Personal Musings / Status Updates

Root-Cause Analysis

Intro

Walang masyadong pinag-uusapan ngayon sa TV, Radio, Betamax, VHS at pati na rin sa social media kung hindi ang tungkol sa National Elections sa darating na buwan Mayo. Siyempre, next month na yun. Kumbaga sa isang estudyante na gumagawa ng ‘baby’ thesis, cramming mode na ngayon. Siyempre pati ako cramming na din. Eh last time na post ko e nung January pa yata. Lol. Para lang kahit papaano maramdaman ng mga napapagawi sa dakong ito na may tao pa rin sa blog site na ito kaya magpo-post ako. Sorry na busy talaga. Lurker mode lang ako nowadays.

Now back to topic. Sabi ng ilang pulitiko, kailangan daw puksain ang droga at krimen para umunlad ang ating bansa. Kasi daw, kapag nawala ito, mas mararamdaman ng tao ang kaligtasan sa anumang oras kaya mas magiging positibo ang epekto nito sa mga mamamayang Pilipino. May nagsabi rin na dapat unahin ang korapsyon. Kasi daw, kung uunahin ito, magkakaroon na ng nararapat na pondo ang mga proyekto at inprasktraktura na makakapagbigay ng ginhawa sa mga tao. Ilan din sa suhestyon ay ang tulungan ang mga mahihirap at palaguin ang agrikultura. Dahil dito daw natin makakamit ang ating ‘sustainability’ bilang isang bansa.

Hindi ko sinasabing mali sila at tama ang mga susunod na sasabihin ko. Sino ba naman ako at isa lang naman akong simpleng mamamayan. Pero ano nga ba ang totoong problema ng mga Pilipino kaya hindi tayo umuunlad? Para sa akin kasi, yung diwa nating mga Pilipino.

Sea of Change

Nakakatuwa isipin na may malaking grupo ng mga Pilipino na sawa na sa pagtitiis at gusto na ng pagbabago. Gusto natin ng pagbabago pero natanong ba natin sa ating mga sarili kung kaya ba nating magbago?

via 9Gag

via 9Gag

Marami na akong post tungkol sa nasyonalismo. Isang bagay na nawawala na sa karamihan sa atin. Nauuna kasi ang ating mga sarili bago pa ang iba na sa madaling salita ay matatawag nating kapwa Pilipino. Kung iisipin mo, ito naman talaga ang dahilan na kung bakit may nangungurakot, may nagtatanim ng bala at pati sa simpleng pagsingit sa pila ng MRT o kaya pagtawid sa kalsada na naka-pula ang signal. Friendship, isipin mo ang nasyonalismo. In other words, pagmamahal sa bayan.

Yun nga lang paggalang sa ating watawat na simbolo ng ating pagka-Pilipino ay hindi na naiintindihan ng karamihan sa atin. Ginagawa pa ngang ‘mop’ sa isang silid-aralan sa isang kolehiyo e. Maiintindihan ko pa kung hindi ka nagsa-sign of the cross o kaya naman ayaw mong kumain ng baboy at dinuguan dahil alam ko na pwedeng magka-iba tayo ng relihiyon. Pero hindi ko yata matatanggap na hindi mo mailagay ang kamay mo sa dibdib mo kapag inaawit ang ‘Lupang Hinirang’ dahil alam ko na pare-parehas tayong Pilipino.

Kahit sino pa ang ilagay mo na Presidente dyan sa Malacanang, kahit pa si Jesus Christ, e walang kwenta kung sa puso mismo ng mga nasasakupan nito ay wala na yung diwa ng pagka-Pilipino at yung kagustuhang magbago.

Outro

Gusto ba talaga nating magbago? Sakripisyo para sa bayan ang kailangan.

via Google

via Google

Next Post: Bakit ko iboboto si ….

Advertisements

4 thoughts on “Root-Cause Analysis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s