News and Information / Personal Musings

Wala Akong Magawa

Wala akong magawa.

Wala akong reklamo na kinakaltasan ng malaking parte ang suweldo ko para sa tinatawag nilang ‘income tax’. Ngunit imbis na mapunta sa kapakanan ng taong bayan e sa bulsa lang ng iilan ito napunta.

Wala akong magawa.

Marami ang ayaw na maipasa ang Bangsamoro Basic Law. Pero dahil nga siguro may kalakip na malaking pera ang usapang ito, marami yatang pulitiko ang gustong maipasa ito. Ibinebenta na pala nila ang bansa natin sa iba, hindi pa natin alam. Sa huli, baka magkaroon pa rin ng pagkakataon na dumating ang hindi inaasahan ng marami.

Wala akong magawa.

Wala pa ring hustisya ang mga nangyari sa SAF44. Wala na rin yatang balak ang pamahalaan para imbestigahan pa ito. Busy na kasi sila sa eleksyon sa susunod na taon.

Wala akong magawa.

Nagtaas ng nakararaan lang ang pamasahe sa MRT. Para daw ito sa pagpapaganda ng kanilang serbisyo. Matapos lamang ng ilan pang mga buwan, ay naubos nang bigla ang bilang ng mga tren. Pangit pa rin ang serbisyo. Hindi lamang sa mga tren kundi sa lahat ng pasilidad na mayroon ito.

Wala akong magawa.

Bagama’t nakakulong ang mga pulitiko at mga drug lords at iba pang mga ‘high profile’ na mga bilanggo, ay natatamasa nila ang buhay na parang nasa labas o bilang isang malaya.

Wala akong magawa.

Wala pa ring nangyayari sa Pork Barrel Scam. Hindi pa rin napapanagot ang mga dapat managot. Ilang saglit pa makakalimutan na rin yung usapang ito kasama sa mga perang naibulsa na ng mga sangkot dito.

Wala akong magawa.

Palala ng palala ang trapik sa Kalakhang Maynila. Pero ok lang naman yan kasi hindi naman yan nakakamamatay. Tiisin na lang daw natin.

Wala akong magawa.

Sabi ng Bureau of Customs, hindi na raw nila bubuksan ang mga Balikbayan Boxes. Pero alam naman natin na kahit wala pa ito, nangyayari na rin naman ang nakawan at lagayan sa ahensya ng gobyerno na yan. Paki-explain nga yung basura galing sa Canada.

Wala akong magawa.

Marami na ang kini-kidnap. Marami na rin ang nare-rape. Kawawa lalo na yung mga musmos pa lang. Walang magawa ang kapulisan.

Wala akong magawa.

Marami pa ang kabulastugan ang ginagawa ng iilang mga Pilipino, nasa posisyon man o hindi, na nagdudulot lalo ng kahirapan sa mga mamamayan. Ang mga mahihirap, lalong naghihirap.

Wala akong magawa.

Sabi nila demokrasya ang pinapaiiral sa bansang ito. Pero wala namang magawa ang mga simpleng taong katulad ko. Pagkatapos ng botohan, bahala na yung nasa posisyon kung anong gusto niyang gawin sa puwesto. Minsan may mga may hiya pero marami ang wala. Kaya kong ayusin ang sarili ko at ilang mga tao sa paligid ko pero hanggang dun na lang iyon. Gusto ko man ng pagbabago pero hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Yung mga mismong nasa posisyon nga e walang magawa, o hindi ginagawa, ang solusyon sa mga problema ng bayan.

Wala akong magawa.

Ipo-post ko na ito bago pa lalong humaba.

Wala akong magawa.

Advertisements

7 thoughts on “Wala Akong Magawa

    • It is. That’s the nature of the beast.

      However, I honestly believe it’s mostly the fault of the citizens. For example, the government puts up crosswalks and overhead passes, but you still see peoplejaywalking. It’s like, it’s too much of a bother to look for a crosswalk, or walk up the stairs.
      Humungous traffic problems in the Philippines is devastating to the economy. Who causes this problem? The Filipino driver. Unbelievable ignorance of basic traffic laws, and common road courtesy.

    • Honestly, I think it is hopeless. These customs and mindset are ground to the deepest hearts of the Filipinos. Like the Japanese, their code of discipline and honor are like the bible of their lives. Us Pinoys do to, but in a bad way.

      Mostly wanted a change but only a few do something to happen. A little flicker than couldn’t even start a fire.

  1. I honestly believe that change should start from the citizens’ hearts. They want everything easy and cheap, so they bribe. Why don’t they just do the right thing and get a receipt ? lol

    It’s not hopeless. It may not happen on this generation, but it will, especially when the people see that the country is being left behind.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s