Personal Musings

Man’s Instincts

Kapag kinutuban daw ang mga babae, madalas daw, tama ang hinala nila. Pero paano naman kaming mga lalake, hindi ba pwedeng tumama din ang hinala? Siguro sa dalawang istorya ng totoong buhay na matutunghayan niyo ngayon, pwede nating sabihin na kaming mga lalake ay may karapatan ding kutuban. At minsan, may sense din naman na makinig kayo sa amin mga gerls. Without further ado, ito na.

Ito na talaga Lola.

Sasabihin ko na po Lola.

Game na.

Gerl 1

Bilang mga kaibigan (Si Jonalyn at ako bilang extra) nandito kami para sa iyo. Kaso minsan lang nagtatampo yung mga friendship mo dahil tuwing may problema ka lang ata lumilitaw, mas rare pa sa palitaw. Palagi ka naman naming ina-advise-san pero hindi ka rin naman nakikinig. Malinaw ang pagkakasabi ko sa iyo noon.

“Bilang isang lalaki, sure ako, hindi ka niyan mahal.”

Oha. Chumamba ako. Ikaw ba naman, once a month lang kayo magkita ni kuya. Tapos jugjug lang ang purpose ng meeting ninyo. Anu yun? Kung talagang mahal ka nun, katulad ng sabi ko sa ilang post, kailangan bigyan ka niya ng oras. Hindi lang kayo magkikita kung kailangan niyang maglabas ng sama ng loob. It ended up, hindi lang pala ikaw. May mas nauna pa sa iyo. Yung tunay niyang asawa.

Tapos ngayon, ito ka na naman. Hindi ko alam kung anong meron sa mga married men at sila ang hinahabol mo. Hindi ka naman namin pwedeng husgahan pero somehow we would think that you are doing this for your kid (yes, single mom po ang ating friend). Kasi nga stable itong mga married men na nakakasama mo. Pero para saan pa na meron din naman silang asawa. Maganda ka naman. Sexy. Pero dun sa may sabit ang gusto mo. I know mahirap din naman na magtiwala sa ibang lalaki dyan, yes yung iba, kahit pa single sila. Pero mas malaking problema ang pinasok mo gerl. Ano ngayon na may anak ka tapos yung mag-asawa ay hindi magka-anak. Umaasa ka na ikaw yung pipiliin? Paano kung sa iyo gawin yung ganun. Sabi nga nung nabasa kong quote sa Facebook:

“A right thing at the wrong time is a wrong thing.”

Tapos ngayon crying ladies ang peg mo. Una pa lang na pinasok mo yan, andyan na kaagad yung consequences. In the end, buhay mo pa rin yan. Ikaw pa rin yung makakapagdecide kung anong nais mo.

Ano ang nais mo?

Ano ang nais mo?

Gerl 2

Congratulations at finally again nagkaroon ka na ulit ng boyfriend. You were always know to have the highest standards among your group. Nirereto ka pa nga sa akin ni Jonalyn. Maganda ka pero for sure baka mag-Clash of Clans lang yung ugali natin. Kaya for the longest time Coke Zero yung lovelife mo. Pero anyare friendship? Yun na nga yung sinasabi ko, pagdating sa pag-ibig, kapag minahal mo yung isang tao, wala na yang ista-standards na yan.

Don’t get me wrong. Huwag mong isipin na nagmamagandang lalake ako at nilalait ko yung jowa mo. Iba lang kasi yung tingin namin sa iyo na feeling namin kailangan artistahin at yung tipong may successful na career yung papasa sa iyo. Long story short, gusto siyempre namin para sa iyo e yung hapiness ng lovelife mo. Nalerki lang kami dun sa sinabi mong inaaya ka na magpakasal ng jowa mo. Haler, one month pa lang kayo?! Ikaw na rin nagsabi, papakasal kayo tapos ikaw magpapakain sa jowa mong tambay. You are better than that gerl. Kung gusto ka talaga niya. He has to prove himself. May tamang panahon ang pag-ibig hindi mabilisan. Para ka na ring nagpakasal sa stranger kung ginawa mo yun though we know hindi mo naman gagawin. Hindi natin alam ang true intentions niya pero kutob ko bilang isang lalake taragis pera lang ang habol nyan sa iyo. Business woman ka on your own tapos i-inherit mo pa yung family business niyo. Kung hindi magsisipag yang jowa mo, lalabas lang na excess baggage siya.

Makinig ka kay Lola Nidora.

Lola Nidora 1

Lahat ng mga ito ay payo lang. Nasa sa inyo yan mga gerls. Madlang people kung may maidadagdag kayo post lang sa comment box sa baba. ❤

Advertisements

2 thoughts on “Man’s Instincts

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s