News and Information / Personal Musings

Ayun Lang

As a Catholic my whole life, I was taught na masama ang kumuha ng buhay dahil alam naman natin kung kanino ito nagmula. Siya lang din ang pwedeng mag-withdraw nito sa atin. Ayoko nang ituloy-tuloy pa ito sa isang moral at religious teaching kasi nga kahit ako ngayon ay troubled ang religious inclination. Intact pa rin naman yung faith, yung religion lang talaga. Ikaw ba naman makarinig ng sunod-sunod sa mga misang inaatendan mo condemning the killings at yung paulit-ulit na pag-iinsist ng mga pari na blessed yung mga nagdo-donate sa simbahan. Those few lines I know are not to be proud of.

Jennelyn Olaires, 26, cradles the body of her partner, who was killed on a street by a vigilante group, according to police, in a spate of drug related killings in Pasay city, Metro Manila, Philippines July 23, 2016. REUTERS/Czar Dancel (http://www.reuters.com/article/us-philippines-drugs-death-idUSKCN10B03D)

Jennelyn Olaires, 26, cradles the body of her partner, who was killed on a street by a vigilante group, according to police, in a spate of drug related killings in Pasay city, Metro Manila, Philippines July 23, 2016. REUTERS/Czar Dancel (http://www.reuters.com/article/us-philippines-drugs-death-idUSKCN10B03D)

Hundreds of lives are now taken in this so called ‘Drug War’. I must admit that I am PRO with what’s happening BUT NOT on everything. Taliwas man dun sa kinalakihan nating aral pero kung iisipin mo na minsan ay kailangan din talaga na kumitil ng buhay. Hindi pa naman ako nakakaranas ng isang krimen na may sangkot na kawalan ng buhay pero aantayin ko pa ba o gugustuhin ko pa ba na malagay sa ganung sitwasyon? Alam naman din natin na walang magandang maidudulot ang droga na yan sa ating buhay at mabuti na rin na sumuko na yung nasa mahigit isang daang libong mga drug users. Pero narinig ko sa isang speech ni Mayor President na base daw sa statistics noong 2014 ay may tinatayang 3.5 million drug users sa Pilipinas. Yung paglaban sa droga ay hindi rin naman mapagkakailang naka-apekto sa pagbaba ng mga petty crimes dahil syempre yung majority ng mga gumagawa nun e mga adik din naman.

Now to point out what I don’t like in what is happening right now, I have them below:

1. Yung mga nanlaban daw. Siguro nga may nanlalaban talaga. Pero naniniwala pa din ako na majority ng mga nanlaban ay hindi naman talaga nanlaban at ni-rub out lang. Kumabaga, nilagay na lang sa tahimik. Pinatahimik para hindi na ikanta yung mga drug connections nila sa taas. Lalong lalo na kung mga pulis din yung involved. Suggestion ko nga, dapat may GoPro yung mga pulis kapag may operation, para may justification talaga kung nanlalaban talaga o hindi yung mga hinuhuli nila. Kapag walang ebindensya it means rub out. Hindi mo rin masisisi yung mga galit na kamag-anak ng mga napatay. Totoo man o hindi na pusher yun, they should have excercised maximum tolerance. Lumalabas tuloy na hindi maayos ang pagpapalaki sa mga men-in-uniform. Ito rin yung sana ginawa dun sa isang nanlaban daw na motorista sa EDSA na binaril na lang ng isang Highway Patrol ng 4 na beses.

2. Yung mga pusher daw. Hindi rin ako naniniwala na lahat nung mga pinapatay at itinatapon na lang sa lansangan na balot ng masking tape at may karatulang Pusher ako huwag tularan ay talagang mga pusher. Posible rin naman din na involved din ito sa drugs na pinatahimik na rin. Pero to think na ganito kalinis yung trabaho e maihahalintulad mo na ito sa organized crimes. Kasi nga hindi yan magagawa ng isang normal lang na ‘vigilante’. Others suggest na plot din ito ng mga kalaban ni Mayor President para i-blame sa kanya yung mga ganitong summary executions. Well, I don’t know pero as much as possible sana dumaan sa tamang proseso. I would still want this vigilantes pay for it.

3. Yung mga civilian casualties. Sila yung mga either nalagyan lang ng placard na ‘pusher ako’ o kaya naman tinamaan lang ng ligaw na bala o posibleng binaril din dun sa mga operasyon. Wala na lang akong masabi.

I agree that these people have to be killed IF NEEDED. Pero sana naman papanagutin din yung mga nage-execute ng mga operations beyong the rules of law. Kahit pa pulis, militar o vigilante pa yan. Ayun lang talaga.

Advertisements

16 thoughts on “Ayun Lang

    • The guy(s) should be penalized. Kahit pa malakas at malaki yung tao, nakaposas na yun sa likod e. Isa pa, kung gusto lang nila i-contain, why not shoot him in the legs or somewhere not critical. WTF.

  1. The way the Philippines is being run now is sometimes the topic of talk shows here in the US….. vigilante killings are never a good thing…. all the government has to do is arrest and prosecute… the government and the law enforcers should do their jobs of looking and arresting the suspects. The police are not executioners. Execution on the streets…. it’s disgusting.

    • I agree. The police are saying that they killed the person because he either resisted arrest and grabbed arms OR shoot back at them. Unfortunately, it wasn’t confirmed. Likely they just executed the person.

    • I’m doing my best to promote the country on my blogsite, but how can I do that when now everyone is telling me they’ve heard stuff about the new president, and he’s promoting executions on the streets. What if the police or plain killers just shoot innocent people ,and throw in a note that he’s a drug pusher, or a person has a disagreement with another and kills that person and defends himself by saying the victim is a drug pusher. When will that end ?

    • I know it is contrasting to say but personally I believe what is happening now is better than the previous administrations the Philippines has. I rather have Duterte than someone who looks and speaks intelligent but behind the scenes leaking a lot of the people’s money in his own pockets and betrays public trust. I know this is not the ‘peace’ we wanted and there is so much still to do.

  2. dati hindi ko alam bakit kailangan na paghiwalayin ang estado at simbahan. Subalit sa ilang aspeto kailangan manindigan para sa alam mong tama, period. Subalit, iyong “tama” ay maaaring hindi totoo sa marami, baluktot, o may bahid din ng pagkakamali.

    sa akin, ibang bagay na ang paninindigan sa populasyon at kriminalidad sa relihiyon. magkaiba rin naman ang relihiyon sa pananampalataya ( faith). Hindi lahat ng nakatira sa Pinas ay nasa iisang relihiyon. Kung mali na rin ang ginagawa sa pagsugpo ng kriminalidad, dapat ding asikasuhin na yan.

  3. ang malungkot dito, it seems na wala yung expected na outcry from a shocked public. apparently, hindi shocked ang public sa almost 1,000 deaths na (and counting). more chilling, mukhang approved pa ng marami yung policy of EJKs 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s