usapang iyan hindi ko alam kung bakit ipapasa. Malaki ba commission mga ser?

Advertisements

3 thoughts on “ocGAGOn

  1. una, kaya ka ba kumain ng pad thai ay dahil sa mga Thailanese?
    pangalawa. ha ha. isang malaking kabiguan ang internet connection sa Pilipinas ha ha

  2. Pingback: Bakit Maganda Tumira Dito Sa Australia | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s