*ends the two month hiatus*
Hindi ko alam kung nakita na ninyo itong Formspring dati. Actually, isa siyang social media platform kung saan pwede kang magtanong ng kahit ano sa isang ‘social person’ na pwede pang anonymous ka. Dahil nga sa ganitong aspeto ng website na ito kaya ito ay hindi na nag-e-exist ngayon. Lol. Naging medium kasi ito para sa pambubully dahil nga sa anonimity ng mga nagtatanong sa isang tao.
Itong nasa baba ay yung dati pang tanong sa akin na wala na akong chance masagot pa sa formspring kaya dito na lang.

1. Hindi pa ako nahuhuli sa pambababae. Contrary to that, nag-confess ako instead. Siyempre gusto natin na malinis ang ating puso at relasyon kaya umamin ako. Well, thus this post.
2. Hindi ko alam sa iba. Pero noon, siguro for the excitement and just the adrenaline rush of it kaya ko nasubukan. Iba iba naman kasi ang pwedeng reason per person. Majority of it could be of lust or sex and it could be something as hindi nila talaga mahal yung taong kinakasama nila. Siguro ngayon, wala na epekto sa akin. I know I would still ‘look’ towards a beautiful or sexually attractive woman pero hanggang dun na lang yun. Na-realize ko kasi dahil sa nangyari dun sa number 1 question na, walang sense of contentment kapag walang ‘love’ na involved.
To end this quick post, pakisagot naman itong tanong ng isang taong napadpad sa blog ko na ito.
*hopefully mabigyan ko ulit ng mas active na posting ang blog na ito lol*
Hahahaha! Tawang-tawa ako dito. Hindi ko masasagot yang tanong niya, pero I guess itago natin sa pangalang Bogart. Napapaisip parin ako, maliit na tao pero may pimples at payat. Hahaha
Yung sa question kung bakit nambabae ang lalake? Hmm, gusto kong tumawa ng malakas. Sana rin, mabasa niya ito (at alam kong mababasa niya) dahilan lamang ay: Lust or kamanyakan.
Sino ba dapat makabasa? haha. Jowa mo?
Ay hindi po. Hahaha mabait po ang jowa ko. Ex ko po ang sinasabi ko. Hahahaha
May Formspring din ako dati! Hahahaha
Dito ko lang din nakuha yung sa ibang mga bloggers.
Hindi ko masagot Cheesecake Q.Q hahahaha 😛
baka masabihan tayong bully?
uu? hahahaha 😀
PANGET ang sagot dyan! (kasi ganyan po ang description sakin wahaha)
Naalala ko rin na nagformspring din ako nvng bata ako, parang ask.fm po yan di ba?
Uu same sila pero wala akong Ask na account.
Ano ang magandang paraan para magkaroon ng abs
magdiet at exercise hahaha
from the first question: nahuli ka na bang nambababae..
Napaisip ako bigla.. Hala! Ang galing. lalaki pala ang blogger na tong si Cheesecake 😀 Akala ko babae. Haha medyo girlish kasi yung cheesecake pero ang astig nung post mo tol ha 😀
chocolatecake yung partner ko 😛
so cheesecake, lalaki ka nga? 🙂 tapos si chocolatecake, babae? tama ba? hehe
yep yep