Personal Musings / Religion

Ama Namin

Nami-miss ko na yung mga panahon na mag-i-introduction na yung pari sa simbahan para sabihan yung mga tao na magholding hands at simulang magdasal ng “Ama Namin” o “Our Father” kapag English yung misa. Naaalala ko noon, lalo na tuwing simbang gabi sa may amin (doon kasi madaming tao na nagsisimba), ay magko-cross pa sa aisle yung mga tao para hawakan yung kamay nung nakaupo sa kabilang gilid ng simbahan. Ngayon, kung sino na lang yung kasama mo ay yun na lang yung hahawakan mo ng kamay. That is unless chikababes yun nasa katabi mo na kahit hindi mo kakilala e i-offer mo yung kamay mo.

Nitong Sunday lang, nagsimba kami dun sa may Our Lady of Anunciation Parish sa may Mindanao Avenue. Trapik dun kapag may misa. Maaga kami para sa kasunod na misa kaya nakapuwesto kami sa may malapit sa electric fan. Nagsimula na yung misa ng may dumating na isang pamilya na galing sa ibang lahi. Ang ibig ko lang naman sabihin e, ‘black’ yung family nila. Hindi ko lang alam kung galing ba sila sa America o sa mga bansa sa South Africa. Tatay, nanay at tatlong anak silang nagsimba. Ang ipinagtataka ko lang talaga noon ay sa Filipino yung pinuntahan nilang misa. Ang alam ko kasi sa OLAP, alternate yung English at Filipino na misa.

Then comes this magto-tropa na tatlong babae at isang lalaki na boyfriend nung isa. Yung mag-jowa, doon umupo sa harapan na upuan ng mag-a-ama. Yung natirang dalawang babae, doon naman umupo sa likod nila, na katabi ng mag-anak. Yung anak na katabi nila actually ay mas matangkad na sa kanila. Mga nasa 15 na siguro yung edad nung batang lalake. Walang ibang ginawa yung apat na ito kung hindi ang magbigay ng estranged looks against sa pamilyang katabi nila. Akala mo kung sinong nabuhusan ng kagandahan nung nagsaboy ang langit. E ang kaso, hindi. In short, kagandahang ‘no comment’.

This has gone on and on for the whole mass until the ultimate moment: yung dadasalin na yung ‘Ama Namin’. Syempre, holding hands yung mga mass-goers dun sa mga kakilala nila. Tapos ang ginawa nung apat na lahi ng kadiliman, magkaholding hands sila na tiga-lawa sa katabi nila tapos nag-cross dun sa harapan na upuan yung kamay nila. Mukhang tanga and at the same time, offensive. Jonalyn and I simply shook our heads and raised our brows on them. Nagsisimba ka nga kaso kung ganun lang din ang ugali mo e para saan pa yung pagsisimba mo. Yung mas maitim pa yung budhi mo sa kulay ng balat ng katabi mo.

Hay, no comment.

Advertisements

8 thoughts on “Ama Namin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s