Life and Family / Quotes / Uncategorized

Ang Saloobin ng Isang Ina

 

“Be careful with your words. Once they are said, They can only forgiven but not FORGOTTEN.”

Maglalabas lang ako ng saloobin bilang isang ina….Nagsimula ang lahat sa isang ballpen na magkatulad kayo nilapitan mo ang anak ko para tanungin kung sya ba ang kumuha…(pinalampas ko). Last DECEMBER may araw na umuwi si Joy na parang balisa at malalim ang iniisip parang mangiyakngiyak pa. Akala ko masama lang pakiramdam, pagod kaya hinayaan ko na lang magpahinga, Pero lumipas mga araw natutulala at parang malalim iniisip. Pag tinatanong ko sya kung may problema ba lagi nyang sagot “wala po”. Hanggang sa nun thursday nagtanong na sya sa akin “Mommy, ano po ba yun PRANGKAHAN” sinagot ko naman “PRANGKAHAN sasabihin sayo kung may mga ayaw na ugali o ginagawa mo like wag ka kasi epal minsan nakakainis na din parang ganon”. Ako kasi malakas ang pakiramdam ko pag may nangyayari ng di maganda sa kanya kaya pinilit ko syang umamin.

Grabe nawindang  natulala ako sa nalaman  ko di ko expected na may gagawa sa kanya ng ganon bagay”Pagkaisahan at iset up ng 9 girls si Joy sa cr at  konprontahin at paulit-ulit syang tanungin kung sya ba kumuha ng correction liquid at ng 16.00 sa lost n found dahil sya yun nakita nyo doon”. At yun isang girl sinabi pa nya kay joy “wag kang magsusumbong sa mommy mo or kay teacher kasi baka lumaki yun issue tinatanong ka lang naman namin at gusto lang namin malaman yun totoo, alam namin na SPOILED BRAT ka sa mommy mo na tuwing may umaaway sayo nag-status sya sa fb or baka sugudin kami dito sa school”At ilang beses nyo sinisigaw sa classroom na “Yun magnanakaw dyan painosente effect pa, bibigyan ko sya ng award MAGNACUMLAUDE” Dahil walang syang alam sa nangyayari nagtanong sya sa isa kaklase (alam mo na kung sino ka) kung sino yun sinasabihan at ang sagot mo sa kanya “SECRET”. Lagi kong sinasabi sa kanilang magkapatid na wag kukuha ng di nila gamit o pera di baleng wala kayo ng mga mamahaling materyal na bagay. Basta ang mahalaga di galing sa nakaw. Sana dinala nyo na lang sya sa guidance at kung may evidence kayo na sya kumuha ako mismo ang magdidisiplina. Ilang beses ko sya tinanong baka naman may ginagawa na kinaiinis nila. Tinanong ko sya bat di agad nagsabi na may ganong pangyayari sagot nya sa akin ” mommy kala ko kasi magiging ok na kami magbabago na sila”.

Alam nyo ba ano naramdaman ko halos di nyo ko pinatulog halos napuyat kakaisip na bakit nangyayari naman sa kanya ito. Pati ang Mama Alice nya sa Canada nag aalala sa kanya. Sinabi sa akin na bumili ng 10 pcs na correction liquid at ibigay dun sa kaklase para lang daw tumigil sila.  Tanong ko lang may alam ba kayo sa anak ko bat OVER PROTECTIVED kami sa kanya? kung bakit namin sya binubusog ng ATENSYON? simple lang naman yun reason “dahil ilang beses na syang nabully sa dati nyang school na halos ilang beses syang hampasin ng libro sa ulo at muntik na sya mahulog sa hagdan dahil tinulak sya nun kaklase nya, Ilang beses din natatapon ang pagkain nya sa lunch dahil sinasanggi ang upuan nya. Ilang beses din na di nya natatapos ang sinusulat o quiz nya dahil kinukuha at tinatapon nila ang ballpen nya”.

Alam nyo bang ilang beses akong kinausap ni joy na wag ng pumunta ng school dahil ayaw nya kayo mapahamak.Dahil kung gusto nya kayo mapahamak di tatagal na di namin nalalaman na may ganon na pala nangyayari. Ugali kasi niya ayaw nya ng rejection kaya kahit di na ok yun ginagawa sa kanya binabalewala nya na lang nakikisama pa din sya. Sana kung di nyo sya gusto RESPETO NA LANG sa amin kasi yun iba nakilala ko na din nun bday nya, wala naman kami pinakitang di maganda sa inyo at tao din namn sya nasasaktan di naman sya bato 0 manhid para di makaramdam. Madali syang kausap sabihan nyo lang ng maayos. Kung tutuusin mga ate at kuya na nya kayo dahil ahead kayo ng age sa kanya. Ako na lang saktan nyo sa akin nyo sabihin ako ang pag usapan nyo ako backstabbin nyo wag na lang sya. Hindi namin ginusto na umabot sa ganito ginagawa  lang namin ang dapat at tama, obligasyon ng isang magulang sa anak ang PROTEKTAHAN at IPAGTANGGOL kung alam kong nasa tama. Never namin itotolerate kahit sino sa kanilang magkapatid pag alam namin na sila ang mali at ang pinaka ayaw namin ay yun SINUNGALING AT MAGNANAKAW,kilala nila kami na talagang madisiplina kami pag dating sa mga ganon bagay. Kung sa inyo nangyari yan di rin ba ganyan gagawin ng mga magulang nyo?………………..

p.s

Thank you sa 1 sa 9 girls na nagsorry sa akin nun friday.

Advertisements

4 thoughts on “Ang Saloobin ng Isang Ina

  1. At least one said sorry… what about the others?

    pero alam mo, bothered ako dun sa “bullies.” made me think, anung upbringing ang ibinigay sa kanila ng pamilya nila? hindi na nakaka-distinguish ng tama o mali ang mga batang ‘to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s