Activities and Hobbies / News and Information / Personal Musings

Pokemon Malaki

Ayoko man na dagdagan pa yung newsfeed ninyo sa Facebook tungkol sa Pokemon GO pero magpo-post pa rin ako. This app has hit the world by storm pero kasama ako dun sa 1% (daw) ng population na hindi naglalaro nito.

Wala ka lang alam sa Pokemon kaya ganun.

Way back in the 90’s, isa ako dun sa mga batang sumubaybay sa hit series na Pokemon o Pocket Monsters sa GMA7. Hindi ko na alam kung anong araw o oras ito pero feeling ko tuwing Friday night ito, yata. Naalala ko pa noon na bago pa man maipalabas ang Pokemon sa atin e may lumabas na balita na may isang cartoons (hindi pa anime ang tawag sa ganito noon) daw na nagko-cause ng hypnosis at seizures sa mga batang nakakapanood nito. Well, Pokemon ang tinutukoy dito at yung instance na paglabas ni Mweoth daw ang usual trigger. Sa Japan nag-originate yung balita na iyon at kayo na lang ang humusga.

Dati nga kabisado ko pa yung rap sa closing song ng anime pati yung paghula dun sa Who’s that Pokemon?. At sa pagkakatanda ko, pati yung numbering ng mga pokemon from 1 (Bulbasaur) to 151 (Mew) kabisado ko rin.

Weh, di nga?

Ang paborito ko nga na Pokemon e si Bulbasaur. Ironic kasi takot ako sa mga bullfrog, lol. Gusto ko siya dahil si Pikachu ang bida at gusto ko yung mga supporting characters lang. Mas gusto ko na wala sa spotlight. *Teka lumalayo na sa topic*

Basta ayun si Bulbasaur ang gusto ko kesa kay Charmander at Squirtle. Kakaiba kasi e. Plant na, dinosaur/frog pa. Kaya nga pati nung panahon pa na ang uso ay Counter Strike at Diablo 2, Bulbasaur na yung IGN ko sa computer shops.

Astig kaya ang gameplay ng Pokemon GO!

Dahil si Bulbasaur ang favorite ko, tinapos ko yung Pokemon Green. Hindi ko na maalala kung natapos ko rin yung Pokemon Yellow pero sure ako na nalaro ko din yun. After nun, hindi na ako nakapaglaro pa ng succeeding games. Maybe I have grown out of it given na complicated na rock-paper-scissor lang din ang gameplay ng Pokemon. In terms naman ng battle sa Pokemon Go, I just feel na ito yung biggest turn off. Given na yung battle ang isa sa pinaka-essence ng Pokemon, sana nag-invest ng time yung developers on this. They should have even used the old formula used in the handheld games and this could have been way better.

All else, maganda yung concept at malaki yung market. Slash GG para sa Niantic at Nintendo.

Wala lang Pokemon GO sa Windows Phone (mo)!

Yes wala pero ni-try ko din siya sa android phone ni Jonalyn. Nahuli ko lang yung unang Pokemon tapos tapos na. Isa pa, super kinain na ng gaming ang oras at buhay ko. Just think na may iPad, Playstation Vita, Playstation 3 at PC (Steam) kami. Buti nga wala pang Final Fantasy XV or Battlefield 1 PS4 bundle kaya hindi pa ako bumibili, lol. As much as possible nga gusto ko na matanggal muna yung mobile gaming at bumalik sa pagbabasa ng libro. Ang dami ko na ring backlogs ng mga librong kailangang basahin.

Basher ka lang ng Pokemon GO!

As I have said, I love Pokemon. Sabi nga nila, to each is his own. Kaya nga love its other haha. Kung saan kayo masaya dun kayo. Ingat lang sa paglalaro baka matulad kayo dun sa nabalitang nanakawan ng cellphone at yung isang nag-car crash dahil sa Pokemon GO. Naalala ko tuloy nung isang gabi, yung kasakay ko sa FX bumaba pa sa isang lugar na hindi usual na binababaan. Nakita ko kasi sa screen ng phone niya na may Pokemon Gym dun sa lugar na yun kaya ayun bumaba si kuya.

Venusaur from Pokemon Wikia

Venusaur from Pokemon Wikia

Isang araw pumunta ang isang lalaki sa mall at nakita niya ang isang life size na Pokemon na nakadisplay sa isang store. Dali siyang lumapit sa saleslady.
“Ate, magkano yung Pokemong malaki?”
Bigla siyang sinampal ng saleslady ng marinig ito.

Advertisements

26 thoughts on “Pokemon Malaki

  1. “pokemong malaki” wahaha!! fan din ako ng pokemon dati sa GMA. yes, tuwing friday un at kabisado ko rin halos lahat ng original na pokemon. gumagawa pa nga ako ng puzzles para sa classmates ko tapos puro pokemon ang bida hehe. di rin ako naglalaro ng pokemon GO.. e kasi sira phone ko! pero curious ako at malamang maglaro din ako pag may bago na kong phone. although parang di ko rin trip kasi kelangan may internet habang naglalamyerda e di naman ako ganun. ayoko ng mga online games sa phone. hmm.

  2. Natumbok mo yung sa Friday night, sapagkat tuwing Biyernes ng gabi nga ipinalabas ang Pokemon noon. πŸ™‚

    Kung hindi ako nagkakamali, yung time slot na 7:30 ay dating sa Voltes V. Parang naging issue din iyan around that time, kasi yung mga dapat na last episode ng Voltes V ay ginawang pelikula (Voltes V: The Liberation) at ipinalabas sa Sunday night timeslot. Kumbaga, minadali yung airing para ibigay sa Pokemon ang oras (kasunod noon ang Fushigi Yuugi pagsapit ng 8:00).

    Yung sa epilepsy naman, sanhi daw yun ng Thunderbolt attack ni Pikachu doon sa mga parang obstacle…ayun, nasira nga ang obstacles sa episode, pero tinanggal na rin ang naturang episode para hindi na madagdagan ang mga nagsi-seizure.

    • akala ko nun si Mweoth ang dahilan dahil dun sa coin sa ulo niya. pero parang na-cut din yata yung anime sa GMA 7 kasi parang bitin o bigla na lang nawala (o baka yung memory ko lang yung nawala haha).

      kung tutuusin mas ok pa yata nung panahon na yun. anime lang ang iniisip ng mga bata. ngayon since puro teleserye na, puro kalandian na yung naiisip ng mga bata. tayo noon pokemon lang. ahaha.

    • Binitin talaga, parang yung mga anime titles nilang pinalabas pero hindi naman tinapos. 😦 Ginagawang filler ang mga anime series kapag wala pang teleseryeng naiisip ang creative team nila.

  3. Ako hnd naglalaro ng pokemon go. Pero noo nalaro ko na yung (yung hnd pa siya naiintroduce sa PH) ang ayaw ko lang sa game na ito mabilis maubos ang batt dahil sa gps. Kaya ko siya tinigilan. Hahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s