Life and Family / Personal Musings

Helmet

love wrong person

Salamat Google

Dear Friend,

Gusto naming huwag nang pansinin, ang problema, kaibigan ka namin. Katulad nga kasi ng sabi ko dati, masama ang gut feel namin sa jowa mo. Pero sa huli, kahit ano pa man ang mangyari, ikaw naman yung makikisama. Sabi nga nila, ang pag-ibig, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. Hanggang sa advice lang kami. Nasa iyo pa rin naman ang huling desisyon. Sana maging ok pa rin ang lahat if ever man kahit na sa simula pa lang parang hindi na mukhang maayos at tama yung pagsasama niyo.

Walang sinuman ang nasa lugar para manghusga ng kapwa. Pero malakas ang kutob naming pera at financial stability lang ang habol sa iyo nyan. Tinatamad kamo siya maghanap ng trabaho? Paano yan ikaw yung bubuhay sa kanya? Isa pa, hindi pa nga kayo kasal, pera at ibang babae na ang problema mo sa kanya. Pero teka, kasal na agad ang usapan pero ni hindi mo pa nga masyadong kilala yan. Ate three months pa lang kayo. Welcome nga pala sa 2015. Hindi naman porket may nangyari na sa inyo kailangan niyo na magpakasal. Pursigido si kuya na mabuntis ka para siyempre, secured na yung future nya. Sigurado nyan, sitting pretty na yan kapag nangyari yun. Balita ko, ni wala pa nga yatang pinapakilalang kamag-anak sa iyo yan. What if may asawa na pala yan dun sa pinanggalingan nyang probinsya? What if may kaso pala siya dun kaya andito siya sa Maynila? For sure, lalabas ang totoong kulay niyan paglaon.

Tutal tinatanong mo paano malalalaman kung mahal ka ng isang tao. Well ito lang ang simpleng sagot, you will feel it. Hindi lang sa kama kundi sa lahat ng pagkakataon. May pagkukulang man minsan pero hindi dapat palagi. Sa ngayon pa lang may trust issues na kayo, paano pa kapag tumagal yan? It starts with the small things. How he should make you feel loved and show how important you are in his life.

Uulitin ko, ikaw naman yung makikisama in case man magtuloy yan. Sana matanggal na yung helmet mo sa ulo.

Regards,
cheesecake and chocolatecake

Advertisements

6 thoughts on “Helmet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s