Life and Family / Status Updates

Subliminal Message

Medyo maraming tao kanina sa abangan ng jeep kaya nagdesisyon akong mag-taxi na lang kami ng anak kong si Audrey Joy. Male-late kasi siya kung maghihintay pa at ako naman ay may i-interview-hin pang aplikante sa opisina.

Tuwing umaga ay may nag-aabang na sa lugar namin na mga taxi na magsisimula pa lang na bumiyahe kaya hindi na kami maghihintay pa. Nauna akong sumakay kay Joy kasi siya naman ang unang bababa sa school nila at ako naman sa MRT pa (mag-u-ultimate warrior mode pa). Pagkasakay ko pa lang sa taxi ay may narinig na akong nag-crack na tunog sa upuan. Hindi ko na lang ito pinansin.

Habang umaandar na yung taxi, hindi pa nakakailang metro ay kinapa ko ang parte ng pantalon ko na hindi ko ma-google kung anong tawag. Yung cracking sound pala na narinig ko e napunit lang pala yung pantalon ko. Ito yung dahilan kung bakit ako late kanina kasi umuwi ako ulit para magpalit ng pantalon.

Nagulat na lang si Joy nung sinabi ko na kailangan kong bumaba at sabay abot ng isang daang piso na dapat pamasahe naming dalawa. Bumulong ako sa kanya, “Nawarak yung pantalon ko”.

Feeling ko, gusto na ring sabihin ng pantalon ko na, “Magdiet ka na at magwork out”.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s