Activities and Hobbies / News and Information

TNC Pro Team

Marami ang hindi nakakaalam sa atin (o sa inyo) tungkol dun nangyayaring sagupaan sa madaling araw kasama ang ating koponang Pinoy (o PEENIOSE ayon sa mga dayuhan) laban sa mga dayuhan sa pamamagitan ng keyboard, mouse at monitor. Well, ang tinutukoy ko e yung team ng TNC Pro Team (o Protein sabi ng mga dayuhan) na nagrerepresenta sa ating bansa sa larangan ng DotA sa nagaganap ngayong The Internationals 6 (TI6). Sinabi ko naman na madaling araw kasi ba naman, panalo ang schedule ng laban dahil madalas, 12:30am ng umaga ang laban kasi nga sa Key Arena sa Seattle, Washington ito kasalukuyang nagaganap.

Masasabi ng ang pinakamalaking tournament sa DotA ay itong TI. Hindi ka man nakaka-relate sa eSports e siguradong makakarelate ka kung sasabihin ko sa iyong ang total na premyo sa palarong ito ay $20 million mahigit. Bali kasi yung magiging champion dito, mananalo lang naman ng $8 million something at yung runner-up ay $3 million something din. Hanggang sa weekends pa yung labanan na ito at marami ang nagulat dahil may lifeline pa ang ating koponan na TNC Pro Team matapos nitong talunin kamakalawa ang OG ng Europe (yung ABS-CBN news sabi galing America lol).

The Internationals 2016 (TI6)

The Internationals 2016 (TI6)

Ang totoo, bago ko pa narining yung nangyayaring tournnament na TI6 na ito, hindi ko talaga kilala ang TNC. Nahagip ko na ito sa mga memes sa Facebook pero hindi ko lang din pinansin. Sinubukan kong hanapin kung ano ang ibig sabihin ng TNC pero wala akong makita. Lol. Dapat yata TFC. Binubuo ang TNC ng 4 na pinoy at yung kakasali lang nilang lider na imported from US.

TNC Pro Team (L-R): Carlo 'Kuku' Palad, Marc Polo Luis 'Raven' Fausto, Nico Manalaysay 'eyyou' Barcelon, Samson Solomon Enojosa 'Sam_H' Hidalgo and Jimmy 'DeMoN' Ho.

TNC Pro Team (L-R): Carlo ‘Kuku’ Palad, Marc Polo Luis ‘Raven’ Fausto, Nico Manalaysay ‘eyyou’ Barcelon, Samson Solomon Enojosa ‘Sam_H’ Hidalgo and Jimmy ‘DeMoN’ Ho (Team Captain).

Nagkaroon pa nga ng problema ang koponan na ito nung muntik hindi umabot ang kanilang Visa papuntang Amerika para sa laban na ito. Isa din na nabasa ko ay notorious din pala itong si Jimmy Ho sa kanyang unprofessionalism na karamihan sa mga kilalang team ay iniiwasan siyang kunin. Wala rin siyang permanenteng team at palipat-lipat lang kung saan pwede hanggang dumating ang TNC para bigyan siya ng break. High risk player siya kumabaga. May pagkakataon daw na may laban yung dati niyang team pero hindi siya nagpunta, dahil daw may kikitain siyang kaibigan sa gym. Sa kabila ng mga istoryang ito tungkol sa ‘Classic Jimmy’ ay kabaligtaran ito sa ipinapakita niya para sa TNC bilang kanilang team captain. Yung experience at leadership ang ibinigay ni Jimmy sa pinoy team na sinuklian naman nila ng trust condom.

via DotA2 Reddit

via DotA2 Reddit

Anyway, marami ang nagulat sa DotA community ng matalo nila yung OG, na hindi ko rin makita kung ano ang meaning (Original Gangsta yata), na lumabas na pinakamalakas ng team sa tournament na ito. Iyak tawa tuloy yung mga pumusta sa kanila at mukhang walang tumama sa prediction kung sino ang mananalo sa labang ito. Ultimate Upset ika nga nila, na ang isang underdog ang tumalo sa known team at crowd favorite. Ayoko nang ikwento kung anong nangyari sa laban dahil technical na usapan na yun. Panoorin nyo na lang sa baba kung makakarelate kayo. Note: tawa ng tawa si Jonalyn kagabi sa mga Mineski casters na iyan.

Dahil sa pagkapanalo na iyan, guaranteed na yung P23 million na maiuuwi nila. Pero hindi pa tapos ang laban at pwede pang tumaas yan kapag umani pa sila ng mga panalo. Siguradong mala-Pacquiao (na confirmed na may boxing match this year at possible din next year yung binoto ninyong idol) ang laban nito laban sa Digital Chaos ng America mamayang 1:30am ng madaling araw. Team Replay, Team Bahay mode lang kami ni Jonalyn nito. Kaya good luck TNC! #LabanPinas

TNC vs BIR

TNC vs BIR

Advertisements

15 thoughts on “TNC Pro Team

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s