Life and Family

HAPPY BIRTHDAY TO ME!

August 28, 1983 eto yun araw na pinanganak ako sa mundong ibabaw. Marami akong memories ng mga birthday ko since bata ako. Yun iba naaalala ko pa, yun iba naman hindi na…. Sa dami nun ano nga ba ang pinaka-masaya? ano din ba ang pinaka-malungkot? (teka lang naghahalungkat pa ko).Bago yun magpapasalamat muna ako kay lord kasi patuloy nya ako binibigyan ng blessing, binibigyan ng panibagong taon, dinadagdagan yun mga taong nagmamahal sa amin.  Di nya pinapabayaan ang mga taong mahalaga sa akin at ang pamilya ko.Lord maraming -marami po salamat!

Siguro yun pinaka-masaya kong birthday ay yun mga panahon buhay pa si PAPA, tuwing birthday ko kasi  lumalabas kami kasama si MAMA papapiliin ako kung ano gusto kong laruan. Masasabi kong Papa’s/Mama’s Girl ako noon dahil lahat ng gusto ko nakukuha ko, palagi akong may pasalubong tuwing uuwi sila galing trabaho. Dahil lumilipas ang panahon unti-unting nawala unti-unting nabago. Hanggang si Mama na lang ang natira sa akin, itatake ko na itong opportunity na magpasalamat sa kanya “ Mama, Thank you sa lahat as in sa lahat lahat. Nanatili kang andyan para sa akin. Kahit alam kong ang dami kong binigay na disappointment sayo pero pinili mo pa rin akong tanggapin  bilang anak mo, thank you sa pagmamahal mo sa akin at sa mga bata. Di ako maswerte dahil isa kang blessing binigay ni lord para maging Mama ko. Mahal na Mahal ka po namin. Sobrang miss ka na po namin. Sorry po sa lahat….

Sa mga tunay na kaibigan ko di ko na kayo iisa-isahin kilala nyo na kung sino-sino kayo thank you sa friendship, sa mga pinagsamahan natin maigsi man o mahaba ite-tressure  ko iyon habang buhay. Kahit na may mga kanya-kanya na tayong buhay sana walang kalimutan at iwan. Miss ko na kayo ^_^.

Sa mga nanghuhusga sa pagkatao ko eto lang masasabi ko sa inyo ^__^

images

Sa paglipas ng taon may makikila tayo na di natin ineexpect na magiging parte ng buhay ko siguro masasabi kong isa syang malaking “LESSON”. Dahil dumating sya pero umalis din akala ko sya na ang “THE ONE” akala ko lang pala, Thank you kasi kung di ka dumaan  sa buhay ko di ko makikilala yun taong para sa akin pala talaga. Wala naman ako pinagsisihan sa relasyon natin ginawa ko naman yun part ko kaya lang “ang tao napapagod din”. Napagod akong mag-antay ng mag-antay ng mag-antay akala ko kasi na pag iniwan kita kakaripas kang umuwi at balikan ako.(nadale na naman ako ni “akala”) Sana maging matured ka na to accept things that are not meant to be and i hope you find the right girl that will make you happy and complete. Sana maging civil at maging maayos na tayo (alam mo na kung ano ibig ko sabihin). Sorry kung nasaktan kita masyado pa tayong mga bata noon di pa natin alam yun true LOVE… (Amor Powers)

Finally i found “THE ONE aka ang Forever ko” (pabebe lang!) Sa di inaasahan pagkakataon at sitwasyon di ko inaasahan na ikaw yun ibibigay sa akin. Pinag-pray kita sabi ko nga kay lord kung di ikaw ilayo ka na sa akin willing naman po ako mag let go. Alam naman natin yun sitasyon noon pero bumilib ako sayo ikaw yun tipong lalake na di umaatras sa responsibilidad. Na kahit alam mong mahirap pinanindigan mo pa rin ako. Thank you kila NANAY AT TATAY  dahil pinalaki ka nila ng maayos. Nahanap natin sa isat isa yun bestfriend, gf/bf, Enemies kahit ganon nanatili ka sa amin. Di mo ako iniwan sa mga oras na halos lahat iniwan na ako, lagi mo sa akin sinasabi “iniwan ka na nga nila iiwan pa ba kita ako na lang yun natitira sayo”. Kahit na may mga nagagawa tayong mali pinipilit natin ayusin, kahit na madalas ako yun gusto ng sumuko pero lagi mong sinasabi na “mag-aantay ako hanggang sa matanggap mo”, “tagal na natin ngayon ka pa ba susuko”. Ibinigay mo pa yun Surname mo a akin kaya mas lalo akong bumilib sayo. Sobrang mahal na mahal kita kayo ng mga anak natin. Every Birthday ko lagi mo kong binibigyan ng suprise thank you sa matinding effort mo (kay jig na naging kasabwat mo). Kahit naman wala mga yan ikaw lang sapat na di lang pala sapat sobra sobra pa. Wala ng iwanan POREBERAN na ITUH! Cheesecake

jhojho2

Advertisements

11 thoughts on “HAPPY BIRTHDAY TO ME!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s