TV and Movies

John Wick Chapter 2

Babala: Maraming spoilers na parang hindi naman spoiler.

Kung hindi ninyo pa napapanood yung John Wick Chapter 2, malamang ito-torrent niyo na lang iyon o maghahanap sa internet kung saan pwede mag-stream. Kasi nga pang ikatlong linggo na yata nito sa sinehan. Nagkataon lang din na yung ang pinaka-best option na pwede naming panoorin gamit yung passes galing sa ‘pinsan’ (di ko alam ang tawag sa asawa ng perscousin eh) ko. Ayaw ko naman yung Darker Shade of Black na movie. Could have watched Fake Taxi instead. Lol. Kahit yung unang movie di ko pinanood pero meron ako sa Hard Disk.

Anyway, below are my thoughts dun sa movie. Note na hindi ito expert review. Pwede nga na marami akong hindi napansin. Ito lang siguro yung natira sa isip ko… on top of my head:

1. Mas maganda yung first movie. Period. Nasa first movie kasi yung element of surprise dahil wala tayong background kung sino ba talaga si Jonathan Wick at kung ano siya bilang si Boogeyman. So dun sa chapter 2, medyo expected na ng manonood kung anong klaseng aksyon ang magaganap sa movie. I am not saying that the movie is bad, mas maaksyon nga ito kesa sa una. Medyo sumobra lang sa aksyon.

2. Isang perfect example si John Wick sa mga single player first person shooting game. Ang kunat niya kasi at kahit sobrang dami ng kalaban na bumubugbog at bumabaril sa kanya ay buhay pa din siya.

3. Speaking of kunat (VIT Type), mabilis din mag-regenerate yung HP niya. Ikaw na makipagbugbugan sa humigit kumulang na bente katao, bumangga at banggain ng ilang mga kotse, makipagtakbuhan ng malayo, makipagbarilan sa humigit kumulang sa sinkuwenta katao, gumulong gulong sa pabagsak sa bato batong hagdanan… tapos buhay ka pa? Hahaha.

4. Nabuhay si John Wick sa isang lugar na puro yata gun for hire. Pati pulubi may baril. Parang Pilipinas lang kung si Mar yung nanalo. Lol. *Triggered*

5. In relation sa number 4, kung gaano kadami yung mga gun for hire sa movie na ito, yun naman yung kaontian ng pulis. Nagkakapatayan na sa public places tapos wala pa ring responde ng pulis? Yung iilang pulis pa sa movie na ito, tropapips pa ni John.

6. Bihira maligo si John Wick. Para hindi bumaho, nagpapalit lang siya ng damit. Hindi rin siya kumakain. Umiinom lang siya ng alak.

7. Hindi ako expert sa mga baril. Pero parang sobra yata sa rounds ng handgun niya yung pinuputok nito.

8. Ang reason ng pagbi-beast mode ni John Wick sa unang movie ay dahil pinatay yung puppy niya. Sa simula nung chapter 2 ay dahil ninakaw yung kotse nya na may laman na ‘secret’ (spoilers denied). By mid movie, nag-beast mode siya dahil sinunog yung picture frame niya na may picture nilang mag-asawa (mag-jowa?).

9. The action scenes especially the gun fights were superb pero may time na dragging na siya. Lalo na yung labanan nila ni Boy Kalbo. Ang tagal e. Mas matagal pa ata sa isang laban sa UFC. Tapos later may round 2 pa sa loob ng tren.

10. On a deeper level, para sa akin hindi naman action movie ang John Wick. Ito ay tungkol sa isang tragic love story na kung saan ang isang lalaki ay hindi makapag-move on sa mga pangyayari. Isa siyang the man who can’t be moved. So ang tendency, pinatay nya tuloy yung mga gusto siya i-move.

Off Topic: Benta talaga sa akin yung tagalog translation nung ‘Beauty and the Beast’: Ang GF ko at ang Nanay nya.

Advertisements

4 thoughts on “John Wick Chapter 2

  1. Yey! nagpopost ka na ulit 🙂 Namiss kong basahin ang mga blog entries ninyo nila Ate Salbe, Kuya J.Kul, Duking at iba pa 😦 Nakaktuwa at nag.uupdate ka pa 🙂

    • andito pa din ako kaso sumisilip lang kapag may comments. bihira makapag post busy na kasi. yung iba wala ng blog na minemaintain pero friends ko na lang si sa facebook 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s