News and Information / Travel and Events

DOTC’s Point to Point Bus

Review

It was my first time last night to try yung pakulo ng DOTC na P2P Bus or Point to Point Bus. Kung saan ang bus na ito ay magsasakay at magbababa lang sa dalawang destinasyon. Para sa pagkakataon iyon, sumakay ako mula sa Glorietta papuntang Trinoma.

Prior to last night, ilang beses ko na rin nakita sa Facebook yung tungkol dito kasama na ng mga post ng relatives ko pero hindi ko lang talaga iniintindi. Until one of my cousin, Leda, brought it up and told me more about it. She even tagged me on Facebook, the P2P’s schedule.

Latest P2P Sched posted yesterday by DOTC

Latest P2P Sched posted yesterday by DOTC

Dapat nung Monday ko pa susubukan pero inisip ko baka mahaba ang pila so kagabi lang pero late na. I actually left the office around 7:30pm and rode the jeep towards Ayala-EDSA. Dun ako bumaba sa EDSA/MRT kasi yung nauna kong nakitang information sa internet regarding the terminal ng P2P heading Trinoma ay nasa Park Square. Kahit pa meron akong GPS sa phone e medyo naligaw pa ako. Kasi naman, wala na pala sa Park Square yung terminal. Actually hindi naman talaga siya terminal. Basta parang may naka-park lang na bus sa gilid. Na-confirm ko lang sa security guard ng Park Square na nalipat na yung terminal sa Glorietta 5 since the start of the year.

On the way to Glorietta 5, bumili muna ako ng snacks thinking that despite the idea of being point to point, baka matagalan pa rin yung byahe. Duh, EDSA. Yung mga nabasa ko na unang mga nakasubok, it took then one and a half hours for the route. Malayo pa lang, nakita ko na, na may naka-park na bus sa harap mismo ng Glorietta 5. Hindi pa ako sure pero alam ko ito na yun. Double decker kasi yung bus na nakapark. Agad kong tinanong yung parang barker (taga-bigay ng ticket) kung papunta ba ng Trinoma ang bus na iyon at um-oo naman siya.

Hindi ako sure kung meron pang biyahe ang papuntang SM Megamall kasi iisa lang yung pila dun sa Glorietta 5. At base kasi sa bagong schedule from DOTC, Glorietta to SM North na lang yung route (stops at Trinoma before SM North). Ayun, mga nasa 50+ something ako sa pila nung dumating ako dun ng 8:23 PM.

Line katapat ng Starbucks sa Glorietta 5.

Line katapat ng Starbucks sa Glorietta 5.

Line katapat ng North Park.

Line katapat ng North Park.

Almost there.

Almost there.

Ang alam ko that time, every 30 mins ang interval ng bus. It was on the 3rd bus since pumila na ako nakasakay. I hopped on the bus, around 8:40 PM. Kuha ticket lang then bayad. Hindi lang updated yung pricing na nakalagay sa ticket kasi P55 ang fare na nung route ko. A few minutes later, umalis na rin ito around 8:50 PM.

Traffic. EDSA Guadalupe.

Traffic. EDSA Guadalupe.

The bus I got into was normal though better than the ones usually traversing EDSA. It is expected kasi yung bus company serving this line, Froelich Tours, is a tourist bus company. Honestly, na-disappoint ako ng konti kasi yung mga nabasa ko about this e, high-tech daw, etc yung bus na masasakyan mo. Siguro ganun yung kaso sa double decker bus. Itong nasakyan ko, pang field trip. Hindi ko alam kung may wifi at yung reception ng TV ay hindi ganun kalinaw. Pinagtiyagaan ko na lang tuloy yung panoorin kahit malabo yung show nina Sir Jaime at Andrea. #BOYUser.

Ticket

Ticket

Kahit chikababes yung katabi ko, hindi ko na lang siya pinapansin. Siyempre, Jonalyn tayo. Naglaro na lang ako ng PS Vita (Toukiden) habang kumakain ng Jack &Jill Potato Chips. Sinubukan ko rin matulog habang nasa trapik pero bumalik lang ulit ako ulit sa paglalaro.

Ilang saglit pa napansin kong biglang nag-prop up si chikababes. Nagulat na lang ako kasi Trinoma na pala. Touchdown at 9:37 PM. That ride did an awesome 47 minutes. I was thinking that compared to riding the MRT, the time it will take in total will just be the same. Ang difference lang, nakaupo ako all trip long pero double the price (MRT fare: P24). Nakauwi akong hindi na kailangan mag-evening shower kasi hindi naman ako nakipag-wrestling ulit on the way home.

Ano try mo? Pag-post nito alis na ako. Kita kits sa pila. Pasingit ako.

Note: I am not sure kung hanggang this month lang siya. Parang dry run pa lang yata kung papatok sa masa.

Recollection

Nung naghahanap ako ng mga information sa web regarding the P2P, I just found this comment that prettily made sense. Wala naman daw pinagkaiba ang P2P sa MRT. Magkaiba lang ng makina at yung dadaanang track. Na kung gusto talaga ng gobyerno, uhmm DOTC, na tulungan ang mamamayan, why not implement this on the existing light rails. Just imagine having this same comfort riding the MRT. Naaalala ko tuloy yung train sa Sydney. Rush hour pa yun pero maluwag. Double decker kasi. How can you even expect this kung corruption ang nauuna imbes na i-improve yung sub-par na facilities ng MRT. Below normal working conditions e.

Parang excuse letter lang ng DOTC ang P2P Bus na ito.

Sorry nakalimutan ko, nasa Pilipinas pala ako. A place where the people rant and cry to the government who simply replies “bahala kayo sa buhay niyo”.

Pa-like po ng fan page: Say Cheese! Blog kasi wala lang.

Advertisements

16 thoughts on “DOTC’s Point to Point Bus

  1. Huwaw! Ok na rin kasi hindi ka makikisiksik sa bilyon-bilyong tao sa tren. Wag lang may magrarally sa EDSA. Hihi. Naks, may fanpage ang Say Cheese! Aba! πŸ˜€

  2. Pingback: DOTC’s Point to Point Bus Part 2 | Say Cheese!

  3. Pingback: P2P | Say Cheese!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s