News and Information / Personal Musings / Pictures

Hanggang sa Huli

Nakatitig lang ako sa kanya mula sa malayo.

Sinusubaybayan ang kanyang mga indak at ang pagbuka ng kanyang mga labing animo’y nangungusap ngunit walang anumang boses ang naririnig.

Nanatili lang akong parang isang multong hindi nakikita ngunit may dalang pagpaparamdam.

Mula sa malayo ay sinasalo ko ang kanyang mga sulyap na alam kong para talaga sa akin. Para sa akin, sa kabila ng napakaraming taong pinapangarap lamang ang kanyang pansin. Ang katotohanang ito ay nagbibigay sa akin ng saya at ngiti sa aking puso kahit pa kami lang ang nakakaalam.

Dumadagundong na tili ang pumapangibabaw mula sa madlang naroroon kasama ko. Tili na nagmumula sa matinding kilig mula sa mga maliliit na pagtatangi niya at ng kanyang kapareha sa entablado. Isang maliit lamang na linya sa isang musika ng pag-ibig ay sapat na upang gumuho ang gusali kung saan kami naroroon.

Walang wala ako kumpara sa lalaking parating kaharap niya na makikita kahit saan ka man magpunta. Sa puti pa lamang ng kanyang kutis, kisig ng katawan at ang hindi maitatangging kagwapuhan ay halos kaya ng ibaon ang sino mang lalaki sa ilalim ng lupa. Pero wala iyon sa akin. Naroon lang ako, kasama pa ng ibang mga nahuhumaling sa kanyang ganda, naghihintay para sa kanya.

Matapos ang programa na tumatakbo sa tanghalian kung saan siya naitatampok, nagsi-alisan na ang mga manonood. Hindi pa rin ako tumitindig. Naghihintay pa rin ako.

Dumungaw siya para tawagin ako. Ito na yung pagkakataon ko. Agad naman akong lumapit sa kanya na isang pamilyar ng damdamin. Agad naman siyang sumukli ng mahigpit na yakap at matamis na halik sa aking labi. Bagama’t siya at isang maganda at tisoy na lalaki ang nagbibigay ng inspirasyon sa mga umiibig, alam ko namang may isang lugar sa puso niya na ako lang ang nilalaman. Hindi lamang kapiraso ngunit malaking bahagi nito. Totoo at hindi nagagabayan ng mga linyang nasusulat sa script.

Pamilyar ang ganitong mga pangyayari ngunit iba na ngayon. Kailangan na naming itago ang pag-ibig na ito sa mapanghusgang lipunan na hindi ito kayang tanggapin. Isang lipunan na iba ang hangad para sa kanya. Masakit pero kailangan namin itago at lihim na ipaglaban ang aming mga damdamin. Kailangan naming ipaglaban hanggang sa huli.

Ipaglaban hanggang sa…

Maine Mendoza, kinuha sa GMANetwork.com.

Maine Mendoza, kinuha sa GMANetwork.com.

…magising ako at mapagtanto na panaginip lang pala ang lahat.

Advertisements

14 thoughts on “Hanggang sa Huli

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s