Life and Family / News and Information

How to Make Tubos the Violation Ticket in Makati

First time ko nahuli for a Traffic Violation ever sa Makati. Doon kasi ako pumapasok at medyo famous/notorious ang lungsod na ito sa higpit ng mga traffic enforcer nito na mas kilala sa tawag na ‘Yellow Boys’.

Aminado naman ako na mali ako kung saan naghesitate ako sa yellow signal ng intersection at idinerecho ko pa din. Mabilis kasi ang pasok ko sa intersection ng Buendia at Paseo na sakto pagtapat ko sa white line papasok ng intersection saka biglang naging dilaw yung pakaliwa ng Paseo. Tumabi na lang ako sa gilid pagkapara ng isang Yellow Boy at inantay ang verdict niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit kailangan magpalit yung pumara sa akin at yung isang officer na kasama niya sa pagharap sa akin.

My First Traffic Violation Ticket

Ang mali ko lang bilang isang perstaym mahuli ay pumirma agad ako sa sinulat ni koya na ‘Sec 10’ sa ticket ko. Ang sabi nya sa akin ay ‘Disregading of Warning Signs’ daw yun. Pero nung hinanap ko sa Google kung ano ang ibig sabihin nun e parang iba yung nakalagay sa internet. E dahil nakapirma na ako, hinayaan ko na lang at charge to experience na lang. Nakatulong naman kasi naging cautious tuloy ako sa mga stoplights. Lol.

Hindi ko na maalala kung saang lugar exactly yung City Hall ng Makati dahil nag-taxi ako nun. Beforehand kasi nasabihan ako na mahirap ang parking dun bukod sa hindi ko pa alam kung nasaan siya. Basta nasa J.P. Rizal street yun. Dalawa yung building ng Makati City hall pero dun ka pupunta sa building sa kanan kung papasok ka ng one way na street na iyon. Pagpasok mo pa lang ay may dalawang elevator na sa may kanan. Isa na pang 7th at 8th floor lang at yung isa ay 9th floor lang ang sine-serve. Dun ka sa 7th pupunta.

Go to 7th Floor, Left Side Elevator

Paglabas mo sa elevator kasama ng iba pang magtutubos din ng lisensya nila, kumaliwa ka papunta sa pintuan ng Ordinance Violation Receipt. Doon mo ipapasa yung ticket mo. Maya maya lang, tatawagin ang pangalan mo para sabihin kung magkano ang damage mo.

Ordinance Violation Receipt Office

Ordinance Violation Receipt Office

Kinabahan pa nga ako dahil nakita ko na ang ‘beating the red light’ sa Makati ay P2500 at P2000 lang ang binaon ko. Pero ni-ready ko na yung sarili ko na mag-haggle kasi nga di naman ako nagbeat ng red kundi yellow light. May proof ako sa dashcam ko kaso hindi ko naman dala yung video file. Pero buti na lang at hindi umabot doon. P500 lang daw ang kailangan kong i-settle. Mukhang tama naman yung sinabi ni kuya Yellow Boy na ‘disregarding traffic signs’ lang yung kaso ko.

Makati City Traffic Penalties

Ayun, pagbaba ulit sa 1st floor mismo andun na rin yung bayadan. Window 11 siya. Nung andun ako, 2 tao lang ang nauna sa akin na nagta-transact.

Makati City License Division

After magbayad, akyat lang ulit sa 7th floor para ibigay yung resibo sa Window 4 at antayin tawagin ang pangalan mo. A few minutes later, mga two minutes, tinawag na yung pangalan ko at nakuha ko na yung lisensya ko na gawa sa papel.

P500

Inabot ng less than 30 minutes lang yung proseso. Mas matagal pa yung biniyahe ko mula BGC. So guys, hope this helps if needed. Lol. By the way, sabi pala ng taxi driver na nasakyan ko, wag daw kayo magpapahuli sa Quezon City at BGC. Una dahil yung sa Quezon City matagal ang proseso dahil sa dami ng mga ‘nagdo-donate sa City Hall’ (manong’s words) at pangalawa sa BGC na super layo daw ng city hall na nasa may Bicutan pa daw (malayo kung taga-North ka).

Advertisements

6 thoughts on “How to Make Tubos the Violation Ticket in Makati

  1. kasi ung nakalagay mo saken disregarding traffic sign and beating the red light pero 02 ung code tingin mo po 500 lang un

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s