Personal Musings / Status Updates

Untitled

Masama ba na matuwa ka sa nararanasang kamalasan ng ibang tao? Hindi naman sa gusto mo yung nangyayari sa kanila. Nararamdaman mo lang na kahit papaano nararapat lang yung mga pagsubok na dumarating sa buhay nila dahil na rin sa sarili nilang kagagawan. Parang katulad lang nung kasabihan na: ‘Kapag hangin ang itinanim, bagyo ang aanihin’. Pati na rin yung: ‘What you give is what you get’ at ‘You reap what you sow’. Naisip ko nga parang mali yung sinabi ko na salitang natuwa e. Kasi parang lumalabas na sa nasasaksihan ko sa kanila e tumatawa ako na parang demonyo o kaya yung masamang espirito na napapapanood sa telebisyon. Hindi naman ganun. Hindi rin sa punto na parang gusto ko na sabihing: Buti nga sa inyo!. Natuwa ka lang sa kung papaano mag-prank si Papa Lord sa mga taong mapanglamang sa kanilang mga kapwa. Plot Twist ng buhay ika nga.

Kaya nga siguro takot ako na gumawa ng masama sa ibang tao. Maliit man at lalo ng ng malaking bagay. Natatakot kasi ako sa kung anong pwedeng gawing balik na prank ni Papa Lord ang gawin sa akin. Alam ko naman na may mga pagsubok sa buhay pero mas maganda na rin yung pagsubok na hindi dahil sa mga masama mong pinaggagawa sa buhay mo lalo na laban sa ibang tao.

googled image

Advertisements

One thought on “Untitled

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s