Life and Family / Personal Musings / Travel and Events

Bakit Ayaw Na Naming Mag-Migrate Dito Sa Australia

Kapag tatanungin mo ang isang Pinoy kung paano ba makakamit ang magandang buhay ay isa lang palagi karaniwan mong makukuhang sagot: ang mag-abroad.

Minsan sa kwentuhan namin ni Robbie (na kilala niyo na kung sino) habang bumabyahe pauwi (hanggang sakayan lang ako ng bus ihahatid, wala kasing bus papunta dun sa office namin), tinanong niya ako kung ano ba ang produkto na ine-export ng Pilipinas. Hindi ako nakasagot agad kasi hindi naman ako sure talaga kung ano ang inaangkat ng bansa natin palabas. Sinagot ko na lang na Bangus at iba pang seafoods. Sinabi naman niya na baka naman workforce. Makes sense sabi ko sa sarili. Kinalaunan, nag-search tuloy ako sa internet tungkol dito. Totoo nga, workforce at outsourcing ang isa sa ‘produkto’ ng bansa natin.

Ako rin siyempre gustong umunlad ang buhay. Sino ba naman ang ayaw. Sabi ko nga kay Jonalyn, gusto ko yumaman para sa pamilya natin. Ang habol ko na lang dun e yung pride na gawa ko iyon, ok na ako. So, gusto ko rin ba mag-abroad?

Oo.

Pumasok din naman sa isip ko na paano kaya kung magtrabaho ako o magmigrate kami dito. Mahaba ang naging usapan namin ni Jonalyn tungkol dito. Maraming factors ang kailangan din naman ang i-consider. Pero sa huli, ako pa rin ang pinagde-decide niya. Kung saan daw ako masaya dun siya kasama ko. Boom panis. Edu wow.

Pero dati yun. Matapos ang ilang buwan, linggo at araw ko dito e binaba ko na ang mga kurtina sa option na pagmigrate dito o kahit pa temporary work pa. Kaya sorry na lang sa BFF kong si May na dito na nakatira sa Queensland, Australia. Failed yung mission mo na ayain ako dito at magkasama tayo. Umuwi ka na lang palagi sa Pinas o kaya kapag marami na akong pera puntahan kita dito haha.

Ito naman yung mga personal reasons namin ni Jonalyn at mga factors na ni-consider namin.

1. Cost of Living. Kung magtatrabaho ako dito, triple ng sweldo ko ang nag-iintay sa akin kung iko-convert mo sa perang Pilipino. Yan e kung papadala mo sa Pilipinas. Kasi kung dito ka nakatira, triple rin ang gastos mo.

Oo. Nilagang Baka ang ulam ko kanina. Hanggang bukas yun.

Oo. Nilagang Baka ang ulam ko kanina. Hanggang bukas yun.

Hindi naman talaga ng mag-improve dramatically yung buhay mo pagpunta mo dito. Same same lang din kung sweldo at gastos ang usapan. Well, libre nga lang yung school ng anak mo at may allowance siya as long as below 18 (kasama pa ng iba pang benefits na nabanggit sa naunang post). And yes, lahat naman ng lugar ay may mahirap. Meron din naman mga namamalimos dito at mga homeless. Mas marami nga lang dyan sa atin.

2. Homesickness. Minsan gusto kong batukan itong si Robbie kapag tinatanong niya ako ng mga ganito: “Nami-miss mo na ba ang pagkaing Pinoy?” o kaya “Kamusta na yung pamilya mo, nakakausap mo ba sila palagi?”. Kailangan pa bang i-memorize yan?

Nung naiisip naming mag-migrate dito, isang option na hindi naman talaga yung option e yung ako muna ang mauuna dito. Bukod sa sakit ko e konti na lang kukunin ko na yung butil ng asukal sa 3-in-1 na coffee mix. Astig kaya ang mag-isa. Hindi nga ako makatulog ng maayos dito nung mga naunang mga linggo. At least two times, up to four, ako nagigising tuwing madaling araw. Buti nga medyo nagsubside na last week.

Pwede naman dalawa kami ni Jonalyn para magpaka-stable muna dito bago kukunin ang mga bata. Ang problema naman baka bagito at bagita na yung mga anak namin bago pa makuha papunta dito.

3.May bahay na kami sa Pinas. Dyan sa Pilipinas, sabihin na nating ang maganda ng sasakyan ay nasa isang milyon. Sa doble hanggang triple naman ng presyo na yun ay makakabili ka naman ng maganda ng bahay. Dito ang presyo ng maganda ng sasakyan ay nassa 50,000 AUD. Ang bahay naman… 500,000 AUD or more. Lol. So in comparison it’s like 1:3 versus 1:10. Sabi nga ni Robbie, kung may 10 million worth ka ng bahay sa Pilipinas, kahit ibenta mo yan at dalhin ng pera sa Australia, e hindi pa makakabili ng bahay yan dito. Note though na city pricing ito or yung mga suburbs. Try mo bumili bahay sa bundok dito hehe.

350 AUD per week naman ang renta sa isang bahay. Yung kasya lang lang isang maliit na pamilya.

4.Friends. Yun lang.

Ako: Siyempre kapag pumunta kami dyan, paano na yung mga friendship namin?
BFF May: Edi maghanap ka ng mga bagong friends dito.
Ako: Nye.
BFF May: Bakit, hindi mo maiwan yung mga ka-DotA mo at mga kaibigan mong mga sunog-baga?

5.Winter. Kung nagrereklamo ka dyan ngayon sa Pinas dahil sa init, ako din nagrereklamo sa lamig dito. Hahaha. Ang hirap na maghugas ng plato, paano pa kaya yung maligo. Kung pwede lang hindi e. Tapos required ka mag-lotion palagi otherwise mangangati ang katawan mo dahil super dry at scaly na. Buti na lang may lotion si Ron.

6.Overall Adjustment. Hindi naman an question sa mga Pinoy ang kakayahan na mag-adapt sa bagong environment. Either way, may adjustment pa din. Siguro kung sa amin ni Jonalyn kaya kaya pa. Pero sure na malaking adjustment sa mga bata. Yung panibagong school lang maninibago na. Ito kaklase nila mga Australian hahaha.

7.Time. Yung reason 1 to 5 na lang e enough reason na para makapag-decide kami. I just felt that life is to short to worry about getting richer while spending it away from your family (contradicting ba sa intro lol). Tamad kasi akong tao haha.

Marami akong family and friends na working and/or living na abroad. Sabi nga e, hindi nawawalan ang isang Pinoy ng kamag-anak na nasa abroad. Anu ba naman ang sweldo ng mga ‘low class’ na trabaho dyan sa Pinas na pagdating sa ibang bansa ay in-demand. Sabi ko nga sa isang Facebook post ko, buti pa yung mga nagbabalot ng patatas dun sa pinagtatrabahuhan ko de-kotse (I am currently building an ERP system for an Agricultural/Produce Supplier; paki-google translate na lang). Hahaha.

I am not saying that those people who took the choice to migrate or to work overseas made the wrong decision. Despite some factors, sometimes you got to do it. Ang totoo nyan saludo ako sa kanila na kinakaya nila yung sacrifices doing so. Kahit papaano natikman ko na rin naman ang pagiging isang OFW. Yes, techincally. Though hindi nga lang kasing tagal nung mga totoong OFWs. Kapag nagmigrate ka naman e mas madalas na hindi mo kasama agad ang pamilya mo. It you will still need some effort para stabilize muna yung buhay mo bago mo sila kunin. Hindi naman ganun instant okay na agad kayo.

Yes. Time.

8.Hope. Winston. Malboro. Fortune.

Meron pa naman akong 0.00000000000001% na pag-asa na may magbabago pa sa Pilipinas. Hindi nga lang siguro during my lifetime. Minsan kailangan lang din nating mahalin ang bansa natin. Na sana dumating yung panahon na kapag tinanong mo ang isang Pinoy kung paano uunlad ang buhay niya ay hindi na magiging sagot ang pangingibang-bansa.

Minsan naiisip ko na sana isa akong superhero na kapag pinalabas sa sine kay rated M or R. Hindi dahil sa sexual theme kundi sa gore at violence. Tipong mala-Spawn. Papatayin ko na lang yung mga nagnanakaw sa gobyerno, mga tiwaling opisyal at mga walang kaluluwang kriminal. Gagawin ko ng live yung excution sa national TV para mag-instill ng takot sa mga magbabalak na sumunod sa yapak nila. Sobrang kapal ng mukha at nangingitim na kasi sa kawalanghiyaan ang mga politiko sa Pilipinas e. Sinusuportahan naman ng mga bobotante nabigyan lang ng kakaunting pera.

PS: Salamat pala sa mga nakausap ko at nagbigay ng tulong impormasyon. Hindi ko na sasabihin kung sino kayo. Baka guluhin kayo ng ibang may balak din. Lol.

Boom tapos. Sorry kung napagbabaligtad ko yung ‘dyan sa Pinas’ at ‘dito sa Pinas’. Nalilito na ako e. Haha.

Advertisements

15 thoughts on “Bakit Ayaw Na Naming Mag-Migrate Dito Sa Australia

  1. Meron pa naman akong 0.00000000000001% na pag-asa na may magbabago pa sa Pilipinas. >> kailan kaya? kailan kaya kami makakauwi? sa ibang bansa na lang ako nagka varicose veins eh ha ha ha ha…..

  2. Yung mga article na tulad nito, napapaisip ako… baka hindi talaga para sa akin magtrabaho sa abroad. Lungkot pa lang, deadz na aketch. Kung nararamdaman mo sa mga posts ko eh, pinanganak akong melancholy… malungkutin.. nako eh lalo na kapag sumali pa si winter

    Saka friends… alam mo noon sabi ko sarili ko, nandito ako sa workplace para magtrabaho at hindi para makipagkaibigan… sh*t kinain ko yung sinabi ko. ng magsialisan ang mga friends ko… dyosko, na realize ko ang halaga ng merong kaibigan sa pinagtatrabahuaan

    Pero ako sa tingin ko ang papatay sa akin dyan eh homesickness.. dyosko iniisip ko pa lang ang lungkot na

    • siguro nga lang mas matatatag ng kaunti ang mga guys pagdating sa ganitong sitwasyon. note really that we can handle it as much as you can, pero kapag iniisip kasi namin na para sa pamilya ito, aalisin mo na lang lahat ng mga lungkot mo kahit mahirap.

      though medyo ibang story yung pag alis ng mga kaibigan, isa ring nakakalungkot yan. yung ‘naiiwanan’ hahaha.

  3. Malaki lang talaga ang upa. Kaya ang ginagawa ng iba, sila muna ang magtratrabaho ng mga 1 year para makabuwelo lang (uuwi every 6 months). Tapos pag nakaipon na, migrate muna ang asawa. Hanap trabaho si misis, tiis mga bata ng 2 buwan sa mga lola. Pag nakahanap na, pwede na kunin ang mga bata. Loan sa bangko pag nabitin dahil madaling maapruban at magaang ang bayaran. May allowance mga bata sa centrelink. Libre hospital dahil sa medicare. Libre aral sa mga bata hanggang college (school loan). Mabigat lang talaga ang upa sa bahay. Mas magaang pag bibili ka ng bahay dahil imbis na iupa mo ay mapapasayo yung bahay. Yun ay kung dito ka na talaga titira habang buhay. Pero kung di mo balak tumira ng matagal kasama ang pamilya, mas mabuti na nga sa pinas kung malaki naman ang suweldo. Sa huli, si misis pa rin ang masusunod. Sabi nga nila, kahit hari nagbobow pag inutos ng barbero. Mas masarap pa rin ang coco jam kesa sa vegemite.

    • natawa naman ako sa pagkakadescribe mo hehe.

      oo ganun na nga, mahirap kaya kailangan matinding desisyon yan na dapat pinaplano. hindi lang “tara punta tayo sa ganito… astig yan… yayaman na tayo…”. may mga nakausap din ako dun na citizens na hindi rin naman talaga ganun kaganda ang Asutralia. Mas maganda lang ng konti siguro ng konti sa Pinas, well, except dun sa culture part na nakagisnan mo.

      btw, nasa Australia ka din ba ser? nakakarelate ka sa posts ko sa FB e. lol. btw, di ko pa natitikman yung vegemite.

    • Yes Sir, Brisbane. Mas masaya talaga sa pinas pag yung pera mo sa Australia ang gagastusin. Yung kikitain sa pinas ng isang taon ay dalawang buwan ay bawi na. Pero bagaman may pera ay di rin maeenjoy dahil laging may papadalhan sa pinas. Basta pag maganda ang suweldo o negosyo sa Pinas, sa Pinas na.

    • For work lang ba ser o migrate na kayo?

      in all, parehas lang din naman talaga kung pera or kita ang pag-uusapan. mamimiss mo lang talaga yung mga nakagisnan.

    • Work lang Sir sa ngayon. Matagal na rin akong di nakakauwi ng pinas mga 3 years na. Nakapag adjust na rin kahit papaano. Malungkot dahil mag-isa lang. Pero ganun talaga pag may sinusuportahan. Pansamantalang tiis para sa pangmatagalang ginhawa. Sana makauwi na rin soon.

  4. Pingback: Simpleng Buhay | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s