Personal Musings / Travel and Events

Bakit Magandang Tumira Dito Sa Australia

Gusto ko sanang lagyan ng maayos na introduction ang post na ito pero itatabi ko na lang para sa sequel nito (o ha nasa notepad pa lang ako nagta-type, may sequel na agad).

All in all, maganda rin naman talaga tumira dito sa Australia. Nakaka-dalawang buwan na rin ako halos dito at kahit papaano e nakita ko na rin first hand kung ano ang maio-offer ng bansang ito bukod sa mga idi-detalye ko hango naman sa mga kwento ng mga kakilala kong nakatira dito. Mind you lang na this is of my own perspective and knowledge. Baka may alam kayo na hindi ko alam pero dahil hindi ko alam siyempre wala yun dito. Gets mo?

So without further ado, here you go.

1. Disiplina. Sige, ang totoo naman, hindi rin naman ganun ka perpekto ang pagsunod sa mga alituntunin dito pero kumpara naman sa atin diyan sa Pilipinas, naku, malayo. Sa MRT pa lang araw araw, alam na e. Strikto kasing pinapalakad ang batas dito.

Kunyari, bawal ang magmaneho ng lasing. Sabi ni Robbie (yung boss ko ditong Australian), sa pagkakatanda ko, kapag nahuli ka sa unang pagkakataon, e magbabayad ka ng multa. Sa pangalawang pagkakataon, boom panis na yung lisensya mo.

Isa pang halimbawa na kakaiba sa akin nung mga unang araw ko dito ay yung mga tawirang walang mga stoplight. Siyempre kapag may stoplight, kailangan mo huminto kapag hindi naka ilaw yung walk sign. Dun sa mga pedestrian lanes naman ng mga maliliit na streets, pwede kang tumawid na parang hari. Dyan sa Pilipinas, kailangan mong antayin maubos muna ang mga sasakyan bago ka tatawid. Dito makita pa lang ng mga sasakyan na patawid ka, hihinto na sila. Kahit minsan nakanguso na yung mga sasakyan sa humps, hihinto pa rin sila kapag tatawid ka. Kapag nabangga ka daw kasi sa ganung pagkakataon,malaki nag penalty ipapataw dun sa nakabangga sa iyo. Ron, hindi ko makita kung asan yung 1 million na bayad sa AU Law. Hahaha.

2. Pampublikong Transportasyon. Dito sa Australia, katulad sa U.S., ang gobyerno ang namamahala sa mga pampublikong sasakyan (bus, trains, light rails and ferries) sa nasasakupan nito. Malabo na itong mangyari sa atin sa Pilipinas. MRT nga lang hindi mabawi e. Isa pa, source lang yan ng bagong kukurakutin ng mga politiko. Hindi ko rin alam kung magiging parehas ang epekto pero dahil sa gobyerno ang may hawak ng transportasyon dito, maayos at mabilis ang mga ito.

New South Wales Trains. Two stories. Lol.

New South Wales Trains. Two stories. Lol.

On time palagi ang mga public transport dito. Mas likely na mas maaga pa sila kesa sa ma-late. Well, hindi pa yata nangyayari yung ma-late. Minsan, na-late lang ako ng mga ilang segundo, wala na yung bus ko. Yung susunod after 20 minutes na. Nung una, iniisip ko pano ito nangyayari. Yun pala, may mga bus lanes silang tinatawag. Bawal humarang ang ibang sasakyan dito. Kasi nga siyempre kapag na-late yung bus, late lahat ng mga nakasakay dito sa kani-kaniyang pupuntahan lalo na kung sa eskwela o trabaho. May mga designated din na mga bus stop at may information about sa timetable kung kelan dadating ang iba’t ibang bus sa stop na iyon. Kung gusto mo meron ding online.

Notice the red bus lane? Bawal humarang. Hehe.

Notice the red bus lane? Bawal humarang. Hehe.

3. Security. Tinanong ako ni Robbie, kung ganun na daw ba kadelikado sa Pilipinas. Bawat establishment daw kasi e merong security guard at may baril pa. Sinagot ko siya ng hindi naman. Sabi ko na lang din na yun na kasi ang nakagawian dyan sa atin. Dito kasi sa Australia, wala pa akong nakikitang security guard per se. Yun nagbabantay kasi ng iilang tindahan dito katulad nung sa JB Hi-fi e nakadamit katulad ng nung sales people dun at wala siya dun para tignan kung ano yung nasa bag mo. Andun lang sila para tignan kung may susubok magshoplift. Yun mismong mga mall nga walang sasalubong sa iyo at sasabihing ‘paki-open po ang bag’ tapos tutusukin yung bag mo pero wala naman talagang hinahanap.

Pulis at militar lang daw ang pwede magdala ng baril. Hindi pwede ang mga security guard. Naisip ko tuloy kung paano kaya kung wala rin tayong mga sekyu? Hmmm.

Note: Hindi ko minamaliit o sinisiraan ang mga security guards. Nakakainis man minsan yung ginagawa nila na naiisip mong hindi naman na talaga kailangan, ngunit biktima rin sila ng sistema. Sumusunod lang sila.

Ang pinaka-astig na Security Guard ngayon: Mr. Generoso Cupal ng TV5's Kontrabando.

Ang pinaka-astig na Security Guard ngayon: Mr. Generoso Cupal ng TV5’s Kontrabando. Googled picture, via Twitter

4. Least Corrupt. Alam ko na malaki talaga ang kaibahan kapag hindi corrupt ang isang bansa. Halos lahat kasi ng serbisyo publiko ay kaya mong ibigay sa nasasakupan mo. Medikal, edukasyon, inprastraktura, community outreach, retirement benefits at marami pang iba, walang problema. Nagulat na lang ako nung kumaha ako sa Wikipedia ng dagdag na detalye at sila pala yung number 1 sa hindi pagiging corrupt na bansa. Good job.

Sa mga ospital nga daw dito, kung professional services lang din daw ang pagbabasehan, wala daw pagkakaiba ang public at private hospitals. Ang pinakaiba lang talaga e yung mga kwarto. Syempre pag sa public ka, nasa ward ka kasama ng mga ibang pasyente. Wala rin daw dahilan ang ospital para hindi ka gamutin in case of emergency. Sabi pa nga ni bespren May, pati mga need mong medical devices libre lang or may discount na binibigay sa mga tao kung kailangan mo.

5. Monopoly. May batas daw dito laban sa mga monopolies. Hindi hinahayaan ng gobyerno na iisa lang ang magmamay-ari ng isang sektor ng business o kalakal sa bansa. Napag-usapan kasi namin ni Robbie yung bagal ng internet dyan sa Pilipinas. Kumpara dito, mahal dyan at napakabagal. High-speed internet na sa atin ang 5 MB samantalang dito na normal sa mga bahay ang 15 MB na internet. Nasabi ko na lang sa kanya na baka mina-manipulate ng mga telco ang presyo at kasabwat ang gobyerno. Maybe. Maybe not.

Dito daw kasi sa kanila bawal yung ganun. May isang beses nga daw na yung Coles at Woolworths ay nahuli sa price fixing. Ayun at pinagbayad sila ng malaking multa. So in other words, isipin mo kunyari yun SM Hypermarket at Robinson Supermarket ay nagusap para ibenta ng mahal yung mga tinda nila at wala naman choice yung mga tao kasi parehas sila ng presyo.

6. Safety. Before 5:30 am ako umaalis ng bahay dito papasok ng trabaho. Isa sa tinanong ko kay Robbie ay kung safe ba dito ng mga ganung oras. Oo ang sagot niya. Nakita ko rin naman. Madilim pa at may mga nagdya-jogging na. Minsan, at any time of the day, babatiin ka ng mga nakakasalamuha mo kahit hindi ka kilala. Parang sa U.S. lang. Hindi ko alam kung takot lang sila mahuli ng pulis o talagang peaceful silang mga tao.

7. Multi-cultural. Nung isang beses na nagkwento ako kay Robbie tungkol sa mga Indians, ako pa yung nagmukhang racist. Hindi naman offensive yun sinabi ko pero natanong niya lang kung may galit ba ako sa kanila. Sabi ko wala.

Nabanggit ko na sa nakaraang post ko na halos halo-halo ang mga tao dito sa city. Siyempre majority pa rin yung natives pero makikita mo na niyakap na nila yung kultura ibang lahi. May mga lugar pa nga dito na halos lahat ata e Asians. Dito lang sa Balmain mismo, may mga Japanese, Chinese, Thai, Indian at iba pa na tinatangkilik pa rin naman ng mga Australians.

8. Environment. Bihira ang kalat sa kapaligiran. Marunong magtapon ang mga tao sa basurahan na nasa paligid. Walang basurang lumulutang sa dagat. Maraming ibon ang makikita sa kung saan saan. Maayos at matiwasay. Yown.

City of Ryde

City of Ryde

9. Benepisyong Magagawa. Mahirap daw magtayo ng business dito. Ano ba naman kasi sa dami lang benepisyong kailangan mong ibigay sa mga tauhan mo. Pati yung retirement funds nila, majority sa iyo pa rin manggagaling. Nagtataka nga daw si Robbie bakit sobrang dami ng mga saleslady sa mga mall. Sabagay nga naman daw kung mura lang ang pasahod sa kanila. Sabi ko, hindi nga nagreregular e. Dito yung mga shops dito, pagdating ng lunch maglalagay pa ng karatula na ‘Be back in 20 minutes’. Kasi nga isa lang ang tindera dahil sa magastos magpasweldo at magbigay ng benepisyo sa mga tao lalo’t nasa batas ito.

Wala na akong maisip. SSDD mode on. So malamang alam niyo na kung ano ang tema ng next post ko.

Advertisements

2 thoughts on “Bakit Magandang Tumira Dito Sa Australia

  1. Pingback: Simpleng Buhay | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s