News and Information / Status Updates

Bakit ko Iboboto si Duterte?

Eleksyon na sa Lunes. Hindi na ako magpapaka-Political Analyst dahil wala rin naman akong malalim na kaalaman dito. Tanungin niyo na ako tungkol sa programming, software development life cycle at system architecture at mas masasagot pa kita ng mas maayos. So sa mga susunod kong mga isusulat, ito ay nagmumula lang sa isang simpleng mamamayan na may simple lang din na pananaw kung bakit ko iboboto si Mayor Rodrigo Duterte bilang susunod na presidente ng Pilipinas. Katulad ng sabi ng iba, “save me from my ignorance”.

1. He uses the Philippine flag. Kung naaalala mo lang ang ating watawat tuwing independence day o kaya naman tuwing may prusisyon ng mga bata para sa United Nations Day, eh insert profanity here no comment na lang. Our flag is the number one symbol we have beng Filipinos. Kaya nga pagdating sa din Olympics at iba pang international events, we are known to be Filipinos because of our flag. If there is one thing that can unite us, then that is our flag. Different dialects, different religions, different culture and tribe but we are all Filipinos who should be looking up to one flag. So kung ang isang lider ay ginagamit ang simbolong ito para pagkaisahin ang bansa niya, alam ko na alam niya ang kanyang ginagawa.

2. Ayaw ko sa epal. Kung nakatira ka sa Quezon City, alam mo kung gaano ka epal ang lungsod na ito. Mga government vehicles at mga government facilities and structures ay may mukha o pangalan ng mga politiko na mas malaki pa doon sa titulo ng kung para saan iyon. Pati nga mga poste at mga outposts kailangan may initials ng kung sino mang politiko iyon. Nakaka-urat lang dahil kung tutuusin, sa taumbayan naman nanggaling ang panggastos nito at malamang sa malamang, pagkatapos ng termino ng politikong iyon, isa pang gastos para alisin at palitan ang mga ito.

Sa kaso ng Davao sa pamumuno ni Mayor Duterte, walang mukha o pangalan na makikita sa mga facilities at government vehicles. Ayoko na mag-explain.

3. He leads a simple life. Alam naman natin na karamihan sa mga gustong maglingkod sa gobyerno ay hindi naman talaga pagilingkod ang gustong gawin. Kung nagkataon na ibang tao siguro itong si Mayor, malamang may higit pa sa kung anong meron siya materially ang nasa kamay niya ngayon. Sa haba ng termino niya, malamang de-mansyon na iyan.

Isa lang din na pinagtataka ko, kung meron man ako na 200M petot, pucha gagamitin ko yan. Regardless kung ninakaw ko yan at lalo na kung pinaghirapan ko yan. Tignan niyo na lang sila Napoles, they are living the fullest of their lives until sumabog yung PDAF Scam case. Para sa akin, bakit ako magpapakahirap na magnanakaw kung hindi ko rin naman pala gagamitin? Kung may 200M ako, bakit ako magtatyaga na tumira sa isang simpleng bahay at gumagamit ng donated na second hand taxi.

4. Gago siya. At aminado siya dun. Alam nating gago si Mayor Duterte at hindi mabuting ehemplo sa mga bata. Pero mas gusto ko na alam ko pero kesa dyan sa iba na akala mo santo pero kung magnakaw behind your back e halos magkamukha na sila ni Satanas. Parang sa isang simpleng sitwasyon sa magkakaibigan. Gusto mo ba ng isang kaibigan na may iilang masamang ugali kesa sa isang mabuting kaibigan na sa huli ay maalaman mo na pinaplastik ka lang at binebenta sa iba.

I can tolerate those flaws Mayor have. What I can’t tolerate is a government that rapes me everyday.

5. Umiiyak siya. Hindi ko alam kung mahina lang ako bumasa ng emosyon ng isang tao pero kapag nakikita ko na umiiyak si Mayor, taking note yung aura niya na matikas na lalaki, nakikita ko sa kanya ang sincerity niya sa kanyang mga salita. Those interviews for the Yolanda tragedy pati na rin yung sa pagka-overwhelm niya sa suporta ng mga tao, he never hid his emotions and cried like a baby. And I told myself that this man is really sincere. Although alam naman natin na he is beyond that. He already did what he had to do during those Yolanda days na pwede nating sabihin na it is beyond the call of his duty. Ayoko na lang dagdagan pa ito kasi alam niyo naman ang mga sumunod pang mga detalye (see Anderson Cooper).

6. The people looks up to him. Nung hindi pa nagdedecide si Duterte at pabebe mode siya kung tatakbo ba o hindi, si Miriam ang second choice ko. But between the two, ang lamang ni Duterte ay mas nakaka-relate ang madlang people sa kanya kesa kay Miriam. Being a leader myself in my profession, kailangan din na characteristic mo e yung charm. Charm to make the people follow you. Non-sense din naman na maging leader tapos against din sa iyo yung mga constituents mo. I know Miriam is equally capable as a leader. It is just that I believe Duterte has the charm a leader needs.

7. Ganito kami sa Davao. I am not from Davao and have never been there. From what I was able to know about it, I want it also to happen in my place. Alam ko naman na joke time yung sinasabi ni Duterte na 3 to 6 months ay wala ng crime at drugs. Pero I do not mind if it takes longer than that, just like what Richard and Maricar said. Ang mahalaga naman, someone is determined to do it. Sa ngayon kasi, sa mismong community mo na lang e natatakot ka na para sa safety mo. I am sorry pero I can’t see right now that the government is doing something, on a large scale, about the crime happening in the country right now. Along with my vote, I know that Duterte can make a big difference.

8. He acts stupid. During debates and interviews, mapapansin mo sa kanya na laging nagdyo-joke at hindi serious on his statements. But if you will read between the lines pati na rin sa mga times na seryoso siya, you can find that he is not stupid at all. I know he is an intelligent person. Remember the time when he asked Poe what she will do if one of our boats gets destroyed? How about when he asked Santiago, ‘how are you today’? Looks simple but if you would digest it, malamin at direct to the point ang questions na iyon. Think about also when he answered that he will go to the shores of Spratly’s and plant our flag there. I will just give this for you to think about.

9. Ayaw ko kasi manalo yung iba. If this is a battle between evil forces, I will pick Duterte as the least evil. And since this is not about throwing stones to each other, kayo na ang bahala kung ano ang reason ko kung bakit ayaw ko manalo yung other presidentiables. Well, except Miriam. Kung wala yung dalawa, baka hindi na lang ako boboto for a president.

Nakakatuwa yung overwhelming support ng mga tao kay Duterte now. Sana lang, huwag natin iasa sa kanya ang lahat. Ang pagbabago ay hindi naman nagmumula sa kung sino ang iboboto natin. Dapat magsimula yan sa sarili natin. Nakakalungkot na marami ang gusto ng pagbabago pero ayaw din naman magbago. Kahit sino pang presidente yan, kung wala pa ring disiplina ang mga tao, wala ring mangyayari.

After all this, nasa decision pa rin natin kung ano ang ibibigay nating future sa mga anak natin. May the best presidentiable win.

Advertisements

4 thoughts on “Bakit ko Iboboto si Duterte?

  1. Gusto ko yung “ayaw ko manalo yung iba” grabe especially Mar! Reminded ako everyday what kind of a failure he is pag nag MRT ako!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s