Food / Life and Family / Travel and Events / TV and Movies

03/19

Nung Sunday, whole day ang gala ni Dudong at Inday. Nagrereklamo na kasi si Jonalyn na hindi ko daw siya dine-date. Hahaha.

Chowking

First stop, Chowking for breakfast/lunch para maiba naman. Puro na kasi McDonald’s ang pinagkakakain namin recently kasi yun nga yung pinakamalapit sa lugar namin. So, that usual order na set meal ang inorder namin. Nag-suggest pa si Ate crew na mag-add kami ng halo-halo pero sa kalapit na Mang Inasal na kami nakaplanong bumili ng halo-halo. Only on that day kasi, yung branch na yun ng Mang Inasal ay may promo na P25 yung regular at P45 yung large para sa halo-halo nila.

Maximum daw of five lang daw ang pwede orderin per person kaya lima lang inorder namin. Mura nga kaso may problema. Inabot ng lagpas 30 minutes yung halo-halo bago na-serve. Lol.

muxOP Meet

MuXOP or Mu-X Owners Philippines held its biggest meetup yet that day. Nasa mahigit 150 kasi yung nag-confirm sa Facebook event kaya yung supposed na Mall of Asia na meeting place ay nilipat na lang sa Inggo’s Grill sa may CCP Complex. On the actual event, 176 ang nagpalista na attendees.

Malaki actually yung place kaya hindi naging problem yung pagpark ni ‘Taguro’ kasama ng isang katutak pang ibang Mu-X (myu-eks). Hindi kami sure before the actual day kung makakapunta kami kaya tuloy hindi ako nakapagbayad beforehand ng member’s kit which includes shirt, member ID and lanyard, mugs, muxOP car stickers, etc. Dahil dun, hindi ako na-induct during the day. Dun lang kasi mismo sa event nag-order nung kit at P800.

It was actually a congregation of people from different places and industry. May pulis, may seaman, may doctor, may lawyer, etc. Tapos meron ding reporter, si Ma’am Love Anover.

Basically, meet and greet, induction of new members and installation ng ‘virus’ yung afternoon na iyon. Katulad ng explanation ko kay Jonalyn bakit ‘virus’ ang tawag dun, kapag nagsimula ka kasi na gumastos para sa accesories at kung anu-ano pang anek anek sa kotse mo, lumalala yan. Palaki ng palaki ng gastos parang virus. Lol. So may mga tao din dun na nagpunta para magbenta ng mga anek anek para sa Mu-X. Mala-divisoria ng auto parts. Sila na rin magkakabit impromptu. Natagalan pa nga yung pagkakabit nung binili namin na aircon filter. Ang dami kasing bumili ng mga accessories sa seller na iyon kaya pila-pila sa installation at nag-iisa lang yung assistant nya na tiga-install.

Logan

Third week na ng Logan nung Sunday pero madami pa rin ang nanonood. Dahil din sa suggestion ng ka-officemate ko kaya naging curious kami. Kaya kahit pagod na sa byahe e humabol pa rin kami para panoorin yung movie.

***SPOILERS AHEAD***

Maganda nga yung Logan. Madali ma-bore yung Nanay ko sa mga pelikula kaya alam kong maganda ito kasama ng pagsasabi na namatay si Logan.

Actually parang hindi nga siya Marvel movie kasi instead na sa pakikipaglabanan using mutant powers ay nag-focus yung movie sa relationships at personalities ng mga characters dito. Medyo dark at deep kumbaga. R-16 ang rating niya pero malamang papapanoorin ko pa din neto yung mga anak ko with full parental guidance. Gory lang kasi yung mga eksenang tinutusok ng claws yung mga bungo. Rapbeh.

End

Yun lang. Wala na akong masabi. See you in my next post.

Advertisements

One thought on “03/19

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s