Life and Family

SOS Children’s Village

It was a pleaseant Saturday afternoon last March 25. Nagpunta kami sa SOS Children’s Village sa Muntinlupa for our company outreach event where pledges were collected to buy food, game prizes and school supplies for the kids. Ito yung first time na sumama ako dahil nung naunang pagkakataon ay wala ako dito sa bansa. Pero this time, kasama ko si Jonalyn and the kids.

On the way there, given na hindi ako maalam sa mga daan sa South dahil taga-North kami, ayun naligaw kami ng konti. Yung nalagay kasi namin na SOS Children’s Village sa aming navigation ay yung branch sa Batangas instead na yung nasa Muntinlupa. Ayun, 15 minutes late to the event pero ok pa rin naman.

Our group prepared a small program para sa mga bata. Actually, sila lang pala kasi sumama lang talaga kami family. Before the actual program, may coordinator na nag-orient sa amin ng history nung facility at kung ano yung ie-expect namin sa hapon na iyon. Actually warning pala iyon na medyo magugulo yung mga bata at lalo silang gugulo mga bandang hapon. Kasabay kasi ng event namin nung hapon na iyon yung birthday celebration ni Enrique Gil. May rumors pa nga nun na kasama din daw si Liza Soberano. Ayon din dun sa coordinator, master na daw nila yung stop dance na kahit may twists pa yung game mo ay wala talagang matatalo. Eventually, napatunayan din namin na tama si kuya. Tinanong ko kay kuya kung ano yung mga profiles nung mga bata na nandun sa village. Ang sabi nya, mga abandoned, abused at mga hindi kayang buhayin ng mga magulang ang mga batang andoon. May times daw na may bata na iniiwan tapos kapag kaya na ay binabalikan din ng mga magulang. Ang masakit lang, karamihan ay hindi ganun ang kaso. Parang isa daw malaking pamilya ang facility na iyon. Kasi nga pumapasok pa din yung mga bata sa mga eskwelahan sa labas ng village tapos umuuwi pagkatapos. LUmalabas din sila kunyari kapag may project o kaya naman birthday ng kaklase nila. Kinuwento din ni kuya na recently may naka-graduate na sa kanila at naging isa ng ganap na piloto.

Nasa mga tatlumpung bata na may edad na hanggang 12 ang nakasalamuha namin. Iilan lang kaming representative galing sa kumpanya pero naisip ko mas maganda kung madami kami. Maaapreciate mo lang kasi yung moment na iyon kung makikisalamuha ka sa mga batang naroroon na kulang sa pansin. Kulang sa pansin in a way na mararamdaman mo na kailangan talaga nila ng kalinga mula sa ibang tao. Makikipaglaro sila sa iyo at nakikipag-usap sa iyo.

Isa sa mga bata dun na nakausap ko ay itatago na lang natin sa pangalang Totoy. Kahit hindi ko na itago yung pangalan niya kasi nga nakalimutan ko talaga. Lol. May kakambal siya na naroroon din sa village. Anim na taon daw sila nung iniwan ng kanilang nanay. Ang sabi daw, babalikan sila. Hanggang ngayon na dose anyos na sila, walang nanay na bumalik para sa kanila.

Isang bata din na nakausap ko, siya daw yung kapatid ng piloto na alumni ng village na iyon. Tinanong ko siya kung bakit andun pa din siya kung nakatapos na yung kapatid nya. Aniya, kakatapos lang daw kasi ng kuya niya at may asawa na.

It was a worthwhile experience indeed. Yung material things kaya natin i-fill in sa kanila pero iba pa rin siyempre yung kalinga ng mga magulang at kapamilya na in the first place ay nandoon dapat para sa kanila.

Hindi kami pa nakauwi kaagad nun kasi may mga kasama kaming fans ng #LizQuen. Kaso hindi na rin nila naantay kaya nag-uwian na kami. Know more about SOS Children’s Village on their website: http://www.sosphilippines.org/

Advertisements

6 thoughts on “SOS Children’s Village

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s