TV and Movies

It Was Entertaining

Isa kami sa libo-libong mga nanood ng My Bebe Love #KiligPaMore at naniniwalang ito naman talaga ang nagtop-grossing hindi yung The Beauty and The Bestie. Hindi ako mahilig talaga ako mahilig manood ng sine unless maganda talaga or, in this case, required lang manood. Lol.

My Bebe Love via Google

My Bebe Love via Google

Ito lang naman ang napanood kong movie for Metro Manila Film Festival for 2015 so hindi ko kayang masabi kung si Maine ba talaga ang dapat na Best Supporting Actress. She did good I would say for a role na hindi naman talaga ganun ka demanding. Yes, hindi naman kasi siya kailangang magmala-“walang himala!” o kaya “Basilio! Crispin! Mga anak ko!” para sa role na ito. Though I would commend Ai-ai’s presence in the movie for her quips made it more interesting.

Well, sino bang hindi makakaget-over sa My Little Bossing. Dapat ilagay ito sa mga hall of fame na movie na hindi dapat makalimutan… na huwag ulitin. So for the movie My Bebe Love, being also one of the series of entries of Bossing Vic for MMFF, hindi pa rin nakaligtas sa in-movie commercials. Yun nga lang ngayon, nabawasan, which is good. But not totally eliminated. Feeling ko nga, sa endorsement pa lang na kalakip ng movie na ito, kahit yata walang manood ng movie na ito e nacover na agad yung investment in production. Hindi rin naman siguro ganun kataas ang budget nito given na hindi naman mala-Enteng Kabisote ang set nito. Talent fees lang siguro ang magpapabigat sa budget nito. Ok may convenience store na maraming tindang Tide 6. San Miguel Beer naman ang tinotoma ni Bossing at Ai-ai sa ilang beses nilang nag-inuman. Marami pa pero yung mga yun ok lang kasi although alam mo naman na andun yung focus ng camera at least walang gaanong emphasis. Except dun sa scene na may event sila para sa Solmux at kailangang umubo nung isang kasama sa meeting at dapat sabihin ang linyang “Ilabas mo!”. Isa pang eksena na pinilit at wala sa hulog e yung naglalaba yung maid at kailangan ipakita gaano kaputi ang laba ng Tide at kung magkano ito. Ang laki ng significance nito sa movie. Lol.

By the end of the day, we are only given what we asked for. So maganda ba yung movie? It was entertaining.

Advertisements

11 thoughts on “It Was Entertaining

  1. So maganda ba yung movie? It was entertaining. Amen! Ahahahaha

    Medyo natawa lang ako dun sa eksena sa convenience store. Ay yung chichiria lahat nakatalikod ang arrangement sa rack, pero yung tide, hala unli sa tindahan gaya ng sabi mo. Hahahahaha Sa totoong buhay lagot kayo sa store manager kapag ganun ang ayos.

    PS Maiba lang, ang ganda ng Honor Thy Father!!!

  2. napanood ako ang mbl at batb ( other entries)… gaya ng iyo, manood ka na lang kung trip mo nung 2 movies pero huwag mo taasan ang expectation just for entertainment vaue. IMHO, may story naman ang mbl kahit papaano… nag-try naman si direk joey. pero kung cinephile (medyo ako) ka tapos hindi ka pa fan ng tandem hmmm. una sa lahat ay yung plot ay predictable so aasa ka na lang sana sa twist at acting. as for maine, puwede na for first timer kung MBL lang ang usapan ha…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s