News and Information

Beep Beep

Imahe mula sa interaksyon.com

Imahe mula sa interaksyon.com

Beep beep beep beep
Dadalhin ko kayo kahit saan
Beep beep beep beep
Dalian n’yo, hindi pa ako nananghalian
~Juan Dela Cruz Band

Nung Friday lang ako nakagamit ng bagong Beep Card na yan para magamit ko sa pagsakay sa MRT. Astig. New technology. Naging initiative daw ito dahil nga malaki daw ang nalulugi ng ating transit dun sa lumang sistema. Sinubukan kong intindihin yung article na yan tungkol dyan pero hindi ko makita kung paano nag-arrive sa ganyang figures at kung nalulugi ba talaga ang LRT at MRT.

Sa kaso ko na lang, palagay mo ng dalawang beses ako na Stored Value Ticket per week. E yung dating SVT, may free ride kapag mababa na sa sampung piso yung laman ng ticket mo. So P24 yung pamasahe ko tapos natitira sa ticket e P4, then P20 ang nase-save ko per SVT. Tapos P40 na yan kasi twice a week nga. So imagine mo kung ilan yung dagdag na kita ng MRT dahil yung Beep Card na wala ng Bonus Ride. Boom.

Tapos nalulugi MRT? Ang tagal na nagtaas ng pamasahe para daw sa pagpapaganda ng serbisyo ng MRT. Mga gago. Isama niyo pa yung presidente tatay niyong panot. Yung ticketing lang ang nag-improve, technologically lang. All else kagaguhan pa rin. Nasan na yung improvement ng facilities? Ilan pa rin yung mga bumabyaheng train? Ilan pa rin yung mga escalator at elevator na gumagana? May aircon pa ba yung mga train? Alam naman ng gobyerno ang problema pero wala silang ginagawa.

Buhay pa naman kayo 'di ba?

Buhay pa naman kayo ‘di ba?

Advertisements

7 thoughts on “Beep Beep

  1. kuya aircontinuous na yung mga tren kasi nakabukas na yung bintana. wag ka na lang maligo kasi maliligo ka na sa sarili mong pawis at pawis na rin ng iba. LOL 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s