
Pero meryenda mamaya Quarter Pounder, Large Fries at Monster Coke Float.
Hindi naman talaga ako mataba. Hindi rin ako defensive. Hindi talaga.
Lumalaki lang talaga yung abs (abs talaga) ko. Pero alam ko hindi ito taba. Kasi nga parang nagche-check ako ng isang pakwan kung mahihinog na kung pitikin ko yung abs ko. Hollow ang tunog. Ang tawag daw dun, bloated. Ayan, hindi ako mataba, bloated lang.
Problema ito ng karamihan sa mga kalalakihan. Marami ng remedies dyan na mababasa mo sa internet (it must be true). Ikaw na lang bahala kung ano magwo-work sa iyo. So far, oatmeal ang nagwowork sa akin ng mabilisan. Since a few weeks ago, lumaklak na ako ng isang gallon ng Yakult pero hindi ko masyadong maramdaman yung pagkikipaglaban ng mga probiotics bacteria versus bad bacteria. May side effect lang yung oatmeal, naging ututen ako. Hahaha. Kaya lumayo kayo sa akin. Nagbabawas ako ng hangin sa tiyan.
Pero isa pang wish din na sana makabalik na yung katawan ko sa workout routine ko. Totally wala na akong workout sa buhay except yung pag-akyat sa MRT Station at sa Ultimate Warrion na pagsakay ng tren.
Kaya goodluck na lang sa atin. Change is coming.
Hahaha ako naman, nag-start ako mag cardio workout nung Sunday. Sana tuluy-tuloy na. #ParaSaPagbabago
Liked! #SupportGroup
At dahil diyan, makagawa nga ng post.
Go, go, go! Lagyan mo na rin ng pic.. yung before and after.. mga after 3 months? hehe 😀
In three months, I just lost 90 days!
Bwahahaha! Natawa ko dun! Galing, galeng!
OwO akin lalo nang bumibilog chan ko hahahaha 😛
Ang ginagawa ko naman is gradual reduction ng calories, kaso… I always fail Q.Q lol 😛
Akala ko about Duterte. Akala lang pala. Hahaha
Nakakagutom po yung username nyo. For real!
resolution before new year ang posts ngayon… exercise, diet, etc… hehehehe! nawa effective. 🙂 meron din akong isang malaking AB! (isa lang naman eh) hahahahha!
Hahaha. I feel you. Yung diet ngaun. Bukas lamon. Waley ang balik alindog life goal.
I. must. not. give. in.
hahaha.