Travel and Events

Hindi Nakakatawa ang mga Susunod na Eksena

Babala, asawa ni Babalu: Pasintabi sa mga kumain, kumakain at may balak kumain. Ang post na ito ay tumatalakay sa hindi kakanais nais na tema.

Natuto na ako nung naunang pagkakataon na pumunta ako dito sa Australia. Wala kasi akong dalang Philippine Peso nung umalis ako. Kaya gutom na ako at hindi pa naalis yung eroplano pero wala naman akong pera pambili ng snacks dun sa airport. Kaya this time, nagpabaon na ako ng pera kay Jonalyn para may pera ako papunta at sa pagbalik ko ulit ng Pilipinas.

Kakaunti ang mga tindahan sa NAIA Terminal 2 Internation Departure. Parang mga small shops lang sa mga SM Malls o franchise lang ng tindahan ng Siomai. Meron Cafe France na may mga tables pa pero bibili sana ako ng pasta kaso P300. Yung spaghetti, P285. Dun sa isang tindahan meron Jumbo Siopao, P116. Oh well, pinost ko yung mga price pero hindi naman ako nagrereklamo. It’s understandable naman. Mahal siguro ng rent nila sa loob ng terminal gates.

I ended up buying a P208 Tonkatsu Rice Meal with Egg. Nagkanin ako kasi I am still 3 hours away from boarding. Napaaga kasi ang pagdating sa airport dahil hindi namin expected na walang trapik on a Sunday. Matapos kumain, PS Vita naman playing Child of Light. Few minutes more, I felt something bursting out. Hindi na kayang pigilan. Yun lang, kung saan ako naroroon, sa Gate S2, wala palang malapit na restroom dun. Kinailangan ko pang lumakad papunta sa kabilang side.

Buti na lang hindi pa masyadong maraming tao nun doon. Pero para sa dami ng gates ng terminal na iyon, parang hindi yata ankop yung laki ng restroom na iyon. Mas malaki pa CR sa Trinoma.

bowl-cover

Empty

hinges

Konti na lang bibigay na.

toilet paper

Buti na lang at mayroong toilet paper. Nakakahiya na talaga kung wala. Nailagay kasi ni Jonalyn yung wipes dun sa maleta kaya no choice. Lol. Pero nagkaroon ng ibang gamit yung toilet paper sa akin para sa pagkakataon na ito. Para magsilbing tali upang hawakan yung sirang saraduhan ng cubicle na ito. McGyver mode on.

Para sa mga dayuhan, ang first impression talaga ng isang bansa ay yung airport nito. And now you know what I mean. Hindi natin sila masisi kung natatawa sila dahil tinatawag nating “comfort room” o kaya “rest room” ang kubeta natin kasi hindi nila makita yung “comfort” o “rest”. So far, the best talaga na CR na na-experience ko e yung sa Narita Japan airport. Pati yung panghugas, di pindot dun mismo na parte ng toilet bowl. High tech. So kung 10 ang rating nun sa Narita, pwede na siguro yung CR sa terminal 2 ng 3 na rating.

Goodnight.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s