Life and Family / Personal Musings

Pera o Pamilya

PAUNAWA: Ang mga saloobin ko ay maaaring hindi sang-ayon sa mga saloobin mo. Hindi ko ninanais na ipilit sa iyo ito. Hindi ko rin ninais na ikaw ay masaring ng aking mga nasusulat sa sulating ito. Wala ng makakapigil sa akin. Kung gusto mo, gumawa ka ng sarili mong blog post.

On a serious note though, kung nasa ibang bansa ka tapos medyo emotional kang tao, don’t think this is something para palungkutin ka. Ayun.

To be honest, minsan naaawa ako dun sa mga Pinoy lalo na syempre dun sa mga close sa akin na kailangang lumayo para makapagprovide para sa pamilya. Mahirap kasi. Nakailang ulit ko na rin naman din na nabanggit sa mga post ko na kahit papaano, I had the taste of it. At most three months away from the family at a time. Mahirap. Angry Birds.

Ako: Wala ka namang girlfriend diba?
Kaibigan: Wala.
Ako: Ayun naman pala e. Grab mo na yung opportunity. Wala ka naman pala mami-miss.
(laughtrip)

Hindi ko rin naman sila pwedeng husgahan. Lahat naman tayo kanya kanyang dahilan para gawin ang mga bagay bagay. Hindi ko rin pwedeng ilagay ang sarili ko sa katauhan nila dahil iba iba naman ang mga tao. Iba ibang experience. May Town Hall Level 8. Yung iba level 9 at may iilang level 10. Yung iba TH Rush at yung iba mahaba ang pasensya.

Pero ngayon, eto na naman ako. Nag-iisip. What ifs. Pero isang araw lang pala yung kailangan ko para biglang magdecide. Salamat pala dun sa mga nagrespond dun sa Facebook Status ko. Isang malaking shoutout sa inyo mga tohhll. Ngayon malalaman niyo na kung sino ang panalo.

I thought about the money. Dati nung nagsisimula pa lang ako sa Janitor sa 1st Floor, 15k ang sweldo ko pero nakakapag-SM Fairview kami every other weekend at nakakabili pa ako ng Gundam (parinig kay Jonalyn?). Ngayon umangat na ako. Sa 2nd floor na ako. Kahit dumoble pa yung kita ko, hindi rin dumoble yung savings. Mas kailangan lang siguro ng mas maayos na money management sa ngayon. Well, kahit papaano naman mas naging wais kami ngayon. Naubos na namin yung mga utang namin (may konti na lang). Although kahit papaano talaga gusto mo pa rin naman maibigay sa pamilya mo yung best. Yung pride na lang sa pagkakakamit nito yung para sa akin. Masarap yung feeling na naabot mo yung mga gusto mong maabot sa buhay. Konting ayuda pa. Konting kayod pa. Ilang years pa bago mag-college. Hahaha.

Kaibigan: Libre ka naman. Mayaman ka naman.
Ako: Oo, mayaman sa utang.
Kaibigan: Hindi ka naman mangungutang kung hindi mo kayang bayaran.
Ako: Hmmmmm.

I thought about the family. Wala pa rin naman makakapantay dun sa sacrifices mo sa pagpunta sa ibang bansa para kumita ng pera para sa pamilya. Mananatiling pakunswelo lang talaga yung pera. Pakunswelo na maprovide mo yung mga kailangan ng pamilya mo. Pero ano ba yung namiss mo? Birthdays ng anak mo. Anniversary ninyo ng asawa mo. Kung anu-ano pang-okasyon. Wala ka nung may sakit sila para maalagaan mo. Wala ka kapag kailangan ng asawa mo na abutin yung de lata sa may kabinet na hindi niya makuha ng walang upuan. Walang magbubuhat ng kutson ng kama para ibilad sa araw. Hindi rin mawalisan yung likod ng TV kasi wala ka para iusog yung TV stand. Wala ka para lutuan sila ng experiment dishes mo. Wala ka para turuan yung mga anak mo sa assignments nila lalo na sa Math. Wala ka pala e.

I thought about the time. Ito yung deciding factor. Anything could happen anytime. Ni hindi nga natin alam baka mamaya lang ay wala na itong katawang lupa naten. Tapos, maiksi na nga kung tutuusin ang oras namin sa mundong ibabaw, uubusin ko pa ba na malayo sa mga mahal ko sa buhay? Hindi naman naten madadala kung saan man yang pera o material na bagay. Well, DAW. Wala pa namang bumabalik galing langit o impyerno e.

Tiis tiis lang sa kung anong meron. Parte naman ng buhay yan. Learn to be content… while reaching for your dreams. Lol.

Ako: Alam mo ba kung ano yung mas importante kesa sa love?
Kaibigan: (Nag-isip tapos biglang natawa ng malandi)
Ako: Hindi yun noh! Time ang mas mahalaga sa love. Pano mo ipapakita sa isang tao na mahal mo siya kung hindi mo naman siya binibigyan ng oras?
Kaibigan: Ahh. Oo nga ano. Hahaha.

Ayan may nanalo na. Hahaha. Sex este time! ❀

PS: Salamat kay Lui sa article na ito. Hindi ko pala siya binasa. Pinakinggan ko. Haha. Ayan basa!

Advertisements

10 thoughts on “Pera o Pamilya

    • sabi ko nga ser, we all have our own reasons. kung ano mang reason yun, alam naman natin na para sa pamilya yun.

      as for me, i just made up my mind. πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s